Chapter 57: Tired of love

482 38 25
                                    

Someone's POV

(Continuation of Flashback)

Kumuyom ang dalawang kamao niya dahil sa mga nalalaman kay Maggie. Alam niyang simula pagkabata palang ay hindi na maganda ang turingan nilang dalawa ng pinsan, naiinis siya dito dahil simula ng kupkupin ng mga magulang niya si Kevin ng mamatay ang mama nito ay parang wala na lamang siya sa kanyang nga magulang. Nakaramdam siya ng inis dahil kinukuha nito sa kanya ang mga magulang niya, masyado itong papansin at pakitang gilas. Nagbabait-baitan para makuha ang loob at atensyon ng kanyang mga magulang.

At mas lalo siyang nagpupuyos sa galit sa nalamang sinasadya talagang gawin iyon ni Kevin. May galit at inggit ito sa kanya kaya isa-isa nitong kinukuha ang mahahalaga sa buhay niya.

Napatingin siya kay Maggie na lalong umiiyak dahil sa sinabi.

"1 year at 7 months kaming nagtagal ni Kevin at sa mga araw nayan ay andami dami kong pagtitiis sa kanya. He was hurting me physically and emotionally. He never treated me as his girlfriend, he has no mercy. Nakita ko ang totoong kulay at pagkatao niya Lei at takot na takot ako. He was a crazy demonic psycho! There's no time that he didn't h-hurt me, I was totally in pain and I experience to live in hell when I'm with him! Sobrang nagdurusa ako Lei na pinili ko siyang mahalin kaysa sayo. I fell for the wrong person who wasn't love me in the first place. All he want is to get a revenge on your family especially YOU."

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya, hindi siya makapaniwala ng husto. Hindi niya alam kung dapat bang paniwalaan ang mga sinasabi ni Maggie pero hindi niya maiwasang mag-isip. Di niya maintindihan kung bakit gustong maghiganti ng tarantadong pinsan niya samantalang puro kabutihan ang pinakita sa kanya ng mga magulang niya kaya siya naiinis dito.

"How can I make sure that you're telling the truth?" Seryoso niyang sabi.

"Sinabi niya sakin ang katotohanan. His real plans. He tells everything to me when he was going to end our relationship, he's already done to me so he was planning to get back here. Iniwan niya ako sa Canada at pinagbantaan na huwag susunod pabalik ng bansa dahil alam niyang makakasira ako sa mga plano niya at p-patayin niya daw ako kapag sinuway ko siya." Napatakip ito ng bibig at mas lumakas ang paghagulgol niya.

"Sobrang nagsisisi ako sa lahat Lei, deserve kong masaktan dahil sa mga nagawa ko sa iyo. Karma na ang mga nangyari sa akin at pinagdusahan ko iyon ng mag-isa sa Canada, nagkukulong at umiiyak." Namumungay na mata na tumitig ito sa kanya. "You're the only one who running in my mind and I was hurt a lot when I found out that you were already have a girlfriend, parang gusto ko ng mamatay sa nalaman ko Lei. Ang sakit. Sa sobrang sakit ay nadepress ako dahil sayo. I still love you, ikaw padin Lei."

Nabigla na lamang siya ng parang lantang gulay na yumakap ito sa bewang niya. Amoy na amoy niya ang alak dito. Nainis siya sa ginawa nito at pilit na inaalis ang mga kamay sa kanya pero umiling lang ito habang patuloy sa pag-iyak.

"I can't accept the fact that you can easily find another woman, it breaks me into pieces! Nadepressed ako ng sobra dahil don Lei, I always had to hurt myself because of YOU! Sobrang nasaktan ako dahil hindi ko matanggap. At dahil sa depression ko ay nanatili muna ako at nagtiis sa Canada. To treat myself from depression and hopefully I did it, it's very hard but I did so that when I come back here i was fully recovered. And also to get you back." Bumitaw ito ng yakap at malungkot ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Kahit papano ay naaawa siya kay Maggie, sa lahat ng mga naranasan nito pero hindi ibig sabihin non ay may magbabago na para sa nararamdaman niya dito. Wala na siyang pagmamahal pa para kay Maggie at tanging isang kakilala o kaibigan nalang niya ito para sa kanya. Si Hailey na ngayon ang mahal niya at mamahalin niya bandang huli, wala na siyang balak na bitawan ito.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon