"Argh. Kagigil talaga yon!! sarap nyang ingudngod sa balat ng lupa" gigil na gigil na sabi ni MM.
Yep, I'm with them. The one who I've met yesterday. Papunta kami ngayon sa cafeteria para mag-lunch.
At yung pinag uusapan nila? hindi ko alam at hindi ko din kilala. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil sa kaingayan nitong katabi ko.
"HOY LIBRE MO KO HA!" napatakip ako ng tenga. Sino ba naman ang hindi mabibingi sa pag sigaw nya sakin.
"Wag mo ko sigawan ugok! mag tanggal ka kasi ng earphone."
"Ha?" sagot nya sakin pagkatanggal ng earphone. Kanina pa ako iritang irita kay Ashiton, you wanna know why?
Kanina kasi habang nag lelesson si Sir, dinadaldal ako nitong ugok na to. Tuloy parehas kaming bagsak sa quiz at tuwang tuwa pa daw siya dahil bestfriend goals daw.
"Hatdog" nagbelat ako sa kanya at humabol kila MM.
"Hoy!"
Nakaupo na kaming lahat at inaantay nalang ang pagkain. Hanggang ngayon ay pinag uusapan pa din nila yung taong kinaiinisan nila.
"Aaaa she boil my blood!" natawa kaming lahat sa sinabi ni bud. Sinama ko din siya para makilala nya din sila Glory.
"Sino ba yang tinutukoy nyo?" nice question Ashiton, buti nalang tinanong mo.
Ngumisi si Glory... "The bitch secretary of Connor"
"Why?" hindi ko ma-gets since hindi ko naman kilala ang secretay ni Connor. And he's not texting me, simula kaninang umaga.
"Feeling jowa e secretary lang naman sya!" napalakas ang sigaw ni Bud kaya bigla siyang hinila ni MM pababa at tinago. Luckily, walang pake ang mga nakarinig.
"She's just doing her job, what makes you so angry at her?" pagtatanggol ni Moncy. Napansin ko na si Moncy ang 'tutok sa pag aaral' kesa kila MM at Glory.
"Is that a job? Pinagbawalan nya kaming pumunta sa office ni Connor, kesyo daw busy si Connor. Sabi ko sa kanya na kaibigan nya kami and do you know what she said?"
Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot agad siya. "You're just his friends and I'm his secretary and sorry to say this but you're trashy attitude doesn't belong here."
Kumuha pa ng tubig si Moncy at ibinigay kay MM na agad nyang tinanggap dahil sa pang gigigil nya. Pinaypayan naman sya ni Glory at inaayos naman ni bud ang buhok niya.
Parang mga shunga.
"Dapat sinapak nyo kaagad!" may pag suntok pa sa hangin si Ashiton kaya agad ko itong binatukan.
"Tangek."
"Binatukan mo na nga ako tapos tinangek mo pa" nakasimangot nyang sagot, babatukan ko sana ulit sya kaso bigla siyang lumayo at lumapit kay Bud.
Habang nag uusap sila ay ang vibrate ang phone ko.... Si Connor.
From: Kettle Connor
Hey my jelly, where are you at?Napairap nalang ako sa tawag nya sakin. Hindi nya na nga ako tinext tapos ganun pa ang tawag nya sakin.
"Nababaliw na si Vee umiirap mag isa" nagtawanan silang lahat kaya inirapan ko nalang din sila.
"What's the prob?" asked Moncy.
"Tinatanong ni Connor kung nasan tayo...." nagvibrate ulit. "Pupunta daw siya."
"Replyan mo sabihin mo sa cafeteria mag susumbong tayo dahil sa secretary nya"
Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni MM. Gigil talaga siya e.

YOU ARE READING
Have you loved yet?
De TodoI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...