Chapter 33

3K 155 7
                                    

"Matteo POV"

"Hello hal saan kana ba? Kanina pa umiiyak si David sa kakahintay sayo. Umuwi kana please. Hindi ko alam kong pano 'to patahanin eh." Ang mabilis kong saad sa kabilang linya. Tumawag kasi ang mahal ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas otso na ng gabi pero hindi pa siya umuuwi.

Napayakap ako sa anak ko na wala paring tigil sa pag iyak. Hinihimas ko ang likod niya at hinalikan ko ang noo niya.

"Shhh!! Tumatawag na ang daddy mo. Wag kanang umiyak anak." Aniko sa kanya. Napatingin naman sa akin ang anak ko na mugto ang kanyang mapupungay na mga mata.

"Hello hal. Nasan kana ba?" Tanong ko ulit sa kabilang linya. Narinig ko ang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko ng hindi nagsalita ang mahal ko.

"Hal. Umuwi kana please." Saad ko ulit pero wala talaga akong narinig na tugon niya sa mga tanong ko.

"Matteo.." saad ng kabilang linya. Mas lalong napakunot ang noo ko ng hindi iyon boses ni Stephen.

"Sino to? Baket na sayo ang phone ng mahal ko. Nasaan siya?" Mabilis na tanong ko. Nagtatagis ang bagang ko dahil sa galit. Sino ba 'tong lalakeng 'to at baket nasa kanya ang phone ng mahal ko.

"Listen Matteo. This is Alexander. Na a-accidente si Stephen. Na-nandito ako ngayon sa Saint Hospital. Cr-critical ang la-lagay niya Matteo." Ang nanginginig na sagot niya sa kabilang linya. Narinig ko ang paghikbi niya. Parang pinana ng palaso ang puso ko dahil sa narinig. Nangatog ang tuhod ko dahil sa takot.

"Wa-wag ka namang mag biro ng ganyan Alexander.. Hi-hindi yan totoo." Ang nauutal kong saad. Ngumiti ako ng pilit kasi alam kong binibiro lang ako nito. Napahawak ako sa dambahan ng sofa dahil nangangatog talaga ang tuhod ko.

"Dad! Si daddy na ba'yan?" Ang nakangiting tanong ng anak ko. Para namang piniga ang puso ko ng masilayan ko ang masayang ngiti ng anak ko.

"Hi-hindi nak." Saad ko at binalik ko ang atensyon ko sa katawag.

"Hindi ako nagbibiro Matteo. Totoo ang sinabi ko." Seryosong saad niya at pinutol na niya ang linya.

Nanghihina kong nalagay ang cellphone ko sa lamesa at tumulo ang luha ko sa aking mga mata.

"Hi-hindi yo'n to-totoo." Ang nanginginig kong bulong. Napapikit ako at pilit na pinigilan ang luhang pumatak sa pisnge ko. Alam kong hindi 'yon totoo. Walang masamang mangyayari sa mahal ko.

"Papa why are you cry?" Nagtatakang tanong ni David. Napatingin naman ako sa anak ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Tumayo ako sa sofa. Nagtataka namang nakatingin sa akin ang anak ko. Kunot ang kanyang noo.
"Come here. Puntahin natin ang daddy mo." Ang saad ko at mabilis akong lumabas ng bahay.
Malakas parin ang pagbuhos ng ulan.

"Papa san tayo pupunta?" Ang nagtatakang tanong niya. Ngumiti ako ng pilit sa anak ko at binuhat ko siya patungo sa kong saan naka park ang kotse ko.

Binuksan ko ang passenger seat at pinapasok ko doon si David at pinasout ko sa kanya ang seatbelt.

Pumasok ako sa driver seat at nag seatbelt. Mabilis kong pinaandar ang kotse palabas ng bakuran ng bahay.

One Night Mistake (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon