Chapter 38

3.6K 115 14
                                        

"MATTEO POV"

NAALIMPUNGUTAN ako dahil nararamdaman kong may nakatitig sa akin. Di ko muna binuka ang aking mga mata.

"Ang gwapo mo talaga Matteo." Bulong niya na malinaw sa pandinig ko. Napangiti ang kalooban ko dahil sa sobrang kasiyahan.

"Sana nga bumalik na lahat ng memorya ko para maalala na kita." Bulong ulit ng mahal ko. Di ko mapigilan ang mapangiti at dahan dahan kong binuka ang dalawang mata ko.

Una kong nasilayan ang maaliwalas na mukha ng mahal ko. Nanlaki ang kanyang dalawang magagandang mga mata at namumula ang kanyang matambok na pisnge. Ang cute talaga ng mahal ko.

"Good morning hal." Aniko at ngumiti sa kanya. Namumula namang nilihis niya ang mukha niya sakin.

"Good morning din Matteo." Aniya at hindi makatingin sakin. Aysus! Nahihiya pa ang mahal ko.

"Kumain kana hal?" Tanong ko sa kanya. Mabilis naman siyang umiling at napatingin sakin.

Walang pag alinlangang hinalikan ko ang pisnge niya. Nagulat pa siya at mas lalong namumula ang pisnge niya. Nakakatuwang isipin na hindi na niya ko aawayin ngayon di katulad noon.

"Halikana kainin na kita gutom na kase ako hal eh." Aniko at kumindat sa kanya. Napaigik ako ng biglang niya kong hampasin sa aking balikat. Namumula parin ang pisnge habang nakatingin sakin.

"Anong ako?!" Aniya na may bahid na diin ang boses ng mahal ko. Natatawa naman akong umiling.

"Joke lang 'yon hal, halikana nga para makakain kana at makainom kana ng gamot." Aniko at bumangon na sa pagkahiga sa kama. Nasa gilid ng mahal ko ang anak namin na ang himbing parin ng tulog.

"Pano 'to?" Patanong na saad niya habang nginuso niya ang anak namin. Lumapit ako sa kanila at dahan dahan kong tinapik ang pisnge ni David para magising.

"Papa daddy." Ani ng anak namin pagmulat ng mata niya. Ngumiti naman ako kay David at hinalikan ko ang noo niya.

"Tara na kain na tayo sa baba ni daddy mo." Bulong ko at mabilis pa sa alas kuwatro na kumandong sakin si David.

"Kiss mo nga si papa baby." Aniko at pinatakan naman ng halik ang pisnge ko ni david.

"I love you papa." Aniya ngumiti naman ako at tumugon.

"Love din kita anak." Aniko at niyakap ko ang anak ko. Bigboy na talaga ang baby ko.

"Eh ako baby hindi mo ba ako love." Ani ng mahal ko at nag pout ito na parang cute na tuta. Todo pigil akong halikan ang nakapout na labi ng mahal ko. Naakit kase ako eh.

Umalis naman sa pagkakandong sakin si David at yumakap siya ng mahigpit sa daddy niya.

"Syempre daddy ikaw din, love na love ko kayo dalawa ni papa." Saad ng anak namin na ikinangiti ko. Masaya akong nakatingin sa dalawang mahal sa buhay ko na masayang nagyayakapan.

"Sali naman ako diyan." Aniko at napatingin sakin ang mahal ko, ngumiti ito at tumango.

"Halika papa sama ka dali!." Maligalig na saad ni David sakin. Lumapit naman ako sakanila at niyakap ko sila dalawa. Mahal na mahal ko talaga ang mag ina ko.

--

Sumapit ang alas dose ng tanghali ay narating namin ang Batasan Falls na pinupuntahan namin noon ng mahal ko at ang anak namin.

Pinark ko ang kotse at lumabas nako. Pinagbuksan ko ng pinto ang mahal ko.

"Tara." Aniko at tumango naman siya at hinawakan niya si David. Pumasok kami sa Entrance ng Batasan Falls at nag bayad nadin.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon