Jang 7

59 3 0
                                    

"Anong oras kaya siya magigising no kuya?"

"Huwag ka maingay baby shh"

Kanina pa may nagbubulungan sa tabi ko. Ang ingay ingay nila. Hindi na tuloy bumalik antok ko. Tapos sobrang sakit pa ng ulo ko idagdag mo pa yung nagbubulungan.

Minulat ko ang mata ko at nakitang hindi ko kwarto ang tinulugan ko kaya napatayo agad ako. Nakita kong nagulat si Connor at yung batang babae.

"Bat kayo nandito!? Nasan ako!? Staka Bakit ako nandito?!" napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot eto kaya mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Ano masakit ba? Nag rarap ka kasi agad eh tss." binigyan nya ako ng malamig na tubig at gamot para sa hang over.

Agad ko itong tinanggap para mawala na din ang sakit ng ulo ko. Ibinigay ko sa kanya ang baso pagkatapos.

"Ate may masakit pa ba sayo?" tanong ng isang batang cute na medyo kamukha ni Connor.

"Wala na baby" ngumiti ako sa kanya dahil ang cute niya. Nginitian nya ako kaya nakita kong may tig-isang dimple sa magkabilang pisngi. Ang cute nya!

"Buti pa siya tinawag na baby" narinig kong bulong ni Connor kaya napa irap nalang ako sa sinabi niya.

"So sagutin mo ang tanong ko. Bakit ako nandito? At nasan ako? Nasa bar lang ako kagabi ah."

"Kiana sabihin mo kila ate Midel na mag luto na" umalis naman yung cute na bata, Kiana ang pangalan base sa tawag ni Connor sa kanya.

"Pumunta ako kagabi sa bar at nakita kita doon. Nalasing ka kaya inuwi kita dito, sinabi ko kay Coline na ako na ang bahala sayo. Wala akong ginawa sayo." sinabi niya yon habang seryosong nakatingin sakin.

"Muntik ka pang mapa-away sa lalaking lasing kagabi dahil sa kalasingan mo. Kung wala ako don, baka may nangyari na sayo kagabi."

Bakit kapag mag babar ako lagi siyang nandun para iligtas ako sa mga nang aaway sakin sa bar? Weird.

"Oh okay. Thank you." yun nalang ang nasabi ko. Naalala kong baka pagalitan ako ni Mama dahil hindi ako umuwi. Hinanap ko ang phone ko at nakitang nasa mini table katabi ng kama. Kinuha ko ito at balak na sanang itext si Mama.

"Alam ni Tita na nandito ka. Sinabi ko kagabi"
So tita tawag nya kay Mama? Argh.

"Close kayo ni Mama?" kunot-noo kong tanong.

"Well probably yes. We're business partners." bat hindi ko alam to. Tss.

"Eh bakit ka pumunta sa bar kagabi?"

"Kasi alam kong nandon ka." pilosopo tsk!

"Can I go home?" Bakit ba ako nagpapaalam sa kanya argh!

"No. Eat first, ayokong umuwi ka ng nagugutom. Ang payat mo pa naman" WTH.

"Hey hindi ako payat. I'm sexy."

"You are not sexy. Pumayat ka, kaya habang nandito ka. Kumain ka ng marami. Mas gusto kong mataba ka para sakin ka lang." purisigido pa siyang sumagot non ha! Grr.

"Excuse me? Sayo lang ako? Hindi mo ako pag mamay-ari." bakit ko ba kinakausap to! Nakikipag talo pa ako dito tsk!

"Sakin ka na simula una. You just don't remember me." wait what? I don't remember him?

"What are you talking about?"

"Bumaba na tayo para kumain." tumayo na siya at nag lakad para lumabas ng kwarto.

"Hey! Sagutin mo tanong ko!" kaso hindi niya ako pinansin at dire diretso siyang lumalakad palabas ng kwarto.

Bumaba ako at hinabol siya.

Have you loved yet? Where stories live. Discover now