Marahan kong minulat ang mata ko ng naramdaman kong may humahawak sa kamay ko.
Nasilaw ako sa maliwanag na ilaw, na siyang sumalubong sa aking pagmulat. Puting pader at iilang gamit lamang ang nasa kwarto.
Tinignan ko ang katabi kong hinahawakan ako sa kamay pero hindi niya alam na gising na ako dahil naka tungo siya.
Luminga linga ako dahil parang kaming dalawa lang ni Glory. Kahit sila mama at papa ay wala. Gumalaw ako ng kaunti kaya napatingala si Glory.
"G-gising ka na!" tumayo siya agad at pumunta sa may mini table para kumuha ng tubig.
"Nasan sila MM?" bumangon ako at umupo. Naramdaman kong medyo sumasakit pa ang ulo ko.
"Sila Moncy bumibili kasama sila MM pati si Ash at Coline. Okay ka na ba? May nasakit ba sayo?" alalang alala nya pagkabigay sakin ng tubig.
Ininom ko ito na parang hindi nakakainom ng ilang buwan.
"Anong nangyari sakin kanina?"
Ang natatandaan ko lamang ay nasa kotse ako at nagmamaneho, bukod pa don ay wala na akong matandaan.
"Noong Monday pa nangyari iyon. Friday na ngayon." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ibig sabihin..... Apat na araw akong hindi gumigising.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Habang pauwi ka ay bigla ka nalang nahimatay, buti nalang at tumama ang kotse mo sa puno."
"Nasan si Connor?"
"He's buying some food"
"May masakit ba sayo kaya ka hinimatay kahapon?"
"Wala" pero dahil dun sa lalaki kahapon na nakabangga ko, bigla sumakit ulo ko. Pero it doesn't make sense kung bakit ako hinimatay.
Bumukas ang pinto at pumasok sila Connor. Tumakbo papalapit sakin sila MM habang nakapamulsa lang si Connor, siguro ay pinauna niya muna ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ay siya naman ang lumapit, niyakap niya muna ako bago halikan sa noo.
"Dapat pala hinatid nalang kita. It's my fault damn" sinisisi nya ang sarili niya kahit hindi niya kasalanan.
"No, hindi din naman natin alam na hihimatayin ako"
Panghuling dumating si Ashiton, kaya nung makita niyang gising na ako ay nahulog pa ang mga dala niya at tumakbo papunta sakin. Niyakap niya ako na parang galing akong ibang mundo dahil sa higpit ng yakap niya.
"Alam mo bang dito kami natulog ng apat na araw kaming natulog dito pero sabi ng doctor ay bawal. Kaya ang ginawa ni Glory ay sinigawan niya ang doctor tapos yung reaction ng doctor ay ganto...." dinemo pa ni Ash ang reaction ng doctor na nanlalaki ang mata at takot na takot.
Nagtawanan kaming lahat kaya mas lalong sumasaya kahit na nasa ospital kami.
Napatingin ako sa katabi kong si Connor na tawa ng tawa dahil sa ginagawa ni Ash. Medyo nakahiga kami sa kama, nakasandal ako sa dibdib niya habang siya ay sinusuklay ang buhok ko.
Sila naman ay naglatag nang higaan sa sahig at dun mga nakaupo imbes sa couch.
Lumapit siya ng kaunti para madinig ko ang sasabihin niya.
"Nung nabalitaan ko na nabangga ka, umalis kaagad ako sa office kahit na pinipigilan ako ni Melanie. Akala ko ay may nangyari sayo o ano, pero thank God na hinimatay ka lang kaya ka nabangga" sinusuklay suklay niya ang buhok ko habang binubulong sakin yon.
"Pati ba naman sa ospital maglalandian pa din! Baka pati sementeryo ha!" natawa kaming lahat sa sinabi ni bud. Bitter ang peg palibhasa nasa ibang bansa ang kanyang kasintahan, which means LDR sila. I hope bud can do that.

YOU ARE READING
Have you loved yet?
DiversosI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...