Chapter 35

3.5K 134 32
                                    

"Matteo POV"

Napangiti ako pagkatapos kong mahalikan ang malambot niyang labi.

Nanlaki ang kanyang dalawang mapupungay niyang mata habang hindi makapaniwalang tinitigan niya ako.

"B-baket?" Ang nauutal na tanong niya. Natatawa naman akong umiiling sa kanya.

"Anong baket?" Saad ko.

Nagsalubong ang kanyang kilay habang blangkong tingin ang pinukol niya sa akin.

"Baket mo ko hinalikan?!!" Bulyaw niya sa akin. Nagtatagis ang kanyang bagang habang galit na galit niya kong tinitigan.

"Nagkusa eh.." ang nasabi ko nalang. Mas lalong nangalaiti ang kanyang mukha sa galit dahil sa sinabi ko.

"Nagkusa?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kanya.

Ngumiti naman siya habang tumatango tango.

"Nagkusa pala huh?!" Aniya at mabilis pa sa alas kwatro na sinapak niya ko sa aking gwapong mukha.

Napahawak ako sa aking ilong dahil ang sobrang sakit nito. Parang nabali ang buto ng ilong ko dahil sa impak ng pagsapak niya sa akin.

"Papa your nose is bleeding!.." ang natatarantang sigaw ng anak ko. Lumapit siya sa akin at pinahiran niya ang ilong kong nagdurugo.

"Papa are you okay?" Tanong ng anak ko pagkatapos niyang pinunasan ang nagdurugo kong ilong gamit ang kumot ng hospital.

"Im okay nak." Aniko at tinitigan ko ang mahal kong nakatingin sa amin ni David.

"Baket mo ko sinapak hal!?" Ang nagtatakang saad ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin at inirapan ako.

"Nagkusa eh." Aniya na ikinatawa ko ng pagak. Nagkusa? Lines ko yan ah?!

"Hal naman eh!.." ang naiinis kong saad sa kanya. Iniinis talaga ako ng mahal ko eh.

"Lumabas kana nga'ng impakto ka!! Hindi kita kilala at wag mo kong matawag tawag na hal kasi ang sagwang pakinggan!! Bwesít!" Ang sigaw nya habang tinuro niya ang labasan ng kwarto.

"Hal naman eh.." ang nakanguso kong pakiusap sa kanya pero mas lalong nangalaiti ang kanyang mukha dahil sa galit. Parang siyang dragon na handang bugahan ako ng apoy.

"Pag umabot ng tatlo ang bilang ko at hindi kapa lumabas.. May makakalagyan kana talaga sakin.." ang pagbabanta niya at habang nagtatagis ang kanyang bagang na nakatingin sakin ng matalim.

Tsk! Hindi man lang naawa sa kalagayan ko. Kinalimutan pa niya ako tapos siya pa 'tong may ganang magalit.

Tsk. Tsk. Lagot ka talaga sakin hal pag maalala mo na ako. May makakalagyan ka din talaga sa akin.

"Isa!.." bilang niya habang masama paring nakatitig sa akin.
Sige! Ipagpatuloy mo lang saktan ako. Pero pag bumalik na talaga ang memorya mo ikaw naman ang kawawa sakin hal. Hindi talaga kita palalakarin ng maayos. Tandaan mo yan hal..

"Dalawa!!"

"Oo na!! Lalabas na.." suko ko sa kanya at tumayo na ako sa pagkaupo ko sa upuan. Napatingin naman sakin ang anak ko na nagtataka.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon