Chapter 35: Tension

595 20 3
                                    

Hailey's POV

Kasalukuyan ko ng nililigpit ang mga gamit ko at nilagay lahat ng yon sa bag ko kahit medyo naiilang ako at gustong gusto ko na talagang lumabas ng room dahil hindi ko na nagugustuhan ang atmosphere dito.

Naiilang ako dahil simula na nagpakilala ang tulog mantikang lalaking yon ay kakaiba ang mga tingin sakin ng mga tao dito sa loob lalo na't ramdam ko rin na hindi ako nilulubayan ng tingin ng Kevin nayon.

Isa pa sa hindi ko malamang dahilan, nararamdaman ko ang pananahimik talaga dito sa loob, parang may kakaiba at may masamang mangyayari. At hindi ko na nagugustuhan yon, dahil naweweirduhan nako!

"Tara na lumabas na tayo" Aya ko sa dalawa at nauna ng lumabas.

Habang naglalakad kami ay ayan nanaman uli ang mga kakaiba nilang tingin sakin na parang may mali, bakit ba sa tuwing titignan nila ako ng ganun ay parang may mangyayari nanaman saking hindi ko gusto?! Bwiset.

"Hoy babae magusap nga tayo mamaya after mong mag-cr" Seryosong sabi ni Maxine

"Oo nga, mukhang may hindi ka sinasabi samin e" Sabi pa ni Honey na may pagdududang tingin. Palihim akong napalunok at tumango nalang.

Nauna na silang pumunta ng canteen kaya dumiretso na ako ng cr dahil naiihi na ko sa sobrang kaba! Jusko kailangan ko ng ilabas to. Pagpasok ko sa cubicle ay tahimik akong umiihi ng may narinig akong pumasok at naguusap kaya pasimple kong pinakinggan ang pinaguusapan nila. Minsan lang ako maging chismosa ano, lubusin ko na ngayon lang.

"Omygad dito na pala uli lumipat ang pinsan ni Leimer, nako for sure gulo nanaman ulit ito" Girl 1

"Sinabi mo pa. Magiging magulo uli ang tahimik na university, mangyayari uli ang dati. Babalik uli sa dati ang eskwelahang ito na magulo dahil sa pagbabalik niya" Girl 2

"Tsaka alam mo ba usap-usapan din na parang magkakilala yung pinsan ni Leimer at yung Hailey. Hindi ako makapaniwala, lagi nalang malapit ang babaeng yon sa mga Stanford!" Girl 1

Teka k-kilala ko? Ano bang pinagsasasabi ng mga chismosang to? Sino bang pinsan ni Leimer ang sinasabi nila?

"Tss. Wag siyang magfeeling dahil hinding hindi siya magugustuhan ng kahit sino sa mga Stanford no, hindi siya magugustuhan ng pinaka masamang tao na si Kev---"

Agad akong napatakip ng bibig ng mahulog sa bag ko ang phone ko ng kunin ko ang bag kaya nakalikha iyon ng ingay. Aish, bakit antanga Hailey?!

"Nako mukhang may tao pala rito, tara na" Sabi ng isa at narinig ko ang yapak nila palabas na talagang kinahinga ko ng maluwag. Kaya dahan dahan ako lumabas ng pinto at dumiretso na palabas ng cr, pupuntahan ko na ang dalawang gaga baka kanina pa nila ako iniintay.

Naabutan ko silang kumakain at ng makita nila ako ay tumigil sila sa pagkain at inaantay akong umupo, para lang silang mga timang kaya tahimik nalang akong umupo.
Hindi ko sila matignan ng matagal dahil para silang mangangain ng buo sa mga tinginan nila sakin, aish mga loka loka ang mga to, mamatay lang ako sa gutom kung tititigan lang nila ako kaya uumpisahan ko na sanang kumain ng tapikin ni Maxine ang kamay ko.

"Aray!"

"Baka gusto mong magkuwento gaya ng sabi namin kanina, ano wala talagang balak? Nganga?" Napairap ako sa sinabi ni Max, kainis nagugutom nako e.

"A-ano bang gusto niyong sabihin ko?" Medyo kabado kong sabi kaya nilapit ni Max ang mukha niya sakin.

"Bakit mo kilala ang taong yon? Bakit niyo kilala ang isa't isa?" Tanong niya na kinataka ko, pasuspense pa e sino ba sinasabi niya? Nakita naman nila ang pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita na din si Honey.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon