"Stephen POV"
5 years later
"Look tito, the tiger. Rawrr!!" Ang masayang sabi ng anak ko sa tito niya na si Alexander at ginaya pa nya ang ungol ng Tiger. Nandito kami ngayon sa ZOO. Wish kasi ng anak ko ngayong birthday niya na makapunta dito.
Buti nalang talaga nakapaghiram ako ng pera kay Alexander. Wala pa kasi akong sahod ngayon atsaka babayaran ko naman siya pag may pera na ako.
Lumapit ako sa anak ko at pinunasan ko ang kanyang pawis sa kanyang noo. "Masaya kaba anak?" Tanong ko sa anak ko. Ngumiti naman sa 'kin si David at hinalikan nya ko sa aking pisnge.
"Oo daddy ang saya saya ko ngayon. Dahil nakikita ko na ang mga favorite kong animals." Ang maligalig naman nyang sagot sa akin.Sobrang saya ko talaga na binigyan ako ng dios ng isang mapagmahal na anak. At laking pasalamat ko rin sa kaibigan kong si Alexander na hindi ako pinababayaan sa mga problema ko. Isang mabuting kaibigan talaga si Alexander.
Napatingin ako sa mukha ng anak ko. Kuhang kuha niya talaga ang kawangis ni Matteo. Pati ang mga nangungusap nitong mga mata. Ang kanyang labi atsaka ang kanyang matangos na ilong. Kuhang kuha niya sa ama niya na ngayon ay may pamilya na.
Kamusta na kaya ang mokong na 'yun. Naiisip pa baya niya ako hanggang ngayon? Kasi ako hindi siya mawawala dito sa puso ko. Siya parin ang tinitibok ng puso ko at sinisigaw nito.
Malungkot kaya siya ngayon na wala ako sa tabi niya. Or masaya siya nawala ako kasi nanjan si Bhea na magpupuwang sa puso niya.
"Daddy why are you cry, are you hurt?" Ang sabi ng anak ko at pinahid niya ang pisnge ko gamit ang kanyang kamay. Umiling lang naman ako at ngumiti ng malaki sa kanya. Ayokong makita ako ng anak ko na mahina ako.
"No baby im not crying. Tara na puntahan na natin si tito mo." Ang palusot ko sa anak ko at tumayo na sa pagkaupo sa bench.
"Okay daddy. I love you."
"I love you too baby." Ang sabi ko at hinalikan ko siya sa kanyang pisnge.
"I love you more daddy." Ang nakangiting sabi ng anak ko. Niyakap ko naman siya.
Tumayo na ako habang karga ko si David at tinungo namin si Alexander na bumibili ng ice cream.
Pagkakita sa akin ni Alexander ay kinawayan niya ako. Tumango lang naman ako at pinuntahan siya.
"Yes! Si Tito bili ice cream." Ang masayang sabi ni David atsaka ko sya binaba sa pagkarga ko. Mabilis naman siyang tumakbo papalapit sa tito niya.
Nakangiti nalang akong sinundan silang dalawa. "Daddy kain karin halika bilis." Natatawa nalang ako sa kabibohan ng anak ko. Lumapit ako sa kanila at binigyan naman ako ng Vanilla ice cream ni Alexander. Habang si David naman ay mabilis niyang nilantakan ang chocolate ice cream na binigay sa kanya ng tito niya.
"Thank you to." Ang pagpasalamat ng anak ko sa tito niya. Mabilis pa niyang hinalikan ang tito niya sa pisnge. Natatawa pa ako kasi may dumikit na chocolate sa pisnge ni Alexander.
"Your welcome baby." Ang tugon naman niya at kinurot ang pisnge ng anak ko sabay sabing. "Ang cute talaga ng baby ko. Manang mana sa daddy niya." Tumingin pa siya sa akin at kumindat. Loko talaga.
Lumapit naman ako kang Alexander. Nagtataka pa sya ng pinahid ko ang kamay ko sa kanyang pisnge na may chocolate. "May chocolate ka sa pisnge." Ang sabi ko pagkatapos kong mapunasan ang kanyang pisnge. Ngumiti lang naman siya sa akin.
"Thanks."
"Your not welcome." Ang natatawang sabi ko at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng ice cream.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Mpreg)
Novela JuvenilNiyaya si Matteo ng tropa nya na mag-inoman dahil bukas ay maitali na sya ng kasal sa kanyang magiging fiance. Hindi nga nya dapat patulan pa ang barkada para mag inoman dahil ayaw nyang magkaroon sya nang hangover sa kasal nila ng fiance nya. Pero...