"Stephen POV"
"Daddy diba si mister yan. Baket magkasama po kayo? Hi mister." Nagtatakang tanong ni David sa akin at nag wave siya ng kamay sa ama niya.
"Hello kiddo!" Ang bati naman ni Matteo sa anak ko. Ginulo niya ang buhok ni David at natatawa namang pinagpatuloy ang anak ko ang pagkain niya na inorder ng tito niya.
Napatingin ako kang Alexander na taimtim na nakatitig kang Matteo. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya para malaman niya kung baket nagkabati na kami ni Matteo.
"Eat." Saad ko kay Matteo at nilagyan ko ang plato niya ng pagkain. Ngumiti lang naman siya at pinigilan niya ako.
"Wag na hal. Im already full." Saad niya na ikinataas ng kaliwang kilay ko.
"Sabayan mo kami hal. Just eat a little bit. Okay." I said with a serious tone. Natatawa naman siyang napatango at kinurot niya ang pisnge.
"Your so cute." Sabi niya na ikinapula ng pisnge ko. Natatawa naman akong napahampas sa kanyang balikat.
"Wag ka nga!" Nahihiya kong bulyaw sa kanya. Natatawa namang inakbayan niya ako at hinalikan niya ang noo ko.
"May bata. Wag kang masyadong clingy hal." Saad ko at pinaalis ko ang pag-akbay niya sa akin. Napatingin naman ako sa anak ko na busy sa kanyang paglantak sa kanyang pagkain. Napasulyap ako kang Alexander na nakatingin pala sa amin kanina pa.
"Mag usap tayo mamaya Stephen." Ang seryosong saad ni Alexander sa akin at pinagpatuloy na niya ang pagkain niya. Napatingin ako kay Matteo na nakangiti ang tinugon niya. Ngumiti din naman ako pabalik sa kanya.
"Baby.." tawag ko sa anak ko. Napatingin naman sa akin ang anak ko.
"Ano po yun daddy?" Nagtatakang tanong niya. Napatingin ako kang Matteo at kay Alexander. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita sa anak ko.
"'Di ba gusto mong makita ang papa mo?"
Napalunok naman si Matteo sa sinabi ko at taimtim namang nakasubaybay sa amin si Alexander.
"Oo daddy pero 'di ba sabi mo patay na si papa dahil binaril siya.." ang inosenteng tanong ni David. Nakita ko ang pagblangko ng mukha ni Matteo at pagtiim bagang niya.
"Hindi yun totoo baby. Buhay pa ang papa mo." Mabilis kong paliwanag sa anak ko. Sumigla ang mukha ni David habang nanlaki ang mata niya dahil sa gulat.
"Daddy I wanna see my papa." Ang maligalig na saad ng anak ko at mabilis siyang bumaba sa upuan at kumandong sa akin si David.
"Daddy puntahan na natin si papa. Gusto ko na siyang makita at makalaro si papa." Saad niya pa at hinawakan niya ang kamay ko at pilit na pinatayo.
"Daddy tara puntahan natin si papa." Pilit parin akong pinatayo ni David. Natatawa naman akong ginulo ang buhok niya at kinandong ko siya ulit sa akin. Nakangiti ang labi ng anak ko at bakas ang kasiyahan sa mukha niya. Hinalikan ko sa noo ang anak ko.
"Siya oh.. siya ang papa mo." Ang nakangiting turo ko kay Matteo. Gulat naman ang rumihistro sa mukha ng mahal ko. At nagbabadya ang luha sa kanyang madilim na mga mata.
Mabilis namang bumaba ang anak ko sa pagkandong sa akin at lumapit siya kay Matteo. Bumakas parin ang gulat sa mukha ni Matteo at kinandong niya si David sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Mpreg)
Roman pour AdolescentsNiyaya si Matteo ng tropa nya na mag-inoman dahil bukas ay maitali na sya ng kasal sa kanyang magiging fiance. Hindi nga nya dapat patulan pa ang barkada para mag inoman dahil ayaw nyang magkaroon sya nang hangover sa kasal nila ng fiance nya. Pero...
