Disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.IG: its_eyb598
He Belongs to Someone Else ©
All Rights Reserved 2019
-Maynine-
Sabi nila, ang Linggo ay araw ng pamilya. Ang Linggo ang pinakamagandang araw para maging kasama ng pamilya at gawing masaya at di malilimutan. Yung tipong sama-sama kayong nagsisimba para mapakinggan ang makabuluhang aral ng Diyos.
"Nakaranas na ba kayong mamatay?" Tanong ng pari sa harap ng altar.
"Sino ba dito ang nakaranas ng mamatay at muling nabuhay?"Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng malaking simbahan kung saan ako nakatayo ngayon. Nakikita ko ang mga taong nakikinig sa pari sa harap ng altar. Napakatahimik ng lugar, saktong-sakto sa mga taong naghahanap ng kapayapaan. Yung tipong makakapag-iisip ka talaga ng masinsinan ng walang taong umaabala sayo. Dito tanging simoy lang ng hangin at huni ng ibon ang maririnig mo.
"Lahat tayo ay nakaranas nang mamatay at muling nabuhay. Sa ating pagtulog tayo ay namamatay at muli tayong nabuhay pagkagising sa umaga."
Bumalik ang aking atensyon sa paring nagsasalita sa harap. Tahimik pa rin ang mga tao at seryosong nakikinig habang sa kabilang dako naman ay abalang-abala ang mga bata sa kanilang mga ginagawa na para bang may sarili silang mundo.
Yung ibang bata naman ay naglalaro at nagtatakbuhan sa labas."Yung iba sasagot ng Oo at yung iba ay nag-iisip pa. Tama ba ako? Pero ano nga ba ang pinakamagandang regalong natanggap mo mula sa Panginoon?" May iba sumasagot ng mahina at may iba na tahimik pa rin at isinasarili na lang ang naisip na sagot sa tanong ng paring nagtatanong sa harap ng altar.
"Cellphone, Laptop? Bagong sapatos? Bagong damit? Pero mga anak hindi iyan ang pinakamagandang regalong na ibinigay niya sa atin, ano nga ba ito?" Tanong muli ng pari."The greatest blessings that God has given to us is the Gift of Life. Pag gising pa lang natin sa umaga matapos ang mahabang oras nating pamamahinga sa gabi tayo ay binigyan muli ng ating Panginoon ng isa pang pagkakataon; Pagkakataong magising at mabuhay muli para maisagawa ang mission natin sa buhay."
Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.Tumingin ako sa estatwa ni Hesus sa harap ng altar. "Panginoon, tulungan mo akong mahanap ang mas magandang bersyon ng aking sarili, bigyan mo ako ng tanda, pakiusap." Bulong ko sa aking sarili at tahimik na umiiyak, habang tanaw ang imahe Niya sa harap ng altar.
"Bakit hindi ka pumasok? Maraming bakanteng upuan pa sa loob."
Tiningnan ko ang lalaking nakatayo sa tabi ko. Wala akong emosyon na ipinakita. Ngumiti siya sa akin, at lumabas ang dalawang malalim na biloy sa kanyang magkabilang pisngi.
"Zane, pala," pagpapakilala niya.Inilahad niya ang kamay niya sa akin, hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.
Nagulat ako sa pangalang sinabi niya kanina. Ang pangalang iyon, ang pangalang iyon na nagpapaalala sa akin ng isang taong kilala ko nang matagal."At ikaw?"
Nakatunganga lang ako sa kamay niyang nakalahad ng muli siyang nagsalita. "Oh! Pasensya na, gaya ng sinabi ko kanina, may mga bakanteng upuan pa sa loob, baka gusto mong pumasok at umupo." Deretso ang tingin niya sa loob ng simbahan. Tiningnan ko ang kamay niyang itinago na niya ngayon sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.
Bumugtong hininga ako at dahan-dahan nagsalita, "Uhm, ano..." Hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin kaya tumahimik akong muli at itinikom nalang ang bibig.
BINABASA MO ANG
He Belongs to Someone Else
General Fiction"I'm in love with him, but he belongs to someone else...."