Chapter 41: Confession

777 34 7
                                    

First of all, Happy 7k readers!

Yey! Thank you so much guys, and pls avoid commenting like commanding me to make an update :'( Nakakapressure po, but I promise to all of you guys that I will give my best to make an update faster.

Again, thank you love ya! Enjoy reading.

Hailey's POV

Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita na si Kuya.

"How is your job? Okay lang ba? Nakakain kaba ng maayos don? Hindi kaba nahihirapan sa mga pinapagawa sayo?" Sunod sunod na tanong sakin ni Kuya na ikinatigil ko sa pagsubo ng kinakain ko.

Dahan dahan kong nilunok ang pagkain na nasa bibig ko at napatingin kay Kuya na busy lang sa pagkain.

Napaisip naman ako, sasabihin ko ba kay Kuya? Sasabihin ko ba ang totoo sa kanya? Na nagtatrabaho ako sa dati niyang kagrupo na ngayon ay kaaway na niya? Hindi pwedeng malaman ni Kuya na nagtatrabaho ako kay Leimer dahil magagalit siya sakin at sigurado akong paalisin niya ako don. Mawawalan ako ng trabaho, ayun nalang ang pinagkakakitaan ko para sa aming dalawa ni Kuya.

"Hey I'm asking you, layo naman ng iniisip mo?" Napatingin naman ako kay Kuya na ngayon ay nakatingin na sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at tumikhim.

"Syempre maayos tsaka okay naman ako don lagi akong busog don. Wag ka magaalala Kuya." Peke akong tumawa tsaka tinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harapan ko. Sana umepekto.

"Sigurado ka? Hindi kaba minamaltrato don? Baka mamaya may masamang ginagawa sa iyon doon ah, nako Hailey magsabi ka sakin." Agad akong napatingin kay Kuya.

Hindi alam ni Kuya, gustong gusto ko ng magsumbong sa kanya para ipapabugbog ko ang demonyong si Leimer na pagkahaba haba ng sungay. Hindi niya alam kung gaano ako nahihirapan lalo pa't amo ko ang hayop nayon, grabe ang hirap na dinadanas ko sa kanya pero kailangan kong gawin to Kuya para sa ating dalawa.

"A-ah...o-oo naman no! H-hindi ako pinapahirapan doon. Isa pa, sobrang bait ng amo ko Kuya buti nga at doon ako nakapagtrabaho ang bait kasi talaga niya, magagaan na trabaho lang ang ginagawa ko don." Pagsisinungaling ko, hays patawad kuya pero kailangan ko muna magsinungaling sayo hindi ko pa kayang sabihin ang totoo.

Sasabihin ko din ang totoo kapag okay na ang lahat.

Inaantay ko ang sasabihin ni kuya pero wala siyang sinabi at napatango nalang kaya nakahinga ako ng maluwag. Good job Hailey, you're the best liar in this world. Palakpakan!

"Wait, e ano namang pangalan ng amo mo ngayon?" Gulat akong napatingin kay Kuya na ngumunguya habang nakatingin sa akin. Takte seryoso siya sa tanong niya?!

Lihim akong napakagat labi at natatataranta ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-ano?...P-pangalan?" Argh! Patay na! Ano bang sasabihin ko?

"Oo malamang, bakit wala bang pangalan yang amo mo?" Tanong ni kuya na ngayon ay nakakunot na ang noo.

Jusko po bakit ba ang daming daldal nito ngayon? Aish! Kailangan kong magisip ng ibang pangalan!

"A-ano...L-le-..L-l-lando! Oo tama Lando ang pangalan niya tama!" Lihim akong napapikit, nako bakit ganun ang lumabas sa bibig ko? Kainis bahala na!

"L-lando? Haha ayos pala ang pangalan ng amo mo, pang magsasaka" Natatawa na sabi ni Kuya at nagpatuloy sa pagkain, napakagat labi nalang ako. Patay talaga ako nito.

Inubos ko na ang kinakain ko at kinuha ang phone ko sa bag.

Nanlaki ang mata ko ng makitang 9:00 na ng gabi at naalala ko na 8:00 ang uwi ni Leimer, siguradong kanina pa siya nakalabas! Nako kailangan ko ng umalis, kanina pa siguro siya nagaantay sakin. Jusko katapusan ko na.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon