Chapter 3

33 19 29
                                    


KRING!!! KRING!!! KRING!!!

Nagising ako sa malakas na ring ng cellphone ko. Kinapa ko ang bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unregistered number. Kaya binaba ko na lang. Ang aga-aga naman manggising. Ibinalik ko ang phone sa table at ipinikit muli ang mata. Antok na antok pa talaga ako.
KRING!! KRING!! KRING!! KRING!!
"AHHHH!! NAKAKAINIS KA!" sigaw ko habang sinasagot ang tawag nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Lian," mahinang sagot ng isang babae sa kabilang linya. Tiningnan ko ang callers ID at nakita kong siya yung tumawag kanina.
"Ah, I'm sorry pero sino po ito?"
"Lian, it's me," sagot niya. Parang umiiyak siya.
Pagkarinig ko, alam ko na kung sino siya. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Iyak lang ng iyak ang nasa kabilang linya. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang aliwin. Pero hindi ko magawa. Paano ko siya aaliwin kung nandito ako, habang siya'y umiiyak dahil sa nawala dahil sa akin?
"I'm sorry," mahinang sabi ko.
"No, no, no, it's okay Iha. It's not you. I just really miss him," sagot niya.
"Ako din po," mahinang sagot ko. Hindi ko alam kung naririnig niya o hindi. Kasi halos hindi ko na rin marinig ang boses ko.
"How are you Iha? Are you feeling better now?" Umiling ako, kahit alam kong hindi niya naman ito nakikita.
"Take care of yourself Iha, and be happy. I love you. We'll see each other soon," sabi niya. Naririnig ko pa rin ang paghikbi niya.
Tumango ako. "I will tita, take care of yourself then po," sabi ko.
"And I'm sorry," mahinang usal ko bago natapos ang tawag.
Tiningnan ko ang kisame. "Ganito ba dapat ang buhay ko? Kadiliman na lang ba talaga? Wala na bang natitira kahit isang bituin man lang? Para magbigay gabay sa akin?" tanong ko na parang may sasagot sa mga katanungan ko.
"Lian, look at the stars. They shine brightly," sabi niya sabay turo sa mga bituin sa langit.
"Ang dami nila no? Alam mo kung mamamatay man ako at papipiliin ako kung gusto kong bumalik sa lupa o maging star, mas pipiliin ko ang maging star na lang," nakangiting sabi niya.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.
"Because, I always want to be the light of everyone's path, and to bring them to the right path," sinserong sabi niya habang nakatingin nang sinsero sa mga mata ko.
"Kung mamamatay ako, wag kang iiyak ha. Be happy, always. Pasayahin mo si mom, be with Mom. And if ever ma-mi-miss mo ako, look at the sky above. I was one of those million stars," seryosong sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.
Pinalo ko siya ng mahina sa balikat. "Baliw, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Nag-propose ka pa, tapos kamatayan na pinag-iisip mo," tumawa siya sa sinabi ko.
"Who knows, life is too short," he laughed.
"I will always love you, Lian," he said.
"Mahal din naman kita eh, always," I said and look at the sky with the moon and the stars above.
Bumalik ako sa realidad nang mag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ang phone ko at nangunot ang noo ko. Another unregistered number. Binasa ko ang text pero isang simpleng "Hi" lang ito. Sino to? Baka wrong number lang.
Ibinalik ko ang phone ko nang mag-vibrate ulit. From the same unregistered number. Ano to? Parang teenager lang. 25 na ako, magte-textmate pa ba ako? I sighed. People nowadays.
Sa pangatlong vibrate, hindi ko na talaga tiningnan. Nang biglang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Tiningnan ko ito at nakita ang unregistered number. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero sinagot ko na lang. Wala namang mawawala.
"Hello?" sabi ko.
"Hi," sabi ng nasa kabilang linya.
"Sino to?" tanong ko.
He chuckled. "You already forgot?" tanong niya.
"Sino nga to? You know I'm not fooling around here. So, kung wala kang magawa sa buhay, wag ako please," sabi ko. Akma ko nang bababaan ang tawag nang magsalita ulit siya.
"High blood neto," I raised my eyebrows after hearing what he have said. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"It's Zane, remember," he said.
"Makalimutin ka pala, why don't you tried to forget all the bad happenings in your life," he said.
"Pakealamero ka pala," sabi ko. Tumawa siya.
"Sorry about that. May gagawin ka today? Gusto sana kitang yayain kung okay lang sayo," aniya.
"Saan?" tanong ko.
"Dun sa church, wear something comfortable," he said.
"Ah! Ano uhm- ano kasi Zane..." he cut what I'm about to say. Wow! Bastos ha, palagi nalang akong sinasapawan.
