Chapter 17

4.2K 136 1
                                    

Chapter 17

"Pasensiya ka na, Dulce."

"You shouldn't have, Baba!" giit ni Dulce sa lalaki. She was mad. Pakiramdam niya ay inalis sa kanya ng lalaki ang karapatang tiyempuhan ang pagkukuwento kay Leticia ng tungkol dito. Naiinis siya na pinahirap pa nito ang sitwasyon.

"Sorry. Pasensiya ka na, Dulce, kung pinangunahan kita."

Pinagmasdan niya ito. Ang mga mata nito ay tila nangungusap at hindi patas ang lahat ng ito, naisip niya. Na kaya nitong tumingin sa kanya sa ganoong paraan para agad niyang malimot ang inis niya at frustration. "You're unfair, you know."

"Alam ko. Pasensiya ka na."

Bigla siyang napangiti. "It's unfair that you can just look at me like that and everything's okay."

Napangiti na rin ito at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito, hinagkan ang ulo niya. "Alam kong hindi lahat ng tao, mabilis akong matatanggap. Hindi ko siya dapat binigla. Siguro hindi ko lang nagustuhan ang pagtatanong niya sa akin."

"I know. Naiintindihan kita, Baba. Mabait naman 'yon, medyo mausisa lang talaga. She cares about me, that's why."

"Naisip ko nga rin 'yon. Pasensiya ka na."

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Everything's okay, Baba."

Nagyaya ito sa kusina at dalawa silang nagligpit ng pinagkainan nila. Bagaman nabura na ang inis niya sa lalaki ay hindi niya magawang burahin sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Leticia. Hindi rin maalis sa isip niya ang katotohanang ganoon pala ang maaari niyang maramdaman kapag humarap na sila ni Baba sa ibang tao. Parati bang magiging ganoon?

Saka niya naalala na kailangan nga pala niyang tawagan si Joaqiun. God, Joaquin. Of course. Bakit ba nawala na ito nang tuluyan sa isip niya?

"Ayos ka lang?" pukaw sa kanya ni Baba.

Tumango siya. "Pagod lang siguro. Bukas nga pala pupunta ako sa office. Maiwan ka na lang dito?"

"Sasamahan kita, siyempre."

Muli ay tumango siya. Naisip niya, bakit ba siya mamoroblema? She was going to take this one step at a time. Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Wala namang nagsasabi sa kanyang paspasan niya. Walang nag-uudyok sa kanyang magmadali siya sa mga desisyon niya. Hindi kailangang oramismo ay makabuo siya ng mga kapasyahan sa buhay.

"Kailan tayo babalik ng Santa Fe?" tanong ng lalaki nang nasa sala na sila at nakaupo sa sofa.

"Naiinip ka na ba rito?"

"Paano ako maiinip kung nandito ka?"

"Hindi na ba delikado bumalik?"

"Nakakuha na si Macario ng matutuluyan natin. Hindi na tayo babalik sa bahay sa ngayon. May nakuha siyang bahay na mas ligtas. Sa farm kasi hindi natin nakikita agad kung may darating na tao. Mahirap na. Kung hindi lang kailangang bumalik para sa pakay mo, siguro mas magandang dito na lang muna tayo."

"Mas gusto ko rin 'yon," pag-amin siya, saka idinikit ang pisngi sa dibdib nito. Kung maaari lang ay hindi na sila umalis sa bahay niya. Sa kabila ng pasya niyang huwag pakaisipin ang mga problema, hindi niya maiwasang kabahan sa mangyayari sa mga darating na araw.

Kapag nakita na nila ang hinahanap niyang tao, paano na? Babalik na sila sa Maynila? Ngunit paano ito? Ibebenta ba nito ang lupa sa Santa Fe para sa Cavite na tumuloy at iyon na ang gawing pangunahing kabuhayan? Marahil.

"Kapag nakita ko na ang hinahanap ko, paano...?" sambit niya kahit pinipigilan niya ang sariling magtanong. Ayaw din niyang magdesisyon ito base sa pinagsamahan nila nitong nakaraang ilang araw lang. Nais niyang bumuo ito ng desisyon base sa kung ano ang totoong nais nito.

Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon