Chapter 45: Regret

613 23 5
                                    

Hailey's POV

Napahawak ako sa lamesa ng makaramdam ako ng panghihilo habang nagpupunas ako ng mga kagamitan dito sa kusina, maraming beses akong huminga ng malalim para lang maibsan ang hilong nararamdaman ko. Kinapa ko rin ang balat ko at habang tumatagal ay mas lalong umiinit ang pakiramdam ko.

Kayanin mo ito Hailey, kaya mo okay? Kakayanin mo hangga't malakas kapa.

Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas at ng matapos ko na ay dahan dahan kong kinuha ang mop para sunod ng linisin ang sala. Medyo lumalabo ang paningin ko pero nilalaban ko iyon at pinilit na idinilat, paglabas ko ay nakita ko sila Manang sa 2nd floor na nagaalang mga nakatingin sakin. Hindi lang kasi ako pinagtrabraho ni Leimer, ang malala pa don ay pinagbawalan sila na magtrabaho ngayon at ako lang mismo ang kikilos buong araw. Wala talaga akong kaide-ideya para parusahan niya ako ng ganito, talagang wala siyang awa, napakademonyo niya.

Pinilit kong ngumiti sa kanila para ipahiwatig na ayos lang ako at kaya ko pa.

Inumpisahan ko na ang paglampaso sa bawat sulok ng sahig at pinipilit kong ianinag ang tingin ko dito dahil feeling ko nanlalabo ang paningin ko at hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa mop dahil nararamdaman ko narin ang pagod at panghihina ng buo kong katawan. Sa totoo lang, kaninang umaga pako kilos ng kilos dito at wala pa akong kain miski pahinga man lang dahil sunod sunod ang pinapagawa sakin ng hayop na demonyong yon.

Matapos ng ilang oras kong paglalampaso ay nanghihina akong napasandal sa dingding at pinunasan ang naglalagkit kong pawis, pumikit ako ng mariin. Nanghihina na talaga ako dahil sa sobrang pagod ko at wala ding laman ang tiyan ko, napatingala na lamang ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak ako, nagiinit ang mata ko at nararamdaman kong babagsak ang luhang kanina ko pa gustong ilabas. Gusto kong umiyak sa mga ginagawa niyang pagpapahirap sakin, wala talaga siyang katiting na awa. Bakit ba hindi nalang niya ako deretsahang patayin para matapos na ang paghihirap ko, bakit kailangan pa niyang unti unti akong pahirapan?

Isa pa, wala talaga akong alam kung saan nagmula ang galit niya sakin, wala akong ginawa para magalit siya ng ganito. Bigla bigla nalang siyang magagalit pagkatapos ng lahat ng mga sinabi niyang mahal niya ako.

Sinandal ko ang ulo ko sa dingding. Gumising kana Hailey, lahat ng mga sinabi niyang iyon ay kasinungalingan lang para paniwalain at paglaruan ka niya dahil wala siyang alam sa pagmamahal at isa siyang demonyo na kahit maputulan ng sungay tutubo at tutubo iyon dahil sa masahol niyang paguugali.

Napatungo ako ng tuluyan ng lumandas sa pisngi ko ang sunod sunod na mga luha na pumatak doon. Gusto kong humagulgol pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko. Ayaw kong makita niya akong ganito na naapektuhan sa ginagawa niya, kailangan kong maging matatag.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng tawagin ako ni Gemma.

"Hoy babae sinong nagsabi sayo na magpahinga ka sa oras ng trabaho mo huh? Hindi kapa tapos!"

Napapikit ako ng ihagis niya sa pagmumukha ko ang mga damit at ibinagsak niya sa harapan ko ang isang basket na punong puno ng mga labahan.

"Labhan mo lahat ng mga yan, utos ni Master Lei! Hindi ka daw kakain hangga't hindi mo natatapos lahat yan! Bilisan mo kumilos kana babagal bagal kapa e!" Inis niyang sigaw sakin na akala mo kung umasta e siya ang nagpapasahod sakin kung madaliin ako.

"Ano pang tinitingin tingin mo huh?! Kumilos kana diyan!" Tinulak pa niya ang balikat ko na muntik kong ikatumba pero hindi yon nangyari dahil may agad na umalalay sakin.

"Hoy Gemma inutusan kalang ni Master Lei pero hindi para umastang feeling senyora ka dito! Tandaan mo katulong kalang din at wala kang karapatang saktan si Hailey!" Galit na sabi ni Joyce habang hawak ang braso ko. Pero maarte lang na umirap si Gemma at nakataas ang kilay na tumingin sakin.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon