Chapter 20.2: KISSS!!!

1K 43 4
                                    

Author's note: Bago po muna ang lahat ^_^ Kung gusto ko lang sabihin na HAPPY 1K readssss! Kkyyaaahh! Magdiwang ang mga dalagang pilipina! Chos hahaha! So gusto ko lang magthank you ^_^ 

Tsaka ito na ang pinakahihintay niyong chapter na siguradong kikiligin kayo! Swear! Hahahaha ito na.Enjoy!

Hailey's POV

Matapos ang malayo layong paglalakbay....echos! Medyo malayo ang pinuntahan ng kumag nato -_- at mabuti nalang at tumigil yung sasakyan niya...

"Manong dito nalang ho" Sabi ko sabay abot ng bayad at tsaka ako bumaba,Agad akong nagtago at sinilip siya..


Nakita ko siya nakatayo sa harap ng malaking gate at sinalubong siya ni Steve pero siya lang at wala ang dalawa..Oo nga pala! Nagprapractice ang mga yon kasama ang mga kaibigan ko ^_^ Hindi talaga umabsent,ano na kayang nangyayari sa mga yon? Buti pa sila nakapagpractice pero ako? Heto...sinusundan ang kapartner kong ubod ng arte..Ang sarap bigwasan -_- 


Teka nasan pala ako? At anong lugar ang pinuntahan ng demonyo nato?

Inilibot ko ang paningin ko at halos mahiya ako dahil sakin nakatingin yung mga ibang lalaki..May mga nakikita rin akong mga grupo ng lalaki na sa akin din nakatingin at parang hindi ko nagugustuhan.Bihira rin akong makakita ng babae at halos magulat rin ako ng may makita akong nagmamaking out! Diyos ko patawarin! Ano ba itong pinunta ko? Anong klaseng lugar ba ito?? Arrrgghh bahala na talaga,bwiset ka talaga Leimer!!!!

Tinignan ko yung gate na pinasukan niya,kulay itim ito at parang matagal ng itong nakatayo dahil parang luma na ito.Tinignan ko ang nakasulat sa itaas nito


'QUARTERS'

Ano kayang pauso yan? Ang daming nalalaman -_- Ano yan 1st Quarter 2nd 3rd 4th!! Diyos ko! Mga tao talaga ngayon.Agad kong tinignan yung nagbabantay at laking tuwa ko na busy siya sa pakikipagusap kaya dahan dahan akong naglalakad at pumasok sa loob...Pagpasok ko halos lumuha ang mata ko sa nakikita ko.....




O_______O

Ano bang klaseng lugar ito? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng lugar sa tanang buhay ko.

Maingay.Magulo.Ang daming tao.Napansin kong may mga taong nakapa-bilog or should i say may pinapanuod sila roon at nagsisigawan pa,may liga ba rito? Hayys agad akong nakiusyoso kung ano ang pinagkakaguluhan nila doon.Tumingkayad pa ako para makita ko,tsk! Ang hirap talagang maging unano -_- Bwiset!

Pero halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Leimer na masamang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.

Pero halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Leimer na masamang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sila ata ang pinagkakaguluhan dito,ayos ah! Parang kumakandidato lang sila ah -_- At mas lalo pang umingay ng maghubad si Leimer ng kanyang t-shirt.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon