Chapter 55: Tears and Pain

351 20 16
                                    

Hailey's POV

Matapos ang gabing iyon ay napansin ko na ang unti-unting pagbabago ni Lei niyong mga nagdaang araw. Alam na alam ko ang mga kinikilos niya, bibihira nalang niya ako sabayan kapag kakain kami. Kapag papasok naman ay ihahatid niya lamang ako na parang wala lang at pagkatapos ay aalis na.

Tipid lang na salita ang sasabihin niya kapag kinakausap ko siya. Mas napapadalas nadin ang pag-uwi niya ng hating gabi, ramdam na ramdam ko ang pagiging cold niya at halos nag-iba na ang pakikitungo niya sakin. Nawala ang pagiging sweet niya at parang ibang tao na lang ako para sa kanya.

Kaya wala ding araw at gabi na hindi ako umiiyak. Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko sa tuwing ganoon ang pinaparamdam at pinapakita niya sakin. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba at sakit lalo na at hindi maalis-alis sa isipan ko na kasama niya si Maggie sa Reunion Party nila ng buong akala ko ay nasa Quarters lang siya buong gabi.

Sobra akong nasasaktan dahil ayun din ang unang pagkakataon na nagsinungaling sakin si Lei at mas doble ang sakit na si Maggie ang dahilan.

Dahil sa mga nangyayari ay mas lalo akong nagooverthink, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano. Ito na siguro ang katapusan ng kaligayahan ko na pansamantala lang na binigay sakin. Ito ang kinatatakutan ko na maaring ayaw na sakin ni Lei at iiwanan na niya ako.

Sino ba naman kasi ako para piliin niya? Alam ko kung gaano niya kamahal si Magiie noon kaya napaka-imposible na mawala ng ganun ang feelings niya ng dahil lang sakin na kailan niya lang nakilala at isang hamak na katulong.

Pinapatunayan lang din ni Lei na tama ang mga naiisip ko. Ngayon wala na lang ako sa kanya dahil nagbalik na muli ang babaeng unang minahal niya.

Mas lalo akong napahagulgol at tinakpan ang bibig ko na nanginginig upang pigilan ang lakas ng pag-iyak ko. Niyakap ko ang aking tuhod at tahimik na umiiyak habang nakaupo sa sahig ng dati kong silid. Hindi ko kayang pumasok ngayon at hinayaan naman ako ni Lei at hindi man lang ako inabalang tanungin kung bakit. Talagang wala na siyang pakialam pa.

Napapikit ako ng mariin at tuloy-tuloy na umiyak. Ganito lang ako palagi, patago at mag-isang umiiyak.

Napaangat ang aking ulo ng mag-ring ang phone ko na nasa ibabaw ng kama. Hindi ko iyon pinansin ngunit mag-ring ito ulit kaya wala sinagot ko nalang din ito na hindi tinitignan ang caller.

"Hello Hailey nasan ka ngayon huh? Mygod! We're worried about you co'z you're not attending in the University for 3 days! Ano bang nangyayari sayo, nagaalala kami."

Pinahid ko ang luha ng marinig ang boses ni Honey.

"M-masama ang pakiramdam ko."

"Really? Okay. We're on our way, just wait for us." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero bigla nalang nitong pinatay.

Napapikit ako ng mariin at napasandal.

Hangga't maari ay gusto ko munang mapag-isa at mailabas ang sakit na nararamdaman ko sa huling araw na ito. Totoong tatlong araw na akong hindi pumapasok at wala akong gana. Inuukupado na kasi ni Lei ang utak ko at hindi na ako makapagisip ng tama, hindi ko na alam ang gagawin. Wala na akong gana sa lahat.

Nanghihina akong tumayo. Kilalang-kilala ko sila Honey, hinding-hindi ako titigilan ng mga iyon. Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Honey na magkita nalang kami sa isang Coffeeshop.

--------

Tahimik akong nakaupo at ramdam ko ang mga tingin sakin nila Maxine. Hindi ko sila matignan pabalik.

"I thought you're not feeling well as what you've said earlier. Based on you looks, you're just lying to us." Paguumpisa ni Honey.

"Oo nga, tatlong araw kang hindi pumasok. In 3 days, we also noticed your devil boyfriend going in the University by his self. We expect that he always with you but that isn't what we saw."

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon