Chapter 51: Unexpected guests

587 29 8
                                    

Here's the update my beloved readers! I'm very sorry for a slow update, you know naman ang situation natin today. I don't have enough money para makapagpaload, mahirap ang buhay mga sis! So nagantay ako para mabigyan ng pera para makapagpaload na hahaha kaya I'm very sorry guys for waiting you so long. And thankyouuu for keep supporting me and for understanding iloveyouuuu all!❤️

Don't worry, I give all my best to make this story more exciting.

Hailey's POV

Apat na araw na ang nakakalipas at ganoon pa din ang ginagawa ko, patuloy ako sa pag-iwas sa kanya. Kapag pinagsisilbihan ko siya ay tahimik lamang ako sa isang tabi at malimit na salita lamang ang nasasabi ko kapag kinakausap niya ako. Pagkatapos ng gabing iyon ay napansin ko kaagad ang pagbabago niya, ayoko mag-assume ng husto pero bigla na siyang nagbago. Halos hindi na siya lumalabas ng mansion, maaga na siyang umuuwi at napapansin ko din na lagi niya akong pinapatawag para utusan, wala naman akong karapatang umangal at tumanggi dahil isa padin niya akong katulong dito kaya sinunod ko nalang lahat ng pinapagawa niya kahit minsan nakakahalata na ako, napapaisip ako na ginagawa niya iyon para gawin ang hakbang niya para kausapin ako.

Ilang beses na din niya akong sinubukang kausapin about sa nangyari pero ako ang umiiwas. Hindi namin kailangan magusap dahil ayoko nanamang umasa sa mga salitang maririnig ko mula sa kanya, hanggat maari ilalagay ko na ang sarili ko kung san ba dapat ako nababagay. Masyado na akong nasasaktan at ayoko na ulit iyong mangyari. Ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya ay mananatili na lamang sa puso ko, hihilingin ko nalang na sana unti unti ng mawala ang pagmamahal ko sa kanya para hindi na ako nahihirapan.

Inayos ko na ang mga gamit ko ng matapos na ang klase namin tsaka ako lumabas para pumunta sa canteen, kanina pa ako nagugutom dahil hindi ako kumain kanina sa mansion, nakita ko kasi si Leimer na kumakain din kaya napagpasyahan ko nalang na mauna ng umalis kaysa ang makasabay siyang kumain.

Naningkit ang mata ko ng matanaw ko si Maxine na ibang iba na ang itsura habang kasama sila Honey at Sam pero nanatili ang tingin ko kay Max, napatulala ako sa kanya.

Tinignan ko siya ng mabuti, kailan pa siya nagpa-ikli ng buhok? At infairness mas lalo siyang pumuti, ibang iba ang awrang hatid ng postura niya ngayon. Nagmukha siyang mataray at matapang sa itsura niya, parang hindi ito galing sa heartbreak.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala sila sakin at agad akong niyakap ni Max ng mahigpit.

"Imissyou Haileeeeeeey! Hindi mo ba ako namiss huh?" Nakangiti niyang sabi sakin pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "Hoy huwag mo nga akong titigan ng ganyan! Gandang ganda kaba sakin?"

"Nag-iba ang itsura mo Max, mas lalo kang gumanda." Bigla kong sabi na lalo niyang ikinatawa.

"Ganyan ang nagagawa ng panloloko sa kanya, ayan todo paganda." Singit naman ni Honey.

"Duh. Don't even mention that, I'm already move on. And besides narealize ko na hindi ko pala dapat iniistress ang sarili ko sa isang walang kwentang manyak na lalaki, my tears are too precious. Kaya tama na ang ilang araw na nagiiiyak ako, and now all I want to do is to have a hangout with you girls! So let's go sa canteen, my treat!"

------------

Nasa pinakasulok kami ng canteen para hindi masyadong malapit sa mga estudyanteng magugulo dito sa loob.

Nakatingin lang kami kay Maxine na busy sa kausap sa phone niya habang kami patuloy lang sa pagkain.

"Wow how sweet naman baby." Maarte at kinikilig na sabi ni Max.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon