Chapter 49: Bad News

655 27 8
                                    

Sorry guys for the slow update.

Ilang araw akong hindi nakapagload dahil narin sa sitwasyon about sa quarantine, so I hope you guys understand my situation right now. Still I will do my best to update faster. Again, keep safe everyone❤️

Hailey's POV

Ilang araw na ang nagdaan at habang tumatagal na nakakasama ko siya ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal na nararamdaman ko, gustong gusto kong pigilan ang puso ko dahil alam kong mali at hindi pwede dahil hindi parin maaalis sa isip ko na isa ko padin siyang amo at katulong lang ako. Maling mali talaga pero tangina anong magagawa ko?

Kahit anong pigil ko kung lagi naman siyang nakadikit at pinapadama sakin na totoo ang nararamdaman niya mawawala talaga ako sa sarili ko e.

Hays jusko hindi ko talaga mawari kung bakit nagkagusto siya sa isang tulad ko. Sa isang simpleng katulad ko! Ayun palagi ang tinanong ng isip ko.

Hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso ko, inaamin ko din naman na kinikilig ako kahit papano sa kanya jusko sa isang Leimer Stanford hindi ka kikiligin like duh! Sa dami dami ng nagkakandarapang babae sa demonyong yon malamang sa malamang kusa mo nalang talaga ibaba ang panty mo para sa kanya kaso syempre hindi ako ganun no. Tama na yung kilig kilig lang tsaka di ko din alam kung bakit ako nahulog sa lalaking sugo ng kasamaan ang ugali, basta bigla nalang ako nasaktan ng iwasan niya ako, na bigla siyang nagbago at sobrang namiss ko talaga ang presensiya niya tas ayun hanggang sa unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa demonyo.

Hindi ko na inisip kung gaano kapangit ang ugali niya basta mahal ko na ang demonyong gumulo sa buhay ko.

At speaking of ugali, muli ko nanamang naalala kung paano niya sigawan yung driver nung nakaraang araw na nag-date kami grabe kahit na sobrang nakakahiya ang ginawa niya hindi ko padin mapigilan ang tuwa sa kalooban ko, sa buong buhay ko wala pakong pasahero na nakitang nagdemand at sumigaw sa driver ng ganun. At siya lang ang bukod tanging demonyo ang gumawa non, lakas ng loob! Nilait pa niya ang jeep ni manong, grabe!

Kaya ang ending nagalit si manong driver nun that time at pinababa kami ng jeep kaya ayun lakad to the max kami! Nagalit pa nga si Leimer at balak pang maglabas ng gago ng baril kung hindi ko lang siya pasimpleng inawat, wala talagang sinasanto ang demonyo, wala ding nilulugar! Hindi pa nga nakuntento ang gago ng makababa kami itinaas pa niya kay manong driver yung middle finger niya tsaka nagmumumura bago umandar ang jeep.

Sobrang galit na galit talaga siya ng araw na yon at sakin pa sinisisi ang lahat kung hindi ba naman talaga demonyong may saltik.

Pero kahit papano sobrang saya ko ng mga araw nayon, kahit andami niyang kaartehan sa katawan ay naging memorable ang date na iyon para sakin.

"Ate anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Jessy muntik ko pang mabitawan ang platong hinuhugasan ko, tinignan niya ako ng nakakaloko.

"Ano kaba naman Jessy, bakit ka ba nanggugulat?"

"Hahaha sorry ate ang layo kasi ng isip mo tas lampas tenga pa yang ngiti mo. Sino ba iniisip mo huh? Si Master Lei ba?" Sinundot sundot nanaman niya ang tagiliran ko habang natatawa.

Pinigilan kong huwag ngumiti at mas tinuon ang atensyon ko sa hinuhugasan.

" Pinagsasasabi mo diyan? Tigilan mo nga ako may ginagawa ako."

"Uuuuuyy ayaw pagusapan hahaha. Tsaka ate sira ka talaga ako na gagawa diyan mamaya makita ka ni Ma----"

Napatigil siya sa pagsasalita na ikinatingin ko sa kanya. Tumayo ito ng maayos at nakita ko sa pagmumukha niya ang takot kaya sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon