Chapter 43: His good side

700 23 0
                                    

Hailey's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at naramdaman ko na may naghuhubad at nagpapalit ng damit ko pangibaba, nung una ay hinayaan ko lamang iyon ngunit agad akong napabangon ng marealize ko kung sinong bastos ang nagpapalit sakin ng basta basta!

Sisipain ko na sana ang taong yon pero agad ko iyong napigilan ng makita kong si Manang Grace pala, muntik ko na siyang masipa. Pag nagkataon talagang gugulong si Manang sa kama.

"Ano kaba naman Hailey? Muntik na akong atakihin sayo sa puso, balak mo pa akong sipain?" Napakamot na lamang ako sa ulo.

"Sorry po Manang, akala ko kasi may gagahasa sakin e."

"Aba nako sino naman ang gagahasa sayo dito? Si Master Lei ba?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, grabe tong si Manang ang pasmado ng bunganga.

"Jusko Manang naman huwag niyo nga akong biruin ng ganyan, nakakatakot kung siya ang gagahasa sakin no!" Bigla siyang tumawa sa sinabi ko, nako si Manang naman gustong gusto ang ganitong usapan.

"Nakakatakot talaga kaya matakot ka lalo na at may relasyon na kayo ni Master Lei." Nagulat ako bigla sa binanggit ni Manang about saming dalawa.

Pati si Manang ay naniniwala na talagang may relasyon kami ng demonyo nayon?! Aba talagang ang kapal ng sungay ng bwisit nayon na talagang ipangalandakan dito na boyfriend ko siya?! Talagang hindi na siya nahihiya porkit nagagawa niya kasi lahat ng gusto niya baliwala nalang talaga sa kanya ang mangyayari sakin!

Mabilis akong umiling kay Manang.

"Nako Manang Grace malabo yang sinasabi niyo, walang kaming---aray!"

"Jusko bakit iha may masakit ba sayo?" Nagaalalang sabi ni Manang habang hawak hawak ang braso ko. Napapikit ako sa sakit ng igalaw ko ang katawan ko. Masakit ang balakang at likuran ko kapag ginagalaw ko ng todo, pakiramdam ko para akong binubogbog sa sobrang sakit ng katawan ko.

Bigla bigla namang sumagi sa isip ko ang mga nangyari.

Naalala ko lahat ang mga pananakit sakin ni Trishna, kung pano niya ako saktan ng paulit ulit. Kulang nalang ay patayin niya ako sa sobrang galit niya, lahat yon ginawa niya dahil kay Leimer. Dahil nanaman sa demonyong yon at ganito ang inabot ko!

Tinignan ko ang mga kalmot at pasa sa magkabila kong braso, grabe ang natamo ko sa kanya. Kung pwede lang talaga manakal at manakit din ng pokpok na katulad ni Trishna, aaraw-arawin ko talaga siya!

"Nako Hailey mabuti pa pumunta kana sa silid ni Master Lei panigurado kanina ka pa niya don inaantay, binilin lang niya sakin na bihisan ka at pagkatapos ay tawagin siya kapag okay na. E kaso gising kana kaya tara ihahatid na kita don." Agad akong umiling at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"H-hindi Manang ayoko po. Ayaw kong pumunta don, ano pong gagawin ko don? Wala naman akong gagawin don Manang, ayoko po dito nalang ako." Hihiga na sana ako ng pigilan ako ni Manang na kinadaing ko dahil sumakit ang likod ko ng igalaw ko kaya napahawak ako don.

"Aynako kailangan mong pumunta don dahil ayun ang inutos niya sakin kung hindi parehas tayong malalagot. Gusto mo bang magalit si Master Lei?" Pananakot sakin ni Manang.

At talaga namang napaka epektibo ng pananakot niya, wala e takot ako sa demonyo lalo na pag nagagalit.

Wala nakong nagawa at dahan dahang tumayo. Kainis talaga!

"Kaya mo ba?" Tumango na lamang ako at tsaka kami tahimik na lumabas ng kwarto ko.

Ng makarating kami ay kumatok muna si Manang sa pintuan, nakakatatlong katok na siya ngunit walang bumubukas ng pinto.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon