Chapter 16
"Naninikip na naman ang dibdib ni Papa," wika ni Joaquin sa ina, si Alba.
Bumuntong-hininga ito, halata ang pagkabagabag sa mukha. "Ang sabi ng mga doktor, maayos naman daw ang kalagayan niya. Sinabi ko na sa kanyang 'wag siyang umalis noong huli pero sumige pa rin!"
"Marami siyang iniisip, 'Ma." Saglit siyang nag-alangan kung ipagpapatuloy ang iba pa niyang sasabihin ngunit sa huli ay naisip niyang tanggap na nito ang sitwasyon. Matagal na panahon na marahil. "Siguro iniisip niya kami, Mama, kaming mga anak niya at iyong mga... nakasama niya sa buhay. Alam mong umalis siya dahil gusto niyang personal na bisitahin si Tita Paula," tukoy niya sa isa sa mga ina ng mga kapatid niya sa ama. Mayroong malubhang karamdaman ang babae at nasa probinsiya ito. Dinalaw ito ng kanyang ama doon.
Muli ay tumango ang kanyang ina. "Dinig ko, malubha raw si Paula. Alam mo naman ang ama mo, ayaw magkuwento sa akin kung tungkol sa mga babae niya. Ano ba talaga ang lagay ni Paula?"
"She's dying, Mama."
Natutop nito ang bibig. Marahil hindi iyon ang aasahang maging reaksiyon ng isang babae patungkol sa "karibal" nito ngunit marahil sanay na ang kanyang ina sa lahat, bagaman nakikita niya rito na minsan ay hindi pa nito tanggap iyon nang buong-buo. "Diyos ko. Eh, paano na ang anak niya? Kunsabagay, may dibidente naman ang lahat ng anak ng ama mo. Ang mga kuya at ate mo ay walang reklamo sa sistemang iyon."
Hindi niya alam kung ano ang iisipin kung minsan dahil may pagkakataong para bang nakaaangat sa lahat ng mga anak ng kanyang ama ang turing ng kanyang ina sa kanya, maging sa lahat ng mga anak na nauna sa kanya. Para ba silang mga espesyal na grupo. At marahil sa isang banda ay totoo iyon. Bago ang kanyang ina ay wala ni isang babaeng sinamahan ang kanyang ama nang matagal, bagaman hindi siya ang naging panganay nitong anak.
Ang kompanyang hawak niya ngayon bilang presidente ay mina-manage niya kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid. Ang ilang mga kapatid niyang mas bata sa kanya ay doon din namamasukan, bagaman marami ang piniling magkaroon ng ibang karera, bagaman kabilang ang mga ito sa nabibigyan ng dibidente ng kompanya. Tumatakbo ang kompanya para sa malaki nilang pamilya—lahat ay pantay-pantay pagdating sa dibidente.
He admired his mother. Hindi biro ang tanggapin ang lahat ng anak ng kanyang ama, lalo na iyong mga naging anak nito matapos siyang isilang. Muli, naitanong niya sa kanyang sarili kung dapat bang malaman nito ang tungkol sa isa pang anak ng kanyang ama. Isang anak at isang babaeng naging bahagi ng buhay ng kanyang ama bago pa nito nakilala ang kanyang ina. Habilin ng kanyang ama na huwag na raw sanang makarating sa kanyang ina ang lahat ng iyon hangga't hindi nakikita ang mag-ina nito.
"Papa is looking for his lost son. And the mother of that son," aniya, nakiramdam, hindi nilubayan ang tingin ang mukha ng babae.
Halatang nabigla ito. "At sino ang anak na 'yan? Hindi pa kasama sa listahan?" May bakas ng sarkasmo ang tinig nito at marahil hindi iyon maiaalis dito. Taon-taon nitong nakaraang dekada ay mayroong pagtitipon sa tuwing kaarawan ng kanyang ama. At sa tuwing pagtitipon ay inililista ng mga bisita ang pangalan ng mga ito. Ang mga anak na tulad niya ay inililista rin doon kung sino ang kanilang ina. It was necessary. Hindi man iyon tradisyunal ay kailangang-kailangan. His father insisted on sending birthday and Christmas gifts to every bastard, every bastard's son or daughter, and every bastard's mother. Mahal ng kanyang ama ang lahat ng mga anak at apo nito, sabihin pang napakarami nila. And in his little way, he was grateful to all the women who carried his children.
"No, Mama. He's older than me."
Namutla ang babae. Labis siyang nagtaka. Nagtanong ito. "Ano d-daw ang pangalan ng mag-ina?"
BINABASA MO ANG
Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)
RomanceI submitted this manuscript to PHR on July 2013. Today, the TV version is entitled Los B*stardos (I have to use the asterisk so this doesn't get flagged). I will be posting the entire ORIGINAL manuscript here, one day at a time. Thank you!