Chapter 58: Finale

423 26 8
                                    

Enjoy for this longest update that I've ever made. Mahaba-haba na ito!
More revelations, heartbreaking scenes and unexpected ending.

Hailey's POV

Halos magkanda-dapa dapa ako papalabas ng Mansion. Hindi ko na maaninag ng husto ang nilalakaran ko dahil sa luha ko na walang tigil sa pagpatak. Napasubsob pa ako sa sahig dahil sa pagmamadali at tinulungan naman ako nila Manang na tumayo.

"Jusko Hailey!"

Umiiyak akong tumungo ng makatayo na ako at hindi ko magawang tumingin sa kanila. Nanginginig ang buong katawan ko at pinipilit na hinahabol ang paghinga ko. Rinig ko na kinakausap nila ako pero parang walang maintindihan ang utak ko dahil mas nakatatak sa isip ko ang mga tagpong nakita ko na dumurog ng husto sa puso ko.

Napapikit ako ng mariin at umiiyak na tumakbo palabas ng Mansion. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang naguunahang bumagsak ang mga luha ko.

S-sobrang...sobrang sakit! Hindi ko na kaya yung sunod sunod na sakit! Bakit ba nangyayari sakin ito?! Bakit?! Ano bang ginawa kong mali?!

Napatakip ako ng mukha at maingay na humagulgol. Napahawak ako ng tuluyan sa mga tuhod ko at nanghihinang napaupo sa gitna ng daan. Hindi ko na kaya ang lahat ng sakit, hindi na kaya pa ng puso kong magtiis sa sakit! Durog na durog na ang puso ko pati sarili ko ay nawalan na ng lakas sa lahat.

P-p-paanong nagawa akong saktan ni Lei sa pangalawang pagkakataon? Paano?! Bakit?!

Mas lalo akong humagulgol habang hawak hawak ang dibdib ko dahil hindi mawala wala doon ang kirot at sakit na nararamdaman ko.

Nanginginig na kinuha ko ang phone ko at naluluhang hinanap ang number niya. Agad kong dinial iyon.
Nakadalawang tawag ako bago niya tuluyang sagutin. Hindi ko napigilang hindi umiyak ng marinig ang boses niya.

"W-what's wrong?"

"K-kuya...kuya k-kailangan kita... s-sobrang nahihirapan na ako. H-hindi ko na po kaya e please K-kuya sunduin mo ako rito oh. P-patawad sa lahat Kuya please...g-gusto ko ng umuwi."

Mangiyak-ngiyak akong humagulgol ng marinig ko ang galit at pag-aalala sa boses ni Kuya, hindi ko magawang makapagsalita dahil parang may nakabara sa lalamunan ko sa sobrang bigat ng loob ko. Hanggang sa pinatay na ni Kuya ang tawag at nagpaalam.

Napayakap na lamang ako sa tuhod ko at walang humpay na umiyak. Kahit mag mukhang tanga ako sa kalagayan ko ngayon ay wala na akong pakialam pa dahil sa sobrang sakit! Ang sakit sakit ng pakiramdam ko! Gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko dahil hindi ko na makaya, sobrang naninikip ang dibdib ko.

Hanggang kailan? Hanggang kailan ba akong magiging ganito?! Hanggang kailan ba ako masasaktan ng paulit ulit?! Kailan paba matatapos to?!

Humahagulgol kong sinusuntok ang dibdib ko. "M-minahal kita Lei...m-minahal kita sobra pa sa s-sarili ko oh. Pero...b-bakit? Ba..kit?! Bakit ang s-sakit..sakit mong mahalin?! Bakit mo ako s-sinasaktan ng ganito? A-akala ko ba m-mahal mo ako pero bakit...mo akong nagawang lokohin?!" Mas lalo kong nilakasan ang pagsuntok sa dibdib ko para mawala na ang sakit at kirot na bumabalot sa puso ko na alam kong permanente na.

"P-paano mo ako...n-nagawang lokohin? N-naniwala ako...s-sayo."

Mas lalong kumirot ang puso ko. Ang sakit sakit! Sana nakakamatay nalang ang nararamdaman kong sakit ngayon. Para hindi na ako nagdurusa ng ganito.

Maya maya lamang ay may naririnig akong mga mabibigat na takbo na feeling ko ay papunta sa kinaroroonan ko. Kaya dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko. Saktong pag-angat ko ay may mga mahigpit na kamay ang humawak sa magkabilang braso ko at nakita ko ang halos nag-aalalang mukha ng Kuya ko.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon