Vee's POV
Naglalakad ako sa hallway habang nakikinig ng music. Nilakasan ko pa lalo dahil ang iingay ng studyanteng nakakasalubong ko.
Nag he-headbang pa ako dahil sa beat ng pinapakinggan ko ng may biglang humila sakin at tinanggal ang earphone ko.
"K-kanina pa kita tinatawag! Pinagod mo ko bwiset" hingal na hingal na sabi ni bud.
"Hindi ko naman dinig e" napakamot nalang ako sa ulo.
"Malamang! Naka earphone ka e!"
"Oh eh bakit ba?" nagpatuloy na kami sa paglalakad dahil baka malate kami.
Isinubo nya muna ang lollipop bago magsalita."Si Connor daw kaklase mo na starting today" baka masira ngipin nya dahil ang aga-
"Wait what!?" napalakas ang sigaw ko kaya napatingin samin ang ibang professors at sinamaan kami ng tingin.
"Dukutin ko mata nyo e" bulong na sabi ni bud kaya binatukan ko ang loka, pati teacher papatulan.
"Eh kasi nag aalala sya sayo kaya ayun nagbalik aral" natawa kaming pareho sa sinabi nya.
Napailing nalang ako sa sinabi nya.
"Goodluck!" hindi ko alam kung para saan yung 'goodluck' nya, humalik pa sya sakin bago nanakbo papuntang building nila.
Hindi ko alam kung bakit kelangan nya pa akong habulin kung pwede namang itext ako.
Pagkapasok ko sa room ay nadatnan kong tahimik sila at puro nagbubulungan. Nakita kong may gwapong nakaupo sa tabi ng upuan ko, at dun ko lang narealize na kaya pala sila tahimik at nagbubulungan dahil nandito ang dean.
Dumiretso ako sa harapan nya at hinila sya palabas.
"Bakit ka nandito?" nag cross arms ako at sinamaan sya ng tingin para malaman nyang seryoso ako. Kahit na mas lalo siyang gumwapo at tumangkad dahil sa uniform.
"Para mag aral"
"At sino namang maniniwala jan? Mr.Connor, maaga kang nag aral kaya maaga ka ding nagtapos. Kaya wag mong idahilan sakin ang mag aral"
"Gusto ko bantayan girlfriend ko." ngingiti ngiti pa sya nung sinabi nya yun kaya lalo ako napa poker face pero frenny, kinilig ako don ha.
"Wala dito girlfriend mo." tinalikuran ko sya at papasok na sa room ngunit napatigil ako ng marinig ko ang nakakakilig na sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit ako nagtataray sa kanya.
"Edi asawa" hindi ko na pinansin si Connor at dumiretso para magkunwaring hindi ako kinilig.
Nakita ko pa syang nakangiti at nakatitig sakin. Tinignan ko ang mga kaklase kong may sapi dahil sa mga tingin nilang nakakaloko.
Sinamaan ko sila ng tingin kaya tinawanan nila ako. Tinignan ko ang katabi kong hanggang ngayon ay nakatitig sakin kaya inirapan ko sya.
Kahit ang mga professor namin ay nagugulat dahil sinong hindi magugulat kung ang dean ay nasa room mo at gustong mag aral jeez.
"Naku baka hindi po makapag focus si Vee dahil nandyan po kayo" sabi ni Sir Lim. Napairap nalang ako sa kawalan dahil masyado silang papansin pero kinikilig pa din ako.
"Nasakin lang kasi ang atensyon nya kaya hindi sya makapag focus" at don nagsimula ang kantiyawan ng mga kaklase ko. Naiinis ako dahil puro pang aasar ang mga kaklase ko pero kinikilig at the same time dahil nag effort pa siya para lang makita ako.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas sa room. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko sa hiya or baka kilig na din.
Naramdaman kong may nakaakbay sakin at nagulat dahil si Connor ang nakaakbay sakin. Pagkaharap ko ay may estudyanteng makakabanggaan ko kaya hindi agad ako nakaiwas ngunit dahil sa pag yakap ni Connor sakin ay naiwasan ko sya.

YOU ARE READING
Have you loved yet?
RastgeleI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...