Chapter 25
I miss him so much. So much. Lord, help me. I don't think I can stand this. Gusto ko siyang tawagan, kumustahin. Alam ko pong hindi tama pero parang hindi ko na kaya. Tulungan Ninyo ako.
Itinabi ni Dulce ang cellphone niya, isiniksik iyon sa kaloob-looban ng drawer ng nightstand. Ayaw na niyang umiyak ngunit tumulo ang luha niya. The emptiness she was so haunting that her bones felt cold.
Kung nakakamatay lang ang labis na pangungulila, marahil ay tumimbuwang na siya roon. Madalas na nais niya sanang makapiling ang mga magulang niya ngunit wala siyang ganang humarap sa ibang tao. Ang tanging nais niya ay ang sumiksik sa ilalim ng comforter niya, na para bang sa ganoong paraan ay magagawa niyang makalimot kahit paano.
It had been two weeks since she last saw Baba in the hospital. Pakiramdam niya ay dalawang taon na iyon. Para na siyang nababaliw kung minsan. Madalas siyang managinip na naroon ito at paggising niya ay awtomatikong kinakapa niya ang tabi para lang mabigo dahil walang laman iyon.
Nagpasya siyang bumuo ng mumunting kaligayahan niya. Tumayo siya, pinilit ang sariling sumaya. "Today is the start of happy days!" aniya, pilit kinukumbinse ang sarili kahit tumutulo ang mga luha.
She ignored her tears. Malalagpasan niya ito. Aanhin niya ang isang lalaking ibang babae ang gusto? Nagtungo na siya sa kusina, kumuha ng ice cream sa freezer at iyon ang inalmusal sa tapat ng TV. Nanakit ang tiyan niya sa lamig.
"Great. First I was just miserable, now I'm also a big idiot," sambit niya, namaluktot sa sofa, tutop ang sikmurang nagrereklamo sa lamig.
"Sa isang joint operation ng PNP at NBI kagabi sa bayan ng Santa Fe ay napaslang si Mayor Candida Villacorte. Ayon sa mga awtoridad ay matagal na nilang minamanmanan ang mayora. At kagabi, sa tangkang pag-aresto rito ay nanlaban ito at nabaril ng mga operatiba. Ang ating kasamahang si Brando Hernandez ang nasa Santa Fe ngayon. Brando?" wika ng news anchor sa TV. Agad siyang natigilan, napatingin sa screen.
Live telecast iyon at isang reporter ang nag-uulat mula sa labas ng mansiyon ng mga Villacorte. Kinilabutan siya ngunit nanatiling tutok sa balita.
"Maraming salamat, Luz. Dito nga sa aking likuran ay makikita ang tahimik na bahay ng mga Villacorte. Sa ngayon, ang tanging narito lang daw sa bahay na ito bukod sa ilang tauhan, ay ang dating alkaldeng si Lucas Villacorte, ama ng nasawing si Mayor Candida Villacorte. Ang mga Villacorte ang siyang may hawak ng bayang ito, Luz. Sa loob ng ilang dekada, ang pamilya lang ang siyang namuno rito. Ayon sa mga nakausap ko ritong mga opisyal ng PNP, Luz, malaki sanang kaso ang kakaharapin ng mayora kung hindi siya napaslang sa engkuwentro. Nanlaban diumano ang mayora at ito ay nabaril ng mga awtoridad. Kasalakuyang inieksamin ang mga labi nito na dinala sa NBI headquarters sa Maynila. Luz?"
Nagtanong ang news anchor sa studio—kalahati ng screen ang sakop nito at kalahati naman ay nagpapakita ng live broadcast mula sa Santa Fe. "Brando, balita namin ay maanomalya raw ang mga kaso ng nasawing mayora."
Tumugon ang reporter, "Oo, Luz. Wala pa sa atin ang mga detalye pero ayon sa ating source ay nakakalula diumano ang mga ginawa ng napaslang na mayor. Sa mga darating na araw ay malalaman natin ang lahat ng mga detalye."
She was stunned. Kahit tapos na ang ulat ay nakatunganga pa rin siya sa telebisyon. Inilipat niya ang channel at ang balitang iyon pa rin ang napanood niya. Labis-labis ang naging interes ng media at sa ngayon ay puro espekulasyon pa lang ang balita, bagaman malinaw na lumabas kung gaano kasama si Candida.
"Baba..." sambit niya. Agad niyang kinuha ang cellphone niya ngunti natigilan din. Bakit niya tatawagan ang lalaki? Ano ang sasabihin niya rito?
But he was mourning now, she was sure. Hindi rin niya tiyak kung baka madamay pa ito sa mga kasong dapat sana ay kay Candida lang. Nagpasya siyang tawagan na ang lalaki. Sinagot nito ang tawag niya. "Kumusta ka na?" bungad nito.
BINABASA MO ANG
Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)
RomanceI submitted this manuscript to PHR on July 2013. Today, the TV version is entitled Los B*stardos (I have to use the asterisk so this doesn't get flagged). I will be posting the entire ORIGINAL manuscript here, one day at a time. Thank you!