"I won't take no for an answer. Na kina Ashleen ka? I'll pick you up 3:00 pm. See you there," aniya.
"Huh? Wait-" I looked at my phone. Gago yun, did he just ended a call without me saying if I agree or not? "Bossy," I said in the air.
I texted tita Cas na may lakad ako ngayon. Wala siya ngayon kasi on duty siya. Tita Cas is a Pediatrician while Ashleen is a registered Nurse. They both work at the same hospital owned by our late grandparents. It is a family business from the grandparents of our parents. And our Tito Ed is the one who took the responsibility because my daddy, as the older brother, is not feeling well to handle the business, and Tito Carlos as well. Of course, he died in the plane crash years ago. That's why Tito Ed, as the youngest among the three Villegas Brothers, took the responsibility to run the family business that was inherited from our great grandparents.
To tita Cas:
Hello po tita, magpapaalam lang po sana akong lumabas. Uuwi rin po ako pagkatapos. Kung okay lang po?
From tita: Sure sweety. Take care.
It's already 3:00 pm when I heard the doorbell. Kumunot ang noo ko. Kung sina tita at Ashleen naman ang tao sa labas, bakit magdo-doorbell? I went out of my room to check kung sino ang nasa labas, baka kakilala nina tita.
As I opened the door, I was stunned as I see the man standing in front of me. He's wearing black shorts that reach his knees, a white T-shirt, and black shoes. His forehead creased and he looked at me from head to toe.
"Zane? Wha-- what are you doing here?" I said. Mas kumunot lalo yung noo niya.
"So, you forgot? Really Lian?" Natatawang tanong niya.
"What?" Naguguluhang tanong ko. He raised his eyebrow and there I have realized that we had an agreement. Bigla kong tinakpan ang noo ko.
"Sorry," mahinang usal ko.
"So, nakalimutan mo talaga?" Tanong niya ulit.
Tumango ako. "Sorry," paghingi ko ng paumanhin.
"Pasok ka muna," I gave way for him to enter.
"Upo ka muna, mabilis lang talaga ako," Tumango siya. Dali-dali akong pumanhik sa taas at naghanda. I wore black jogger pants, a white T-shirt, and white rubber shoes. I don't know if this complements our outing, but I am comfortable wearing this. When I thought I was okay, I quickly went downstairs to the living room. I saw him holding his phone and typing something. He must be texting someone.
"Tara na," I got his attention.
He looked at me and smiled. He stood up and put his phone in his pocket.
"Tara," sabi niya.
"Okay lang sayo maglakad papunta dun?" Siya ulit.
Tumango ako. "Okay lang, malapit lang din naman yun," I said. And he just nodded.
"Anong meron?" Tanong ko ulit.
"You'll see later," nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi na lang ako umiimik sa sinabi niya.
"So, what are you doing in life, if you don't mind me asking?" tanong niya ng nakangiti sa akin.
"Nothing," simpleng sagot ko.
Tumingin siya sa akin ng masinsinan. "Meron ba nun?" Sabay tawa.
"Nag-aaral ka pa or nagtra-trabaho?" Tanong niya ulit.
"I graduated when I was twenty, and I got my first job at the same age," sagot ko.
"Oh, I see. You must be good when you're still studying. You know, mahirap humanap ng trabaho sa panahon ngayon," he said.
"I was once a Dean's Lister when I was in college, pero di naman talaga ako magaling. Sinubukan ko lang mag-aral tuwing exams, yun lang," Tumango siya sa sinabi ko.
"Ikaw?" Tanong ko ulit sa kanya.
He looked at me again and smiled, pointing to himself. "What me?" Tanong niya.
"Ikaw, kwento mo sa buhay," sagot ko.
"Well, nothing special," Tumawa.
Tumawa na din ako ng kaunti sa sinabi niya.
"Nothing special," sabi ko ulit sa mapait na tono.
Huminto siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya. I saw him looking at me.
"What?" I asked. "Okay ka lang?" Nilapitan ko siya.
"You should find the happiness in your life. Don't let sadness eat you wholesome," he said. Napayuko ako sa sinabi niya.
Tumawa siya. "Tara na nga, let's chase our happiness," sabay hawak sa palad ko. Napahinto ako sa kakaibang elektrisidad na dumadaloy na naman sa katawan ko. Napahinto na rin si Zane at binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"I'm sorry, I didn't-"
"Okay lang," putol ko sa sinabi niya.
Ngumiti siya. "So, let's go," Tumango ako sa kanya.
"Way of the cross?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin.
"Diba, sabi ko sayo may magandang view dun, puntahan natin. Isigaw mo dun lahat ng sakit at pait na nararamdaman mo," Tinitigan ko siya.
