Chapter 47: Feelings

978 29 10
                                    

Warning: Rated SPG.

So sa mga minors diyan at hindi sanay sa mga kung ano mang mababasa niyo, kindly skip this chapter.

Someone's POV

Nanginginig ang kamay ni Hailey habang nakatingin sa kanya ang lahat at hinihintay kung papayag ba ito sa pinapagawa sa kanya ni Elzer. Kung tutuusin gustong gusto niyang sapakin ito dahil sa gigil niya, talagang inaasar siya nito.

"What the fvck Elzer, talagang ayan ang ipapagawa mo? Are you insane?!" Hindi mapigilang banggit ni Trishna, na halatang apektado sa pinapagawa kay Hailey.

"Ano bang pakialam mo huh? Ayan ang gusto kong ipagawa sa kanya e, why? Are you jealous? May I remind you Trishna there's nothing in between the two of you." Mapangasar na sabi ni Elzer na ikinapula ni Trishna sa galit, nasaktan ito sa sinabi.

"So Hailey what are you waiting for? Can you do it or not?" Muling tanong sa kanya ni Elzer.

Lihim siyang napalunok at dahan dahang tumingin uli kay Leimer na nanatiling nakatitig parin sa kanya, inaabangan din nito ang bawat galaw niya.

Huminga siya ng malalim at agad niyang ini-angat ang kamay. Mabilis na hinawakan ni Hailey ang isang baso ng alak at dire-diretso iyong ininom. Napaubo pa siya ng maubos at agad ding sinunod ang isa tsaka niya nilagok ng dire-diretso. Habang ang mga kasama niya ay gulat na gulat na nakatingin sa kanya, hindi nila inaasahan iyon.

Ng maubos ni Hailey ang dalawang baso ay tsaka siya muling huminga ng malalim, pakiramdam niya ay nabigla siya sa ginawa. Napakurap-kurap muna siya ng ilang beses bago siya umupo ng maayos, napatingin siya sa mga kasama na hindi maipinta ang mga mukha na nakatingin sa kanya. Hindi sila makapaniwala.

"Gaga ka talaga bakit mo dineretso ang paginom?! Alam mo namang mahina ka sa alak diba?" Naiinis na sabi ni Honey sa kaibigan.

Matamis lamang na ngumiti si Hailey at nag-peace sa mga ito.

"Sorry na, wag ka naman magalit agad." Nakangusong sabi ni Hailey, agad namang hinagod ni Kevin ang likuran nito.

Sa itsura kasi ni Hailey, halatang tinamaan ito ng kaunti sa ininom.

"Are you sure? You okay? It seems like your very easy to get drunk." Agad niyang inilingan ang sinabi Kevin.

"No.no.no! Sobrang okay ako, okay?" Sabi niya sabay thumbs up at kumindat pa dito na ikinatawa ni Kevin.

Nagpatuloy sila sa kanilang laro at habang tumatagal ay lalo ding nalalasing ang ilan lalo na si Hailey, nakakarami na ito ng inom dahil hindi niya magawa ang mga dare na inuutos sa kanya, at mas lalong umikot at nanlalabo ang paningin niya ng muli siyang uminom ng tatlong baso ng alak. Ginawa niya iyon dahil para sa kanya ayun ang pinakamadaling dare na inutos ni Trishna.

Napapikit siya ng mariin ng maubos na niya ang tatlong baso ng alak at nanghihinang napasandal ang ulo niya sa balikat ni Kevin, natatawa pa itong napahawak sa braso nito.

"Keviiiiiiin...kailangan na nating umalis...lumilindol na ataaaaa..masama ang pagikot ng paningin ko Kevin lumilindooool." Nakapikit na sabi ni Hailey habang inaalog nito ang braso, naiiling na tumawa si Kevin dahil sa sinabi nito. Mukhang may tama na talaga to.

"Walang lindol okay? Nahihilo kana, lasing kana e. Tama na ang paginom mo." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok ni Hailey na nakapatong sa balikat niya. Mabilis namang napaayos ng upo si Hailey, nakapikit itong umiiling iling.

"Hin-di.. hindi ako lashing no! Wag..*hik* mo ko husgahan grabe ka, kaya ko pa.. promise!" Hindi na mapigilang matawa ni Kevin sa inaakto ni Hailey lalo na ng itaas pa nito ang kamay, hindi niya mapigilang magandahan lalo at natatawa siya dahil namumula na ang mukha nito na halatang lasing na talaga.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon