Chapter 36

3.7K 136 17
                                        

"Stephen POV"

TATLONG ARAW ang lumipas ay nandito parin ako sa hospital. Pinapakain ko si David habang si Matteo naman ay nanood lang samin na nakaupo sa sofa.

Napailing nalang ako dahil naiilang ako pag nandito siya. Bigla nalang kasing bibilis ang tibok ng puso ko kapag nag katitigan kami.

Hindi ako komportable pag nandito siya. Pagkatapos kong subuan ng pagkain ang anak ko ay tumingin ako kay Matteo.

Ngumiti siya sakin na ikinairap ng dalawang mata.

"Lumabas ka nga Matteo kumukulo ang dugo pag nakikita ko ang pagmumukha mo!" Ang naiinis kong saad sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Baket meron kaba ngayon hal?" Nakangiting tanong niya sakin na lalong ikinasalubong ng kilay ko dahil sa inis.

"Wag mo nga akong tawagin sa ganyang pangalan Matteo, nakakasukang pakinggan!" Sigaw ko sa kanya. Bwesít na lalakeng 'to ang aga aga pinapainit ang ulo ko.
"Yan kasi ang call sign natin Stephen noong sinagot mo ko. Ikaw pa nga ang nag isip n'yan eh, atsaka nag tanong nga ako sayo kong baket hal ang tawagin natin pero ang sabi mo lang ay....
HAL is short for MAHAL." Ang nakangiting saad niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Pilit kong iniisip ang sinabi niya pero sumakit lang ang aking ulo. Napaupo ako sa hospital bed habang hawak ko ang aking noo. Ang sakit kasi eh, parang pinipiga ang ulo ko dahil sa sakit nito.

"Oh.. hal ayos ka lang, sumakit ba ang ulo mo? Sabi ko sayo eh, wag mong pilit isipin ang nakaraan. Babalik din niyang memorya mo hal kasama ako kaya ipahinga mo lang yang utak mo. Wag kang maraming isipin dahil makakasama yan sayo hal." Ang nag alalang saad ni Matteo sakin. Inalalayan niya kong pinahiga sa hospital bed.

"Papa anong nangyari kay daddy?" Tanong ng anak ko kay Matteo.

May binulong si Matteo sa anak ko at tumango lang naman ito.

"Sige po papa mag bebehave lang po ako dito." Saad ng anak ko at bumalik sa pagkaupo sa sofa.

"Mag papahinga lang ang daddy mo baby wag kang maingay." Sabi ni Matteo na ikinatango naman ng anak ko.

"Opo papa." Ang magiliw na sagot ng anak ko.

Napatingin sakin si Matteo at hinawi niya ang buhok ko na nakatabon sa mata ko. Ngumiti siya sakin at hinalikan niya ko sa noo.

"Mag pahinga ka hal, ako na ang bahala sa anak natin." Ang nakangiting saad niya.

Baket ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Wala sa isip ko ang tumango pero ganun ang ginawa ko. Ngumiti siya sakin at umupo siya sa tabi ng anak ko.

Napatingin ako sa kanya at sa anak ko. "Pikit muna yang mga mata mo hal, magpahinga kana nandito lang kami ng anak natin at hindi ka namin iiwan dito." Ang senserong saad niya sakin. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Pinikit ko ang aking mga mata at kinain nako ng antok.

"Bhea POV"

Nandito kami ngayon ng pamilya ko sa bahay namin. We have a family dinner with my brother's girlfriend.

Tahimik kaming kumakain at ang tunog lang ng pinggan at kubyertos ang aking naririnig.

Napatingin ako sa aking ama na katabi niya si mommy.

Hindi ako kumibo at nilihis ko ang paningin ko sa aking kuya na seryosong kumakain.

Nilapit ko ang paa ko sa kandungan ng kuya ko. Nagulat siyang napatingin sakin. Ngumiti lang ako sa kanya na ng aakit.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon