Jang 8

75 5 1
                                        

//A.N: Play nyo mamaya yung video na nasa taas. Enjoy!

*****
Excited na ako! Dahil anniversary ni Mama at Papa, makakapag bonding na ulit kami tapos kakain kami sa restaurant. I miss it so much.

Pumunta ako sa kwarto ni kuya dahil tapos na akong mag-ayos. May gift kasi kami kay mama at papa. Jewelry ang gift namin ni kuya, sa kanya ay para kay mama at ang akin ay para kay papa. Infinite na necklace ang binili namin dahil limited lang ang neklace na ito.

"Kuya! Tara na! Excited na ako." nakaka ilang katok na ako pero hindi pa din bumubukas ang pinto.

"Pumasok ka na naliligo lang ako!" kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok.

Kulay blue ang kwarto ni kuya. Iilan lang din ang gamit kaya malinis tignan. Actually, mas makalat ang kwarto ko kesa sa kwarto nya. Kung sa iba mas maayos ang kwarto ng babae kesa sa lalaki, sa amin ang baliktad.

Pumunta ako sa kama at umupo. Nakabukas ng kaunti ang drawer at may nakitang picture frame. Tinignan ko muna ang pinto ng bathroom bago ko buksan ang drawer. Kinuha ko ang picture frame at nagulat sa nakita ko.

Yung nasa picture frame ay hindi lang kaming apat. Kundi kasama namin si Connor. Pano? Kelan to? Bakit may ganito?

Nakita ako ni kuya na hawak ang picture frame, nagulat siya pero agad bumalik sa sarili.

"K-kelan to k-kuya?" hindi talaga ako makapaniwala na kasama namin siya dati.

"Matagal na yan. Ilagay mo ulit kung saan mo nakuha." kumuha siya ng damit at bumalik sa bathroom.

Ibinalik ko ang picture frame at humiga sa kama niya. Pilit kong inaalala kung anong meron dati pero wala talaga.

"Ready na princess?" naka ngiti na si kuya hindi tulad kanina na seryoso. Siguro ay gusto nyang masaya ako ngayon kaya hindi na nya ako tinanong pa tungkol don.

"Yup" kinuha nya na yung box at tumingin pa muna sa salamin.

"Tara" lumabas na kami sa kwarto. Excited na ako sana magustuhan nila.

Nakita naming tawa ng tawa si mama. Siguro may joke nanaman si papa. Napa iling nalang kami ni kuya dahil para silang mga bata.

Pabulong kaming nagbibilang para hindi kami marinig"1.....2.....3"

"Happy Anniversary!" sabay namin sigaw na ikinagulat nila. Yumakap kami parehas sa kanila at humalik sa pisngi.

Binigay namin sa kanila yung regalo na agad naman nilang kinuha.

"Wow! Thank you sweetie!" hinalikan kami ni mama sa pisngi.

"Astig! Magkano kaya to pag binenta?" napatawa kami sa sinabi nya imbes na magpasalamat siya samin. Binatukan siya ni mama at tumawa.

"Tara na? Nagugutom na ako eh" naka hawak pa sa tiyan si kuya. Galing umacting eh.

Tumayo na kaming lahat at sumakay sa kani kanilang kotse.

Habang nagdadrive ay tinawagan ko si bud. Ang bruha hindi nagpaparamdam.

*kring* *kring* "Hello?"

"Hoy Babae bakit hindi ka nagpaparamdam?"

"I'm busy eh. May project kami kaya hindi ako nagpaparamdam sayo, bawal magulo." tumawa pa siya.

"Bwisit ka alam mo yun? May iba ka na no! Sino ha!?" natatawa na ako sa sinasabi ko dahil nagtatangahan nanaman kami kahit ngayon lang kami nakapag usap ulit.

"Tanga. Nag salita ang walang bago, besides habang day off ako sayo nandiyan naman si Connor" humalakhak siya pero napasimangot ako sa sinabi niya.

Have you loved yet? Where stories live. Discover now