"I did that once at medyo napagaan naman nito ang pakiramdam ko," Sabi niya ulit.
"So why don't you try diba? Maybe it can help you a little," Aniya.
"Nakakahiya, baka magalit yung-"
"No, they won't mind. Malayo naman sa simbahan eh," sagot niya. Tinanguan ko lang siya.
Way up there is nice. Malinis pero mabato nga lang ang daan. Dapat ka talagang mag-ingat. Buti na lang talaga at komportable ang sinuot ko ngayon. The place is very solemn. Ang gandang pakinggan ng huni ng ibat-ibang ibon. Ang presko ng simoy ng hangin. Medyo mainit nga lang pero nababawasan ito sa lakas ng simoy ng hangin.
"Refreshing," sambit ko.
Ngumiti siya. "Say it again until you already see what is up there," he said.
"Palagi ka dito?" tanong ko.
Tumango siya. "Everytime uuwi ako dito," sagot niya.
Tumigil ako sa paglalakad. "Hindi ka dito na namalagi?" Tumango siya.
"Ikaw? Hindi ka taga dito diba?" Tanong niya ulit.
Umiling ako. "Pero nandito ang family ng papa ko. He's from here. Villegas, are you familiar?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Ashleen is a Villegas too. I'm surprised na mababait kayong magpinsan," he said. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?" I asked.
"Nothing. I'm just surprised na di kayo spoiled, the fact na you came from the wealthy family," naka-ngiti niyang sabi.
"You know, kath---- uhm-- you know, rich people known to be a spoiled brat," he said at kinindatan ako.
"Hindi naman lahat. Our great grandparents are rich, we're not," Sabi ko nalang.
Nagkibit balikat lang siya at muli kaming naglakad.
I wonder how's the life of those spoiled brats. Masaya din kaya sila sa pinag-gagawa nila? Are they happy looking at their parents suffering of their actions? I sighed.
Naramdaman ko nalang na may nilagay si Zane sa ulo ko. Kaya naibaba ko ang kamay kong ginamit pang-harang sa noo kong nasinagan ng araw. Tinanggal ko ang inilagay niya sa ulo ko. It is a navy blue baseball cap. Binigay ko ito ulit sa kanya. Pero umiling siya at muling inilagay ang cap sa ulo ko.
"Are you tired?" He asked. Umiling ako, kahit ang totoo ay pagod na talaga ako.
"Pwede tayong magpahinga muna," Sabi niya ulit. Tumango ako para sa pagsang-ayon.
Umupo kami malapit sa malaking puno. He handed me a bottle of water.
"Here, drink this one," he said.
"Thank you," agad kong binuksan ang tubig at dali-daling uminom.
"Oh! Hinay-hinay lang, wala kang kaagaw diyan," natatawang sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya mas lalo siyang tumawa.
I looked at him while laughing. This man in front of me is every girl's want. Pasadong-pasado siya sa standard na hanap ng mga babae.
"May girlfriend ka?" I asked him out of nowhere. Natigil siya sa kakatawa and look at me in amusement.
"I mean, ano- never mind," kagagahan ko talaga. Tumawa siya at umiling. I raised my eyebrow.
"I don't have one, to answer your question," seryosong sabi niya.
My brow raised of what he said. "So, who's that girl in the church? Noong una tayong nagkita?" Tanong ko.
Tumawa siya. "My sister," simpleng sagot niya.
"Your sister, but you're not look alike," I said.
Tumango siya. "Everybody says it. She looks like my father. Girl version siya ng papa ko, fierce but sweet, and I looked like my mother." He said.
Tumango ako sa sinabi niya.
"How about you?" Tanong niya.
"What about me?" I asked.
"Boyfriend?" Pabalik niyang tanong sa akin. Umiling ako. And this time siya na ang nagtaas ng kilay as if di siya naniniwala sa sinabi ko.
"I mean, I used to have one. He's my schoolmate when were in elementary. We were classmates in high school and we came from the same school when we were in college. He is a civil engineering student and I am an education student majoring in special education. Naging kami around third year college. I know we both young back then, pero we never tried to do things na makaka-disappoint sa parents namin. I graduated first then siya sa sumunod na taon to complete his 5 years engineering course. We were both licensed professionals. And we're together as a couple for eight years, eight long years," I said habang nakatingin sa malayo.
"Where is he now? Bakit di mo kasama?" He asked. Pero di ko siya sinagot sa tanong niya.
Muli kaming naglakad, walang imikan, dahil walang sinuman ang nagbalak mag-open ng topic after our last conversation.

He Belongs to Someone ElseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon