Chapter 6

10.7K 382 7
                                        

"Matteo POV"

PAGKARATING namin sa harap ng building ng condo namin ay mabilis akong lumabas sa driver seat at binuksan ko narin ang pinto ng passenger seat para alalayan ang tibo na kasama ko.

Sinalo ko sya ng natumba syang nakatulog at napasandal sa aking dibdib. Napangiti ako ng yakapin nya ko ng mahigpit sa aking bewang.

Narinig ko ang kanyang paghilik. Tumingin ako sa kanyang maamong mukha at may nakita akong butil ng luha na dumaloy sa kanyang nakapikit na mga mata. "Mahal ko." Wika nya at mas humigpit pa ang kanyang pagkayakap sa akin.

Napanaginipan nya ba ang ex nya. May sumibol na galit sa aking kaluoban. Hindi ko alam kung baket ito ang nararamdaman ko sa kanya. Na para bang nagseselos ako. Damn. Erase that. Hindi ako nagseselos..

Kinarga ko sya naparang nag karga ako ng sakong bigas. Lumakad ako patungo sa pinto ng building at pumasok. Tinungo ko ang elavator.

Bumukas iyon at sumakay ako habang karga ko sya. Pinindot ko ang number ng floor kung saan ang unit namin. Ilang minuto ang lumipas ay tumunog ang elevator at bumukas iyon.

Lumabas kami sa elevator at nilakad ang aking unit. Doon ko nalang sya patulugin kasi nakalock ang pinto ng kanyang unit at hindi ko alam kung saan ang susi ng condo nya.

Mahina ko syang nilagay sa aking kama para hindi sya magising sa kanyang mahimbing na tulog. Hinubad ko ang aking mga saplot sa aking katawan kasi naiinitan ako. Tinira ko nalang ang aking puting boxer sa aking katawan.

Kumuha ako ng planggana sa banyo at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Kumuha din ako nang bimpo sa kabinet para punasan sya. Baket ko ba'to ginagawa. Basta bahala na, nag kusa lang naman ang katawan ko na gawin ko ito.

Hinubad ko ang kanyang saplot sa katawan at ang natira ay yung boxer niya na parang pang underware ng bata. Natawa ako ng mahina dahil may naka printang leon doon sa kanyang harapan ng boxer nya.

Kinuha ko ang bimpo sa planggana at dinapo iyon sa mukha nya. Maingat kung pinunasan ang kanyang mukha pababa sa kanyang leeg. Patungo sa kanyang katawan.

Kahit hirap akong punasan ang kanyang katawan kasi may nararamdaman naman akong init sa aking kalooban ng masilayan ko ang kanyang makinis na hita.

Shit. Tumikwas ang aking ari na ngayon ay nakatent nasa sout kung boxer. Binalik ko ang bimpo sa plangganita at kinumotan ko sya para hindi ako matental sa kanyang katawan.

Humiga ako sa tabi nya habang nakatingin sa kisame. Maraming bumagabag sa aking isipan katulad nalang ng kung ano ang gagawin ko sa aking buhay na kung sa ganoon wala na ang aking pinakamamahal na babae.

Nawala sya dahil sa kagaguhan ko. Kinarma ako sa aking mga kasalanan. Wala na akong ganang mabuhay pa dito sa mundo. Gusto ko nang mamatay. Wala na akong kwenta.

Tumulo ang aking luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi ng iyak. Shit. Ang iyakin ko talaga. Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking palad. Bwesit na buhay to.

Napatigil ako sa aking pag iyak ng may pumulupot na kamay sa aking katawan. Napatingin ako sa aking katabi na ngayon ay nakadilat na ang kanyang mga mata. Mahigpit nya kung niyakap at napatingin sya sa akin na may malambing na mga tingin.

"Wag kanang umiyak. Para kanamang batang inagawan ng laruan dyan." Napangiti nalang ako sa kanyang sinabi. Pinadantay ko ang kanyang ulo sa may braso ko.

Sobrang bilis ng aking pagtibok ng puso ko. Masaya akong magkatabi kaming dalawa. Nawala saglit ang sakit sa aking puso at ang mga bumagabag sa aking isipan.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon