Chapter 42: Mine

760 33 8
                                    

Happy 18K reads! Thankyou so much guys lovelots!😊

Enjoy for my very very very long update!❤️

Hailey's POV

Halo halo ang mga nararamdaman ko, pakiramdam ko sasabog ako sa mga sari-saring nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko sa mga oras na ito, parang gusto ko nalang bumalik sa dati kung saan tahimik pa ang buhay ko.

Kagaya ngayon, di ko na talaga maintindihan ang mga pinaggagagawa ni Leimer. Mas gugustuhin ko pa na nagbabangayan at sinisigawan niya ako. Yung Leimer na walang pakialam sakin. Kaysa naman sa ganito, hindi ko minsan hiniling na magustuhan ako ng demonyo nato, hindi ko alam kung bakit ako pa ang nagustuhan niyang pagtripan.

Kung dati ay hinahayaan niya akong pumasok mag-isa at iniiwan na niya ako, ngayon naman ay halos parang maging nanay ko na siya kung mag asikaso sakin. Hindi na rin niya ako pinapakilos sa mga gawain at trabaho dito sa mansion, alam ko na nagtataka na sina Manang Grace sa mga nangyayari at alam ko na ang mga iniisip nila kaya talagang kinakahiya ko iyon. Ayaw kong magisip sila ng iba tungkol sakin, kahit ano pang sabihin ni Leimer sakin, katulong parin ako dito kaya dapat ko parin gawin ang trabaho ko.

Kaya kapag minsan ay wala siya, kinukuha ko na ang oras na yon para magtrabaho, tinutulungan ko agad sina Manang Grace sa mga trabaho dahil kapag nandito siya ay talagang dapat siya ang masunod. Hindi talaga niya ako pinaglilinis dito sa Mansion, nagagalit siya sakin kapag hindi ko sinusunod ang gusto niya.

Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa kanya, dahil sa kanya andami dami kong iniisip. Dahil sa kabaliwan niya pati siguro ako mababaliw sa mga ginagawa niya, nandadamay pa talaga.

Inis kong sinuklay ang buhok at inayos ang damit ko, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.

"Hailey grabe ka, paano ang isang katulad mong pipityuging babae ay nagustuhan ng bwiset na demonyo nayon? Anong elemento ang nakita niya sayo at bakit ikaw pa ang nagustuhan niya? Bakit? San banda?"

Hay jusko.

Huminga na lamang ako ng malalim, tuluyan na nga akong nabaliw. Tuluyan na nga akong nahawa sa kabaliwang taglay ng bwisit na demonyo. Napailing nalang ako sa naiisip at isinukbit na ang bag ko, pagkababa ko ay dumiretso ako ng kusina upang kumain ngunit naabutan ko si Gemma na nagpupunas ng mga pinggan, napalingon naman siya sa gawi ko at galit niya akong tinignan tsaka niya ako tinarayan.

"Oh Hailey ano ginagawa mo rito?" Napatingin naman ako kay Manang Grace ng pumasok siya ng kusina.

"Ah kakain po sana ako, papasok na po kasi ako Manang." Sabi ko habang hinahanda na ang plato ko, agad naman niya akong nilapitan at kinuha sakin ang plato na hawak ko.

"Huwag mong gawin yan, ako na bahala sa kakainin mo baka makita ka ni Master at baka magalit. Maupo ka nalang diyan."

"Nako po Manang hindi niyo na po ito kailangan gawin, katulong lang din po ako dito kaya hindi niyo ko kailangang pagsilbihan." Nagaalala na sabi ko ngunit agad kaming napatingin sa pintuan ng kusina ng may tumikhim.

Mabilis namang yumuko sila Manang Grace.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at tinignan lamang siya, naglakad siya sa gawi ko at matamang tumingin sakin.

"Hailey, you shouldn't have to serve yourself because they are here to serve you. Stop being a hard headed lady, just follow what I've said okay? Let them to do their own fvcking things, just mind to our business." Nailang ako ng haplusin niya ang pisngi ko sa harapan nila Manang, talaga namang walang hiya.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon