Chapter 39: His actions

610 26 2
                                    

Hailey's POV

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari eto ako ngayon nandito lang sa silid ko at hindi pa ko lumalabas o kumakain, wala akong gana na kumain at isa pa ayokong makita o makasalubong man lang si Leimer. Hindi ko kayang makita siya, hindi ko alam kung kakayanin ko pang tumayo sa harapan niya.

Sobra sobra na ang takot ko sa kanya, habang tumatagal mas lalong lumalala ng husto ang kagaspangan ng ugali niya. Hindi ko alam bakit ginagawa niya lahat ng ito, wala na talaga siyang pagbabago. Nagtataka narin ako sa kanya, may mga araw na nagiiba ang ugali niya kung minsan bigla bigla nalang siyang iiyak at may mga sinasabi siyang mga salita na kinaiilang ko, minsan din ay nagpapakita siya ng kabaitan sakin tapos kinabukasan babalik nanaman siya sa kademonyohan niya.

Grabe hindi ko alam kung nababaliw naba siya o nasa tamang kundisyon pa, kaya kailangan ko nalang siyang iwasan hindi ko na siya kakausapin at pagsisilbihan na lamang.

Wala sa sarili akong napangiti ng maalala ko si Kevin. Napakabuti niya talaga sa akin, muntik na talaga akong tamaan ng kutsilyo at akala ko ayon na ang katapusan ko pero hindi kahit nasa gitna siya ng laban nila nagawa niya parin akong iligtas. Hindi niya inisip ang kapakanan niya basta mailigtas lang ako, sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at naramdaman kong kumirot ang ulo ko na ikinapikit ko, muli kong minulat ang mga mata ko at inaninag ang buong paligid.

Nakita ko sina Honey at Maxine at napatayo sila ng makitang gising na ako.

"Gising na si Hailey" Nagaalalang sabi ni Maxine at may biglang humawak ng kaliwang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Thank God you're awake, I'm so worried to you. How are you? May masakit paba sayo? Masakit paba yung noo mo?" Sunod sunod niyang tanong na kinatawa ko, sobrang nagaalala kasi ang mukha niya at hindi ko mapigilan na hindi matuwa.

"He's right, your head is still hurts? God Hailey we thought that you were going to die, nagalala kami ng sobra!" Dagdag pa ni Honey.

"Okay na ako, huwag na kayong magalala tsaka sobrang nagpapasalamat ako sayo Kevin dahil niligtas mo ako. Utang ko sayo ang buhay ko, salamat." Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko at maingat na hinaplos ang noo ko na may sugat.

"The important thing is you're okay and I'm very very sorry Hailey because of me you are here, this is all my fault. Nadamay kapa sa away namin I'm sorry." Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya bilang pasasalamat.

"Thank you sayo, lagi kang nandyan."

"Ehem."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na bumitaw ng yakap kay Kevin, nahihiya naman akong tumingin sa dalawa.

"Wow naman, ang sweet. Kabog naman pala may pagyakap pa ang bruha." Pangaasar ni Honey kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Kevin. Agad naman kaming nagiwas ng tingin.

"Kailan pa kayo naging sweet ng ganyan huh? Parang may naaamoy kaming kakaiba ah, ibang klaseng amoy. Amoy ng kaharutan." Dagdag pa ni Maxine kaya pinandilatan ko siya ng mata talagang harap harapan pa niya akong pinapahiya e no! Nakakahiya kay Kevin kainis.

"A-ano bang sinasabi niyo, yakap yun bilang pasasalamat. Huwag niyo yun bigyan ng malisya." Ang dalawa naman mukhang hindi naniniwala at tinitignan parin ako ng pagdududa. Piste talaga tong dalawang gaga na to oh!

"Asuuuuuus yakapsu---"

"Ahm I'm going to leave, just take care of yourself." Paalam ni Kevin kaya agad akong tumango at ngumiti sa kanya. Salamat naman naisip niya ng lumabas para tumigil na sa kakatukso ng dalawang siraulo nato.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon