"Stephen POV"
HABANG naglalakad ako mag isa patungo sa sakayan ng jeep. Nag sout lang ako ng white shirt at black pants with gray shoes.
Pagkarating ko doon ay wala pang gaanong taong sumakay kaya pumasok nalang ako sa loob. Ilang oras ang lumipas ay dumarami na ang sumakay ng jeep at siksikan kami sa loob.
"Paabot nga." Sabi ng katabi ko at inabot sakin ang bayad. Kinuha ko naman iyon at binigay sa driver ng jeep. Nakatungo ako at nag sout ng headset sa aking tenga.
Nakatutok ako sa sapatos ng katabi ko. Ang gara kasi ng design nito. Hindi ko alam kung anong brand ng sapatos nya pero sobrang cool talaga. Napasulyap ako sa katabi ko na nakatingin sa kanyang cellphone.
Gwapo ang lalakeng katabi ko. Semi kalbo ang buhok at makapal ang kilay niya na may ahit sa gilid nito. Matangos ang ilong na may bukol ang gitna na lalong nakadagdag sa appeal niya.
He wearing a black jacket atsaka pinarisan nya iyon ng brown pants. Ang cool nyang manamit. Fashion na fashion talaga. Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha pero laking gulat ko ng nakatingin pala sya sakin. Nakakunot ang kanyang noo at nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay.
"Why are you staring at me?" Malamig nyang saad sa akin. Nataranta naman akong nilihis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin ako sa labas ng jeep.
Hindi ko nalang sya pinansin at kunyaring hindi ko sya narinig. Ang sunget kasi eh. Sayang ang gwapo pa naman sana.
Tumigil ang jeep at lumabas na ang mga sakay na pasahero at ako rin naman. Lumabas ako pagkatapos naming mag bayad.
Hinagilap ko ang aking tingin sa lalakeng masungit na'yon pero nawala na sya eh. Tsk. Sayang hindi ko lang naman sya nasilayan sa huling sandali.
Tumungo na ako sa building na pinapasukan kong trabaho. Isa akong photographer sa DSLH COMPANY. Maraming sikat na modelo at artista akong kinuhanan ng litrato sa trabaho ko.
Halimbawa ng entry na pipicturan ko ay mens underware, mens suits,mens shirt,mens pants. Etc.
Pumasok nako sa office ko at nilagay ko doon ang bag sa gilid ng table. Maliit lang naman ang office at comfortable naman ako. May cr, 1 table and 1 chair. May kabinet at jan ko nilagay ang digital camera at ang mga lens ng camera. May bookshelves sa gilid ng sofa.
Bumukas ang pinto at niluwa doon ang sekretarya ng boss ko. "Pumunta ka daw sa studio at asikasuhin mo ang new model ng mens underware. Sya ang kunan mo ngayon ng litrato." Sabi niya sakin. Tumango lang naman ako at tumayo sa pagkaupo sa swivel chair. Binuksan ko ang kabinet at kinuha ko doon ang digital camera.
"Okay dasuri. Thanks." Ang nasabi ko nalang sa kanya. Ngumiti lang naman sya sakin at lumabas ng office ko.
Sinukbit ko sa aking balikat ang string ng camera at chineck ko muna ang aking kaylangang gamit sa aking bag.
Pagkatapos kung ma check lahat ay pumunta na ako sa studio. Pumasok ako sa loob at nilagay ko ang camera sa may lamesa atsaka yung bag kung dala ay nilagay ko rin doon.
Hinagilap ng mata ko kung saan ang new model ng mens underware. May nakita akong familiar na bulto ng lalake na nakaupo sa may stole ng studio. Nakayuko ito at parang naiinip na sa kakahintay siguro sa akin.
"Hey! you are the new model of the mens underware right?" Ang sabi ko sa kanya na ikina tingin nya sakin. Nagulat pa ako ng makita ko ang kanyang mukha. Wow! Sya yung katabi ko sa jeep. Yung masungit. Yeah! Sya nga yun. Hindi ako nagkakamali.
"Yes. Ako nga. Magsimula na ba tayo." Saad nya na walang imosyon. Parang hindi lang naman sya nagulat ng nakita ako. Wew! Hindi nya ba ako natandaan.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Mpreg)
أدب المراهقينNiyaya si Matteo ng tropa nya na mag-inoman dahil bukas ay maitali na sya ng kasal sa kanyang magiging fiance. Hindi nga nya dapat patulan pa ang barkada para mag inoman dahil ayaw nyang magkaroon sya nang hangover sa kasal nila ng fiance nya. Pero...
