"Stephen POV"
NANDITO kami ngayon ni Alexander sa hostpital at nagpapacheck-up. Isang lalakeng doctor ang umaasikaso sa akin at siya si Doc. Kevin.
"Doc dalawang beses na kasi akong nahihilo at nagsusuka at iba rin ang panlasa ko mas nasasarapan akong kumain kapag maalat o maasim ang pagkain. Hindi ko alam kong baket ako nakaramdam ng ganito doc." Ang sabi ko kay doc. Kevin na ngayon ay kunot ang noo na nakatingin sa akin. Humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Alexander na nasa tabi ko at nakikinig lang sa amin.
May binigay sa akin si doc. Kevin na ikinataka ko. Baket nya ko binigyan ng pregnancy test. Para lang naman ito sa mga babaeng gusto nilang malaman kung buntis sila. At hindi naman ako babae para i try itong hawak ko.
"Doc para saan 'to?" Ang nagtataka kong wika habang nakatingin sa pregnancy test.
"Try to use it. Baka buntis ka. Kasi sa mga narinig kong paliwanag mo ay yan ang mga sintomas ng pagbubuntis. Ang pagsusuka o morning sickness
Maaaring maranasan ito sa unang bahagi ng pagbubuntis. Nakararanas din ng pagkahilo. Mapili o mapaghanap ng partikular na pagkain
Karaniwan na may hinahanap o pinanabikan gustong pagkain dahil sa pagbabago rin ng panlasa.." Paliwanag naman nya nalalong ikinakunot ng noo ko. Hindi naman ako babae para makaramdam ng sintomas ng pagbubuntis diba?. Laking himala kong totoo talaga ang sinabi ni doc. Kevin. Wala pa kasi akong narinig na may lalakeng buntis. Pinagloloko ba ako ng doctor nato?!
"Doc sa pagtanda ko po ay lalake po ako. Hindi po ako babae para mabuntis!!." Hindi ko mapigilan ang pagtaasan sya ng boses dahil feeling ko niloloko lang ako ng lalakeng 'to.
"Kalma ka lang Stephen. Pakinggan mo muna ang sasabihin ni doc." Sabi ni Alexander at pinisil nya ang kamay ko para pakalmahin ako.
"Wala namang mawawala diba kung i try mo yan. Dahil marami na akong na incounter na ganyan sa ibang bansa. May mga lalakeng nabubuntis dahil meron silang ovary na katulad sa babae." Ang paliwanag naman ni doc. Kevin. Hindi masink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. Totoo ba talagang may lalakeng nabubuntis.
Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Pinag-uuto lang ako ng doctor na 'to. 'Di ko alam kong baket ganito ang galit ko kang doc. Kevin. Bigla kasing kumukulo ang dugo ko sa mga sinasabi nya saking kasinungalingan.
"Napakasinungaling mong doktor!! Pinag-uuto mo ba kami na maniwala sayong may lalakeng nabubuntis ha?!!!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang galit. Natatawa lang naman sya at napailing na nakatingin sa hawak nyang papel.
"Anong nakakatawa ha?!!! Nakakatawa ba ang sinasabi ko. Bwesít!!.." Ang naiinis kong bulyaw sa kanya. Hinawakan naman ni Alexander ang mukha ko at pinatingin nya ko sa kanya.
"Stephen kalma lang. Just calm down okay." Aniya na lalong ikinataas ng kilay ko. Pano naman ako kakalma kong patuloy itong magsisinungaling ang doktor nato.
"Breath in... Breath out." Sabi ni Alexander na sinunod ko naman. Napahinga ako ng malalim at binuga ito. Paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa kumalma ako.
"Are you okay now?" Tanong niya sakin na ikinatango. Nawala na kasi ang inis ko. Dahil sa pagpapakalma sa akin ni Alexander.
Natatawa namang nakatingin sa amin si doc. Kevin. At ngumiti sa aming dalawa. "
"Isa rin yan sa sintomas ng pagbubuntis ang pabago-bago ng mood o mood swings at madali ring mainis kahit sa maliit na bagay. Katulad mo ngayon. Sobrang naiinis ka sa akin." Ang natatawang paliwang ni doc. Kevin.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Mpreg)
Novela JuvenilNiyaya si Matteo ng tropa nya na mag-inoman dahil bukas ay maitali na sya ng kasal sa kanyang magiging fiance. Hindi nga nya dapat patulan pa ang barkada para mag inoman dahil ayaw nyang magkaroon sya nang hangover sa kasal nila ng fiance nya. Pero...
