Chapter 21

5K 189 20
                                        

"Matteo POV"

"HAL KANINA KA PA WALANG KIBO. BAKET? MAY PROBLEMA BA?" Ang tanong ko kang Stephen. Kanina pa nya ko hindi pinapansin pagkatapos nyang mag groceries. Ano bang nangyari sa mahal ko?

"Wala lang hal. May naalala lang ako." Ang walang ganang sagot nya. Hindi ako mapakali kasi may nararamdaman akong hindi maganda sa kanya. Ano naman kaya inaalala nya?.

"Hal alam kong may problema ka. Please sabihin mo sakin para matulungan kita hal." Ang malumay kong sabi sa kanya. Ngumiti lang naman sya ng pilit sa akin at niyakap nya ko ng mahigpit. Nahabag naman ako sa kanya ng umiyak sya sa dibdib ko. Baket? Ano bang nangyari sa kanya?..

"Hal wag mo akong iwan ha?." Ang bulong nya at tinangala nya ko para makita nya ang mukha ko. Nanikip naman ang dibdib ko ng makita ko ang luhang lumandas sa kanyang pisnge. Tumango ako sa kanya at pinahidan ko ang kanyang luha gamit ang aking kamay. Hinalikan ko sya sa kanyang noo.

"Oo naman hal. Hindi kita iiwan, alam mo naman diba na sobrang mahal na mahal kita. Magkakamatayan man pero hindi talaga kita iiwan. Promise." Ang seryoso kong sabi sa kanya at pinatakan ko ng halik ang kanyang labi.

Ngumiti lang naman sya sa akin at yumakap sya sa akin ng mahigpit ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Ang drama mo ngayon hal. Kain na tayo gutom na gutom na ako." Ang sabi ko na ikinatawa nya. Napangiti nalang ako ng masilayan ko ang masayang mukha ng mahal ko.

"Gutom na pala ang mahal ko. Ipagluluto kita ng paborito mong pagkain. Gusto mo?" Ang nakangiti nyang sabi at hinihimas nya ang aking pisnge. Tumango lang naman ako. Gutom na gutom na kasi ako. Kumulo ang tiyan ko ng marinig ko ang paborito kong pagkain na sabi niya.

"Talaga hal. Sige ba." Ang masigla kong sabi sa kanya. Napangiti nalang sya at kinurot nya ang aking pisnge na ikinasimangot ko.

"Ang cute, cute talaga ng mahal ko." Ang natatawang sabi nya at nanggigil nya kong hinalikan sa pisnge. Yumakap lang naman ako sa kanya at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg nya. Kinagat ko iyon dahil kinikilig ako. Damn it! I love this person. Dinilaan ko ang makinis nyang leeg at sinipsip ko iyon na parang bampira. I love making kissmark sa mahal ko. Natatawa pa syang hinampas ang braso ko ng paulit ulit kasi hindi ko ni lubayan ang leeg nya.

"Hal naman eh! Wag mo ngang sipsipin baka mag marka yan. Lagot ka talaga sakin." Ang pagbanta nya at kinurot nya ang tagiliran ko. Natatawa naman akong pinakawalan ang leeg nya at hinalikan ko ng mabilis ang kanyang mapulang labi.

"I love you hal." Ang bulong ko sa tenga nya.

"I love you more."

---

"Hal ang sarap mo talagang magluto. The best ka talaga." Ang puri ko sa kanya. Sobrang sarap kasi eh! Naubos ko nga lahat niluto nya dahil sa sarap at timing rin na gutom na gutom ako kaya wala na talagang natira kahit katiting.

"Masarap ba talaga?"

"Oo masarap parang ikaw hal."

Natatawa naman nyang kinurot ang braso ko.

"Nambola kapang tipaklong ka." Ang sabi nya ikinalaki ng mata ko. Ako tipaklong tsk. Sa gwapo kong 'to kaya kong mambihag ng mga babae gamit lang ang ka gwapohan kong taglay. Kusa na lang silang lalapit sa akin.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon