Chapter 15

7.8K 282 29
                                        

"Stephen POV"

"LASING KA MATTEO. MATULOG KANA." Ang natataranta kung sabi sa kanya. Nakainom kasi sya eh. Alam kong hindi totoo ang pinagsasabi nya. Hindi nya ko maloko, straight sya at babae ang gusto nya.

"Nagsasabi ako ng totoo Stephen. Hindi kita pinagloloko. Mahal na mahal kita."

"Hindi yan totoo. Lumabas kana." Seryoso kong sabi sa kanya. Tinuro ko yung pinto palabas.

Hinawakan nya ang mukha ko at pilit na pinaharap sa kanya.

"Seryoso ako Stephen sa sinasabi ko. Totoo itong nararamdaman ko para sayo. Mahal kita Stephen..." Malumay nyang sabi habang nakatitig sya sa mga mata ko. Pinaling ko pakaliwa ang mukha ko kasi naiilang ako eh. Naiilang ako sa mga titig nya.

"Bukas na natin to pag-usapan Matteo. Lasing ka, kaya kung ano ano nalang ang lumalabas jan sa bibig mo."

"No. Ngayo---" pinutol ko na sya sa sasabihin nya at pilit ko syang pinatayo para makauwi na sya sa kabilang condo nya.

"Umuwi kana. Bukas na natin to pag usapan okay." Ang sabi ko at hinawakan ko ang kanyang braso at pilit na pinatayo sa pagkaupo nya sa sofa.

Ang bigat ng mokong nato. Magkakamuscle pa ako nito eh. Hindi parin sya tumayo sa kakaupo sa sofa at pilit parin nyang pinabigat ang kanyang katawan para hindi ko sya mapapatayo sa kakahila ko sa kanyang braso.

"Hindi ako uuwi. Dito ako matutulog ngayong gabi, tabi tayo." Seryoso nyang sabi sa akin. Umiling ako at pilit ko syang pinatayo pero parang walang effect eh. Ang bigat ng mokong.

"No. Hindi ka pwedi matulog dito Matteo. Umuwi kana." Ang naiinis kong sabi sa kanya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumayo na sya at ngumiti sa akin. Binitawan ko ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso.

"Good. Umuwi ka----MATTEOOOOO......" Napasigaw ako sa pangalan nya ng bigla syang tumakbo papasok sa pinto ng kwarto ko. Natatawa pa syang binuksan ang pinto ng kwarto ko at napatingin sya sakin na may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

"Good night, Stephen. I love you." Sabi nya sabay kumindat pa ang loko sakin bago pumasok sa loob ng aking kwarto.

Naiinis naman akong napasabunot sa aking buhok at nagpapadjak na parang bata dahil sa naiinis ako ng sobra sa lalakeng yun.

"Baby.. come here matulog na tayo..." Sigaw pa nya sa loob na lalong kinakulo ng dugo ko. Bwesít ka talaga Matteo kahit kaylan. Ang sarap mong ilibing ng buhay.

"Manahimik ka anímal ka. Matulog ka mag isa mo." Naiinis kung sigaw sa kanya pabalik. Arghhhh... bahala sya jan. Dito nalang ako matutulog sa sofa. Ayokong katabi syang matulog. Naiinis ako sa pagmumukha nya.

"Ang bango ng unan mo baby, ang sarap amoyin. Halikana dito sa loob, gagawa tayo ng baby..."

"Bahala ka jan. Manigas ka jan hinayopak ka..." Sigaw ko pabalik sa kanya. Naiinis akong napaupo sa sofa at kinuha ko ang unan na nasa gilid at yun ang inunan ko matulog. Humiga ako sa sofa habang kunot parin ang aking noo.

Totoo kaya yung sinabi nya kanina. Na mahal nya ko?

Nakapagtataka lang kasi eh. Straight kasi sya at bihirang na inlove sya sakin.

Tsk. Matulog na nga lang.

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip eh.

"Matteo POV"

BAKET HINDI parin pumapasok si Stephen. Kanina pa ako kahihintay na pumasok sya. Nakahiga ako sa kama at nakatutok sa kisame.

Wala na bang urungan to. No. Mahal ko sya at hindi ako uurung na mapasagot ko sya ng matamis na oo nya sakin.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon