"Stephen POV"
NAPABALIK ako sa aking condo kasi nakalimutan kong dalhin ang aking digital camera para sa shoot mamaya.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng bigla nalang akong nahilo. Napakapit ako sa dingding para makabalanse na hindi ako matumba.
Pinikit ko ang aking mata at ilang sandali ay nawala na ang pagkahilo ko. Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad patungo sa aking unit ng hindi na ako nahihilo.
Pagkatapat ko sa pinto ng unit ko ay binuksan ko iyon at mabilis kong tinungo ang kwarto ko at kinuha ang digital camera na nasa kabinet ng mga damit ko.
Natigil ako ng bigla ng parang may kumiliti sa aking tiyan at napahawak ako sa aking bibig ng mararamdaman kong maduduwal ako. Mabilis akong pumunta sa banyo at doon ko binuhos ang pagsusuka na lumabas sa bibig ko.
Ano bang nangyari sa akin at baket ako nakakaramdam ng ganito.
Pinagbaliwala ko nalang iyon at lumabas nalang ako sa banyo pagkatapos kong maiflush ang kobeta na pinagsusukahan ko.
Kinuha ko ang digital camera sa nakabukas na kabinet at sinabit ko ang lace ng camera sa leeg ko at lumabas na ako sa unit. Lumabas bigla ang imahe ng mukha ni Matteo sa aking utak.
Napangiti nalang ako na parang sira. Baliw na baliw talaga ako kang Matteo myloves dahil pati sa isip ko ay ino-ukupa nya ito.
Ano kaya ang ginagawa ngayon ng tipaklong nayun. Gusto ko syang makita ngayon kahit makahalik lang ako ng smack sa labi nya bago ako pumasok sa trabaho.
Para mainspire ako mamaya mag trabaho dahil baon ko ang masarap na halik ng mahal ko.
Hindi mawala ang malaking ngiti sa aking labi patungo sa unit ng mahal ko. At nang nasa harap na ako ng pinto ng unit ni Matteo ay pipindutin ko sana ang doorbell pero hindi ko iyon nagawa kasi parang may nag udyok sa akin na surpresahin ko si Matteo.
Pinihit ko ang pinto at lucky me hindi iyon naka lock. Napakaburaot talaga ng mahal ko pati mag lock ng pinto nya hindi pa nya magawa. Pano nalang kong manakawan sya tsk.
Binuksan ko ang pinto at handa na sana akong pumasok sa loob ng natood ako sa aking kinatatayuan.
Parang may tumutusok sa puso ko at pinipiga ng dahil sa sakit nang nakita ko ngayon ang mahal ko na naka upo sa sofa habang may nakakandong sa kanyang babae na nakahubad na hinahalikan sya.
Napapikit nalang ako ng mariin para hindi ko sila masilayan. Bumuhos ang luha ko at napahikbi dahil sa sobrang sakit.
Binuka ko ang aking mga mata at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Matteo habang nakatingin sa akin. Para syang nakakita ng multo. Ang sakit sobrang sakit.
Hindi ko nakayanan ang nakita ko kaya mabilis akong umalis at tumakbo patungo sa elavator ng condo.
Nanginginig ang aking kamay na pindutin ang ground floor at nagawa ko naman iyon. Sumara ang pinto ng elavator at umandar na ito pababa.
Napatakip ako sa aking mukha gamit aking dalawang kamay at binuhos ko ang sakit gamit ang pag iyak. Akala ko ba ako na. Akala ko ba hindi nya gagawin ito sa akin. Akala ko ba na mahal nya ko. Akala ko ba hindi nya ko sasaktan at Akala ko ba na hindi sya magtataksil sa akin.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Mpreg)
Novela JuvenilNiyaya si Matteo ng tropa nya na mag-inoman dahil bukas ay maitali na sya ng kasal sa kanyang magiging fiance. Hindi nga nya dapat patulan pa ang barkada para mag inoman dahil ayaw nyang magkaroon sya nang hangover sa kasal nila ng fiance nya. Pero...
