"Stephen POV"
"JUST CHOOSE WHAT YOU WANT TO EAT." Ang sabi ni Matteo sakin at binigay niya sakin ang menu. Inirapan ko lang siya dahil nabi-bwesit ako sa pagmumukha niya.
Hulaan nyo kung nasaan kami?
Nasa restaurant lang naman kami. Makulit kasi eh. Hindi naman sana ako papayag sa kanya pero wala talaga akong angal sa kanya. Binuhat nga pa nya ko palabas ng condo ko hanggang sa kotse nya.
Mapilit eh. Sinama niya lang pala ako para kumain sa restaurant nato. Tsk. Hindi parin nawawala ang inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Bwesit. Date nayun eh.. date with my crush. Naging bato pa. Nakakainis talaga.
"Hindi ako kakain." Naiinis kung sabi sa kanya. Bahala sya jan. Hindi ko talaga siya kikibuin. Ngumiti lang naman sya sakin at tinawag ang waiter ng restaurant.
Pagkalapit samin ng waiter ay binulungan nya ito. Ngumiti lang namang tumatango ang lalakeng waiter habang nakatingin sa akin.
Napataas naman ang aking kilay. Ano naman kaya ang pinag usapan ng mga dalawang to. Ako ba ang pinag usapan nila. Ang kapal ko namang mag assume.
"Okay sir." Sabi ng waiter kang Matteo at umalis na sa harap namin. Napatingin pa sakin si Matteo na may ngiti sa labi.
"Anong pinag-usapan nyo?" Ang tanong ko sa kanya. Umiling lang naman sya at hindi parin mawala ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Naiimberna ako sa ngiti nayan.
"Wala sa amin lang yun."
"Tsk.." inirapan ko lang naman siya. Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko. Hingilap ko ang number ni Alexander sa contacts ko.
I sent him a message. Nag sorry lang naman ako sa kanya dahil hindi na tuloy ang dinner namin at gumawa rin ako ng alibi. Para hindi na sya madissapoint sakin.
After a hour ay tumunog ang phone ko. Mabilis ko naman iyong kinuha at nakita ko ang pangalan ni matteo at nagreply sya. Napahinga naman ako ng maluwag ng mabasa ko ang text.
Okay. I understand Stephen. Mag pagaling ka. Kumain ka at uminom ka ng gamot para gumaling ka agad.
Text nya sakin. Hindi ko naman mapigilan ang kiligin dahil sa pag alala nya sakin. Nag alibi kasi ako na masakit ang katawan ko at nilalagnat. May side sakin na nakonsensya ako kasi nag sisinungaling ako sa kanya na hindi naman talaga totoo na may sakit ako...
"Ehemn.." napabalik ako sa pagtingin kang Matteo. Nakakunot naman ang noo ko ng nakita ko ang seryoso nyang mukha.
Hindi ko napansin na may marami na palang pagkain na nasa harap ko. Oo andami talaga parang fiesta ah. Napatingin naman ako kang Matteo na nagtataka.
"Kanino to lahat?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko lang naman napansin na may naglagay ng maraming pagkain sa table namin. Siguro dahil busy ako sa kakatext kang Alexander kaya hindi ko napansin iyon.
"Sayo yan lahat. Kainin mo yan, alam kung gutom ka." Seryoso nyang sabi na hindi nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kanyang pagkain na 1 Brazillian Chicken roasted at isang rice yan lang ang sakanya. Samantalang sa akin ang dami nyang inorder.
"Ang dami nito Matteo hindi ko to maubos lahat."
Tumingin mo na sya sakin at nagpunas ng wipes sa kanyang bibig. "Kumain ka nga lang jan. Ang dami pang tanong." Naiinis niyang sabi sakin at pinatuloy na nya ang pagkain.
Inirapan ko lang naman sya dahil ang sunget niya. Walang akong choice eh. Kundi ubusin to lahat. Sana lang hindi ako mag tatae nito dahil sa kabusugan.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Mpreg)
Fiksi RemajaNiyaya si Matteo ng tropa nya na mag-inoman dahil bukas ay maitali na sya ng kasal sa kanyang magiging fiance. Hindi nga nya dapat patulan pa ang barkada para mag inoman dahil ayaw nyang magkaroon sya nang hangover sa kasal nila ng fiance nya. Pero...
