"Argh sinipon ako don ha!" pinupunasan ko ang ilong ko dahil sa pag iyak ko sa pinanood namin samantalang si Connor ay..... Wala lang.
"Ano bang nakakaiyak don? eh hindi naman totoong buhay yan" ani nya. Palibhasa hindi mababaw luha nya.
Tumayo sya at lalabas ng kwarto kaya nagtaka ako. Natatakot akong mag isa sa kwarto lalo na at hindi akin ito.
"May kukunin lang ako sa kusina" kaya tumayo muna ako at nag ikot sa kwarto nya habang inaantay siya. Binuksan ko ang drawer nyang mas maganda pa kesa sa drawer ko. Maayos ang damit nya and to be honest, sa una lang maayos drawer ko. I wonder kung paano nya na maintain yon.
Napansin ko na parang may box sa dulo ng drawer, sumilip muna ako kung nandun na sa pinto si Connor. Since wala pa naman kinuha ko ito. Ewan ko pero nacurious ako eh.
Dahan dahan ko itong binuksan dahil medyo may pagkalumaan na din. Mga pictures na may sulat sa likod.
Kumuha ako ng isa at ang nakuha ko ay ang magkasama kami habang nakain ng kwek-kwek. Naalala ko na bigla kaming pinicturan ni kuya kaya hindi na sya nakapag ayos kaya tawa ako ng tawa nang makita ko yung picture.
"35
Hi love! Kamusta ka na kaya? Iniistalk kita palagi at tingin ko ay mas lalo kang gumanda. Gusto kitang puntahan kaso bawal eh. Sana ako pa din, kasi may babalikan ka pa. Babawi ako sayo, iintayin kita kahit matagal pa yan basta babalik ka sakin. Ipapaliwanag ko sayo ang dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay sayo in the right time. Ingat ka palagi! Lagi kitang isinasama sa pagdadasal ko...."
Gusto ko pa tignan ang iba at basahin kaso ibinalik ko na dahil naririnig ko na ang paglalakad nya kaya sinarado ko ang drawer at umupo.
"Hey, want some?"
Automatic na napatayo ako, amoy pa lang ay alam kong fries. Well, that's my fav!
"Favorite mo pa din pala" nakangiti nyang sabi sakin habang ako ay busy sa pag kain kahit punong puno na ang bibig ko.
"Pagkatapos nating kumain ay ihahatid na kita. Masyado nang lumalalim ang gabi at delikado para sayo ang gantong oras. At baka mapagalitan pa ako ni kuya"
********
"Thank you sa paghatid at para din kanina. Nag enjoy ako." sabi ko ng maihatid nya ako sa may gate.
"I'm glad that you enjoyed it"
"Teka, pano mo pala napaghandaan yun?" nakakapagtaka dahil hindi naman siya ganun dati.
"Matagal ko na kasing naisipan kaya talagang pinag handaan ko at syempre ako pa!"
Napangiwi ako sa sinabi nya kaya natawa siya sa reaksiyon ko.
"Done?" napatingin ako sa likod ko at si kuya. Naka boxer lang ang suot kaya napairap ako.
"Sige na. Thank you for today. Goodnight and sweet dreams"
"Goodnight. Dream of me." lumapit siya sakin at nanlaki ako ng mata dahil bigla nya akong hinalikan pero swak.
Hindi ako nakagalaw at nakatitig lang sa kanya. Dahan dahan akong tumingin sa likod ko at nakita ko si kuya na papasok na sa may pinto. Sumunod na ako at hindi hinintay si Connor na makaalis.
"Sweet huh." nasa kusina siya at may hawak na wine na sa tingin ko ay kanina pa siya umiinom. Napansin ko na may isa pang baso kaya hinanap ko kung sino yon.
"She's not back with me." agad akong napatingin sa kanya.
"I didn't say anything. So sino kainuman mo?"

YOU ARE READING
Have you loved yet?
DiversosI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...