Chapter 37

2.9K 107 10
                                    

"MATTEO POV"

KINABUKASAN ay inampake ko na ang mga gamit ng mahal ko at nilagay ko ito sa dala kong bagahe. Nakangiti akong tinuklop ang mga damit niya habang nag iisip kung anong unang gawin ko para makaalala na ang mahal ko.

"Papa gising na si daddy!" Ang maligayang sigaw ng anak ko na ikinatingin ko sa gawi ng mahal ko.

Nakatingin siya sakin. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian din naman niya ng ngiti. Napatigil ako dahil nasilayan ko ang magandang ngiti ng mahal ko. Hindi ako makapaniwala na nginitian na niya ako. Ibig sabihin ba nito na okay na siya sakin. Hindi na siya galit.

Di ko namamalayan na nakalapit na pala ako sa mahal ko at walang pag alinlangang niyakap ko siya ng mahigpit.

Tumulo ang luha ko dahil sa saya. Kumalas ako sa yakapan namin at hinawakan ko ang mukha niya. Nakangiti parin siyang nakatitig sa mga mata ko.

"Hindi kana ba galit sakin hal?" Ang malumay kong tanong sa kanya. Tumango naman siya na ikingalak ng saya sa puso ko.

"Salamat naman kung ganun." Ang nakangiting saad ko.

"Gusto ko ng mabalik ang memorya ko Matteo, tulungan mo ko." Ang sabi niya sa harapan ko. Mabilis akong tumango at galak na hinalikan siya sa noo.

"Oo hal tutulungan kita maabot sa makakaya ko para mabalik ang memorya mo at maalala muna ako." Ang nakangiting bulong ko sakanya. Niyakap ko siya at tinugunan rin naman niya ako ng mahigpit na yakap.

"D'yan ka lang hal tatapusin ko na lang 'tong inampake ko para makauwi na tayo." Aniko at tumango siya. Hinalikan ko muna ang noo niya bago ako pinagpatuloy ang pag impake ko.

--

Pagkauwi namin galing sa hospital ay inalalayan kong makalabas sa kotse si Stephen at ang anak namin.

Pagkalabas ng mahal ko ay tumumbad sa kanya ang bahay namin. Napatingin siya sa bahay na nagtataka ang kanyang mukha at kunot ang kanyang noo.

"Saan tayo Matteo?" Nagtataka tanong ng mahal ko. Lumapit naman ako sa kanya at inakbayan siya.

"Bahay natin." Ang maikling saad ko at nakatingin din ako sa bahay namin.

"Tara na pasok na tayo." Aniko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at ang kamay ng anak ko.

Nakangiti akong tinungo namin ang paloob ng bahay. Pagkapasok namin ay nilibot ng tingin ng mahal ko ang loob ng bahay.

Humakbang siya papalapit sa kabinet na nasa gilid ng may hagdanan. Napatingin siya sa picture frame na nakalagay doon. Family picture namin iyon. Kuha iyon no'ng naliligo kami sa falls.

Kinuha niya ito at tinitigan. Napangiti akong nakatingin sa mahal ko.

Nagulat ako ng biglang napatumba ang mahal ko habang hawak ang kanyang ulo. Mabilis akong tumakbo at sinalo ang mahal ko.

Nag alala kong tinitigan siya. "Arghhh!!" Ang nasasaktang sigaw ng mahal ko habang hawak ang kanyang ulo.

"Hal.." ang nag alalang tawag ko sa kanya at tinapik ko ang kanyang pisnge.

Nasa ganun kaming posisyon ng mawalan ng malay ang mahal ko. Kinarga ko ang mahal ko na parang bagong kasal at tinungo ko ang kwarto namin.

Pagkapasok namin sa kwarto ay pinahiga ko siya sa kama ng dahan dahan.

Bumukas ang pinto at tumambad doon ang anak ko na nag alalang nakatingin sa daddy niya.

"Papa what happen to daddy?" Ang nag alalang tanong ng anak ko at lumapit sa daddy niya. Hinimas niya ang noo ng daddy niya na ikinangiti ko. Ang sarap sa paningin ang mga nasilayan ko ngayon.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon