Chapter 56: The Truth

461 26 9
                                    

I sincerely appreciate for all of you guys who patiently waiting for my update! Ito na po mahaba-haba at mainit-init haha.

SPG.

Hailey's POV

Napalunok ako at dahan-dahang lumayo kay Kevin. Sobrang tindi ng kabang nararamdaman ko pero sinubukan ko paring tumayo at salubungin ang mga tingin ni Leimer.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin. Namumula ang mukha at umiigting ang panga niya sa galit, sobrang nakakatakot ng itsura niya na parang gusto ko nalang na tumakbo palayo. Dahan-dahan akong tumingin sa mga kamao niyang nakakuyom ng todo at nanginginig.

Jusko anong gagawin ko?

Halos hindi ko matagalan ang pagtitig sakin ni Lei, ramdam na ramdam ko ang galit doon.

Bigla akong nabahala ng unti-unting dumako ang tingin niya kay Kevin. Mas lalong dumilim ang anyo niya. Magsasalita na sana ako ng mapasigaw ako at napaurong ng walang sabi-sabing lumakad ng mabilis si Lei papunta sa kinaroroonan ni Kevin.

Malakas akong humiyaw ng sunod-sunod niyang pinagsusuntok si Kevin sa mukha. Halos mabibigat na suntok ang binibigay niya dahil mabilis na dumugo ang ilong at labi ni Kevin, mabilis akong humingi ng tulong pero halos lahat ng tao dito sa loob ng restaurant ay walang balak na lumapit. Takot na takot na hindi madamay sa kadahilanang si Leimer ang taong iyon.

Napatakip ako ng bibig at umiiyak na sumisigaw. Kitang-kita ko ang gigil at galit sa sunod sunod niyang pagsuntok na halos hindi man lang makatayo si Kevin. Gigil niyang hinawakan ang buhok ni Kevin at walang awang inumpog sa lamesa ng tatlong beses.

"Leimer tumigil kana!" Umiiyak kong sigaw.

Hindi ako pinakinggan ni Lei at sunod sunod na sinikmuraan si Kevin na ikinasuka niya dugo, patuloy lang ako sa pagsigaw ngunit parang baliwala lang ang ginagawa ko. Sobrang kinakabahan ako dahil sa duguan na mukha ni Kevin at natatakot akong baka mapatay ito ni Lei.

Hindi padin tumitigil si Lei at ibinalibag niya ito sa lamesa na may mga pagkain. Nawasak ang lamesa. Agad niyang nilapitan si Kevin at sunod-sunod uling sinuntok, wala na akong nagawa kung hindi lumapit kay Lei dahil hindi na gumagalaw si Kevin pero patuloy parin siya sa pagsuntok.

Mahigpit ko siyang niyakap palayo pero hindi siya natitinag at pilit na inaalis ako sa likuran niya tsaka tuloy-tuloy na sumusuntok.

"Tama na ano ba!" Napapikit ako sa sakit ng maitulak niya ako at tumama ang likod ng braso ko sa nakausling sirang lamesa na patusok, nagkaroon iyon ng mahabang sugat sa braso ko.

Napapikit ako ng mariin at tiniis ang sakit at buong lakas kong niyakap muli palayo si Lei.

"Sinabi ng tama na, ano ba! Mapapatay mo siya!"

Marahas siyang humarap sakin. Pulang pula ng husto ang mukha niya sa galit.

"E ano ngayon huh?!! Nag-aalala ka?!"
Umiiyak akong umiiling.

"Please Lei tama na, u-umuwi na tayo."

Tumingin muna siya kay Kevin at tsaka muling bumaling sakin. Pigil na pigil ang galit niya at marahas akong hinawakan sa kamay. Napakapit ako ng husto sa kanya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya at halos kaladkarin niya na ako.

Pagalit niyang binuksan ang kotse at galit na tumingin sakin.

Nanginig ang buong pagkatao ko dahil sa tingin niyang iyon at napatungo bigla. Walang sali-salitang sumakay ako at napaigtad ako ng pabalyaw niyang isara ang pinto.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon