"We're here!" masayang sigaw ni Zane.
Ang ganda ng paligid! Mula sa kinatatayuan ko, makikita mo ang nagtataasang mga bundok, isang obra maestra ng kalikasan. Green at blue. May malalaking puno, at sa likod ng bundok sa bandang kanan, makikita mo ang dagat. Sa likod ko naman, makikita mo ang napakalaking Sacred Heart of Jesus, na nakaharap sa simbahan na may kalayuan din mula rito.
"Wow! Ang ganda dito," sambit ko habang ninanamnam ang sariwang simoy ng hangin.
"Yeah, a perfect place to think wisely," sabi niya.
Inabot niya sa akin ang pagkain at isang bote ng tubig.
"Dito tayo," turo niya sa ilalim ng kinatatayuan ng Sacred Heart of Jesus. "May mauupuan dito," aniya ulit.
Tinanguan ko siya at lumapit. Umupo kaming dalawa sa ilalim ng Sacred Heart of Jesus habang tanaw ang magandang tanawin.
"God is really powerful. Imagine, nagawa niya ang napakandang tanawin na ito," he said in the middle of our silence.
"Part pa ba ito doon?" sabay turo ko sa simbahan.
"Oo, at pati na sa banda doon," tinuro niya ang bandang may napakaraming puno.
"Anong meron doon?" Curious na tanong ko.
"A Cave of Mother Mary," he said.
Tiningnan ko siya. "Seriously? Akala ko wala na kasi parang ang tahimik at liblib naman," sabi ko.
Tumango siya. "Pero kadalasan maraming pumupunta diyan every holy week, just to visit Mother Mary. Medyo delikado nga lang kaya dapat kang mag-ingat papunta dun. Mabato kasi ang daan," mahabang eksplinasyon niya.
"I see. Maybe we could go there next time," I said.
"Seryoso?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Why not now?" Sabi niya sa akin.
And this time, ako naman ang nagulat sa sinabi niya. "Now? As in now?" Gulat na tanong ko.
"Yes," tumayo siya at inilahad sa akin ang kamay niya. "Tara."
"Akala ko ba delika-"
"Trust me," putol niya sa sasabihin ko sana.
Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo.
Tama nga siya, the way to go there is not that easy. Madulas ang daan at may maraming malalaking puno. At sa di kalayuan, mabatong daan, malalaking bato at matutulis pa. You really need to be careful papunta doon. It seems like a river na walang tubig na dumadaloy, ang daan papunta dun.
"Walang ahas dito?" Natatakot kong tanong.
"Meron, madami," sagot niya.
Namutla ako sa sagot niya. Naalala ko ang Darna, diba sa kweba nakatira ang mag-amang cobra at ang mga anak niyang ahas?
"Okay ka lang?" Puna niya sa akin.
Tumango ako. "Maybe we should go back now. Mukhang delikado nga," sabi ko sa kanya.
"Ha? Pero malapit na tayo," sabi niya.
"Actually, sa likod ng batong yan, ang entrance ng cave," turo niya sa malaking bato.
"Aakyatin natin, pero matutulis ang katawan ng bato," pagrereklamo ko.
Tumawa siya at umiling.
"No, may daan sa gilid. Doon tayo dadaan," aniya.
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad.
He handed me his hand, and without second thought, inabot ko ito. Takot na talaga ako. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan ang kamay naming magkahawak. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong. Umiling lang siya at muli kaming naglakad.
Katulad ng sabi niya, dumaan kami sa gilid ng malaking bato. Totoo nga'ng may daan doon. May inakyat kami konti na di gaanong kalakihang bato pero matutulis. You need to be extra careful. Siguro nasa bakuna na kami ng kweba. Sa baba ng kinatatayuan ko ay isang bilugan at di gaanong kalakihang parang lawa dahil may tubig ito.
"Malalim diyan?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa tubig.
He shooked his head. "I don't know. Mag-ingat ka nalang at baka madulas ka at mahulog ka diyan. Tiyak sa dagat ka pupulutin," seryosong sabi niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mas hinawakan pa ng maigi ang kanyang kamay at braso. Tumawa siya kaya hinampas ko siya ng mahina sa balikat.
"Matakutin ka?" Tanong niya.
"Madali lang maniwala," I said.
"I see," he said.
"So, how are you feeling right now?"
"Pagod."
Tumawa siya.
"Obvious nga naman."
"Oh? Bakit nagtanong ka pa?"
"Bawal ba?"
"Nope."
Sabay kaming tumawa.
"I'm happy na masaya ka," sabi niya while looking at me smiling. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.
"Oh? Don't you like to be happy all the time? Maaga kang tatanda niyan," kiniliti niya ako.
Ilag ako ng ilag.
"Wait, hoy! Tama na, mahuhulog tayo," sabi ko habang tawa ng tawa. Kaya kiniliti ko din siya kaya na out of balance siya at bumagsak sa batuhan.
"Ouch! Masakit," nataranta ako kasi nga matutulis ang bato. Baka napano siya.
"Hoy! Okay ka lang?" Nilapitan ko siya habang dinadaing niya ang sakit sa may pang-upo niya. Tinulungan ko siyang tumayo. Hihilahin ko na sana siya patayo, pero ako ang nahila niya palapit sa kanya.
Nagkalapit ang mukha namin. He looked at me intensely and caressed my cheeks. He's about to kiss me when something fell down on the water. Kasi bigla itong tumunog na parang may nahuhulog siguro bato mula dito sa amin. Sabay kaming tumawa. Inalalayan niya akong tumayo bago siya. He kissed my forehead. Tumawa kami ulit at naglakad ng muli habang naka-holding hands.
Tiningnan ko ang mga kamay naming magkahawak. To be with him, talk with him. I always felt safe and warm.
No, this is not right. Ayaw ko.
No, not this time.
BINABASA MO ANG
He Belongs to Someone Else
General Fiction"I'm in love with him, but he belongs to someone else...."