Chapter 46: Night Party

641 21 4
                                    

Hailey's POV

Pagkatapos ng mga ginawa ni Leimer sakin kagabi ay hindi na ako nakatulog ng maayos, buong gabi ay siya ang nasa isip ko dahil hindi ko ineexpect ang mga sinabi niya lalo na ng malaman niya ang mga sinabi ko nung araw na nagkausap kami ni Kevin. Nagtaka at nagulat ako na narinig pala niya lahat ng mga sinabi ko, kaya ganito siya kagalit sakin. Ibig sabihin lang nun...ako pala talaga ang puno't dulo ng galit niya sakin, kung bakit niya ako pinapahirapan.

Dahil gumaganti siya.

Ako rin pala talaga ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sakin at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nagsisisi ako sa mga nasabi ko, na sana hindi nalang niya nalaman o narinig.

Pero...hindi ko masisisi ang sarili ko ayun naman talaga ang totoo nung una, hindi ko mapipilit ang sarili ko sa isang taong hindi ko naman mahal pero bakit parang iba na ngayon? Na kung kailan nalaman na ng demonyo nayon ay parang nakokonsensya ako? Na parang nalulungkot pa ako dahil nakita ko ng harap harapan kung pano siya nasaktan sa mga sinabi ko, kung paano siya umiyak mismo sa harapan ko, na maririnig ko siyang umiiyak ng dahil...sakin.

Hindi ko talaga inaasahan na sa malapitan ko pa siya makikitang umiyak ng ganung ka tindi, parang lumayas sa pagkatao niya ang kademonyohan niya nung mga oras na yon. At ngayon ko lang talaga napatunayan, na talagang seryoso siya at hindi ako pinagtitripan o pinaglalaruan lang.

Wala sa sarili akong napahilot sa noo.

Ngayon na nasaktan at ginalit ko siya, malabo na sigurong magiging maayos pa ang lahat. Na maibabalik ang dating pakikitungo niya, lahat na ay magbabago dahil kilala ko ang demonyong yon hindi lang niya basta hahayaan na masaktan siya ng hindi gumaganti. Ramdam ko ang galit sa puso niya kung pano niya ako titigan kagabi, kaya hindi nako magtataka kung bakit ginagawa niya ang mga pagpapahirap sakin.

Alam kong nagsisimula palang siya at wala akong magagawa kung hindi tanggapin nalang at harapin ang gusto niyang gawin sakin dahil hindi ko siya masisisi.

Inayos ko na ang suot kong damit at handa na para gawin ang trabaho, balik sa dating gawi.

Tumulong ako sa mga gawain na kailangan tapusin. Naglampaso ng sahig, pinunasan ang bawat lamesa pati ang mga kagamitan sa kusina. In-assign din ako ni Manang pansamantala na maglinis ng cr kaya sinunod ko na lamang.

Habang nililinis ko ang sahig ng banyo ay tinawag ako ni Sarrah kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko at lumapit sa kanya.

"Ako na diyan ate Hailey, pinapatawag ka ni Master Lei sa kwarto niya." Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya.

"E..may ginagawa pa ako, tatapusin ko na muna to." Sa totoo lang ayoko talagang pumasok sa kwarto ng hayop nayon, parang ayoko muna siya makita pagkatapos ng lahat kagabi. Feeling ko maiilang ako sa kanya.

"Hindi ako ng bahala diyan ate, kailangan mo na kasi talaga pumunta ngayon baka may mahalagang ipapagawa sayo si Master Lei. Baka parehas tayo mapagalitan kapag hindi ka pumunta agad."

Napabuga na lamang ako ng hangin tsaka napipilitang tumango.

"Okay sige, ikaw na dito."

Naglakad na ako paakyat sa 3rd floor at sa bawat paghakbang ko ay doble doble ang kabang nararamdaman ko, dahil makakaharap ko nanaman siya at hindi ko alam kung ano nanaman ang ipapagawa niya o kung anong pagpapahirap ang gagawin niya sakin.

Kinalma ko muna ang sarili ng tumapat ako sa pintuan ng kwarto niya tsaka ako tumayo ng maayos. Wag kang papahalata na kabadong kabado ka Hailey, kailangan umayos ka sa harapan niya.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon