Chapter 28.2: Patience

777 29 2
                                    

Hailey's POV

Hoo! Pangilang palapag palang itong nalilinis ko, bwiset na kung ako lang pala ang maglilinis ng buong mansyon nato e ano pang ginagawa ng ibang katulong dito? Nagii-ikot at namamasyal lang magdamag? Jusko hustiya? Hays sge di ako papatalo sayo demonyo ka.

Kaya ko to! Labaaaan!

*FASTFORWARD*

Agad akong napasandal sa dingding ng matapos ko ng malinis ang lahat ng palapag at sinigurado kong sinimot ko lahat ng mga dumi at alikabok na nasa sulok sulok. Oo! Sinimot ko talaga na kahit isa ay wala naman akong nakuha! Masyado ng malinis ang mansyon nya tapos talagang pinalinis nya pa sakin?! Abaaa. Kung hindi lang kalahating gago ang dameonyo kong amo malamang pinalo ko na sya ng takore sa ulo -_- Kainis!

Pagkababa ko dala ang mga panlinis ay napatingin ako sa babae na nasa harapan ko, nakapameywang at nakataas ang kilay na nakatingin sakin. Tinitigan ko ang suot nya at isa rin sya sa mga katulong dito.

"Psh. Bakit ba babagal bagal ka kumilos? Bilisan mo. Tumawag ang baby ko at dalhin mo dun ang alak na pinapadala sayo. Bilis!"

Abaa. Ang lakas naman ng amats nito kung makautos, e katulong lang rin naman sya rito -_- Tsaka sinong baby ang tinatawag nya?

"Ano pang tinitingin tingin mo dyan? Lumarga kana!" Dumiretso nalang ako sa kusina at hindi nalang nagsalita baka kasi mabigwasan ko sya bigla gamit nitong dustpan na hawak ko.

"Ah Ate Hailey! Ito na pala yung mga alak na dadalhin mo para kay Master Lei" Ngumiti nalang ako kay Jessy at tumango.

"Tsaka nandyan na rin po yung adress kung san niyo po yan dadalhin"

"Ah sige salamat Jessy, bihis muna ako huh"

--------

Nakasakay na ako sa taxi at dala ang dalawang kahon na may lamang alak. Ano bang gagawin nya sa mga ito? Lalaklakin nya ba ng lalaklakin lahat ng mga to? Bwiset! Dami ng nalalaman sa buhay -_- Adik kasi.

Isa pa, kinakabahan ako ng todo sa address kung san ko daldalhin ang lahat ng to, nakapunta na ako rito at dito ko rin nakita si Leimer na nakikipagbugbugan at dito rin ako talaga napahamak kaya ayoko ng bumalik pero anong gagawin ko?

Hays. Bahala na si inggo!

Teka sinong Inggo?

Maya maya lang ay tumigil ang taxi na ipinagtaka ko.

"Ah manong bakit po tayo tumigil?"

"Iha hanggang dito nalang siguro ako hindi na ako pwedeng magpatuloy pa jan, ibang lugar na kasi yan delikado na diyan e" Wala na akong magawa kaya bumaba nalang ako at tsaka binitbit ang mga dala ko. Buti nalang may hawakan ang kahon na dala ko kaya di ako mahihirapan sa pag bitbit.

Agad akong napalunok ng maglakad na ako papunta sa lugar nato. Mapapadaan kasi ako sa mataong lugar,mga nakatambay karamihan pa puro mga lalaki. Nilakasan ko nalang ang loob ko at nagmadaling lumakad.

Kulang nalang matunaw ako dahil sa pagtitig nila sakin, talagang tumigil pa sila sa mga kani kanilang mga ginagawa. Yung iba pang tumitingin sakin akala mo mga sabog na adik katulad ng amo ko na hindi ko malaman kung rockstar ba o ano dahil sa dami ng tattoo sa katawan.

 Yung iba pang tumitingin sakin akala mo mga sabog na adik katulad ng amo ko na hindi ko malaman kung rockstar ba o ano dahil sa dami ng tattoo sa katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon