Chapter 50: Change

694 29 16
                                    

Hailey's POV

"Lei wait for us!"

Sinundan ko ng tingin si Leimer na mabilis na lumabas kasunod ng tauhan niya hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya nila Steve, nagmamadali ko siyang sinundan pero masyado na siyang malayo para maabutan ko.

Napatingin ako kay Jayvee ng hawakan niya ang braso ko.

"Come with us, we're going to follow him."

--------------

Sa sobrang gulat ay napahawak ako sa bibig dahil sa mga sinabi ng doctor.

"I'm so sorry Mr.Stanford but your parents are dead."

Naluluha kong tinignan si Leimer na nakatulala lang na nakatingin sa patay na katawan ng mga magulang niya. Hindi man lang siya nagsasalita sa mga sinabi ng doctor, kitang kita ko ang panginginig ng kamao niya. Napakadilim ng awra niya na miski sila Steve na katabi ko ay hindi magawang lumapit sa kanya.

"Patay na sila ng dalhin dito, sunog na sunog ang katawan nila dahil sa pagsabog. I'm sorry-----"

"No!! You fvcking lying to me!! Hindi yan totoo!! They're not dead, do something for them!! Hindi sila patay, hindiii!!!"

Mabilis kaming kumilos ng sakalin niya ang doctor. Niyakap ko sa likuran si Leimer at pinipilit siyang awatin, ganun din ang ginawa nila Jayvee, hawak hawak din nila ang doctor at nilalayo kay Leimer.

"They are alive!! You motherfvcker!! Let me fvcking go!!" Pinipilit niyang ikalas ang pagkakayakap ko sa kanya at patuloy parin niyang inaabot yung doctor pero mas lalo lang ako naiyak at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Tama na..tama na pls Leimer." Naluluha kong sabi habang yakap yakap siya.

Lalo akong napahagulgol ng makawala siya sa yakap ko at nagwala siya ng todo. Pinagsusuntok niya ang pader hanggang sa magdugo ng todo ang kamao niya, nilapitan ko siya para patigilin dahil hindi ko kayang makita siyang nagkakaganito. Nasasaktan din ako sa nangyari.

Nanginginig ko siyang niyakap habang patuloy siya sa pagsigaw at pagwawala pinilit ko siyang yakapin.

"Tama na, tumigil kana tama na pls. Nandito kami."

Ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib niya sa galit, hinagod ko ang likuran niya para pakalmahin siya. Pero hindi iyon nagtagal dahil madiin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko para mabaklas ang pagkakayakap ko sa kanya. Nasaktan ako sa ginawa niya pero hindi ko na iyon inintindi.

Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko ng padabog niya akong inilayo sa kanya tsaka siya nagmamadali umalis, tinawag din siya nila Jayvee pero ni hindi siya nag-abalang lumingon man lang. Tuloy tuloy lang siyang naglakad paalis.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nagiiiyak dahil sa mga nangyari, nasasaktan akong makita siyang nasasaktan dahil sa nangyari sa mga magulang niya. Alam ko ang nararamdaman niya kaya siya nagkakaganun, sobrang nabigla kaming lahat sa nangyari paano pa kaya si Leimer? Sa isang iglap lang wala na ang mga magulang niya, napakabilis ng pangyayari.

Sino naman ang taong kaaway ng mga magulang niya para lagyan ng bomba ang sinasakyan nilang eroplano? Hindi man lang natakot dahil isang mga Stanford ang kinalaban niya.

Pagkatapos ng mga nangyari ay napagisipan kong umuwi ng mansion dahil baka doon siya dumiretso. Gusto ko siyang kausapin at damayan sa mga oras na ito, gusto ko sa mga nangyayari sa kanya ay nasa tabi lang niya ako, gusto kong maramdaman niya na nandito ako para sa kanya.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon