Chapter 15

4.6K 155 3
                                    

Chapter 15

Baba's words were tantalizing Dulce, seducing her, painting a bright red image in her mind and body. Fire. His breath on her skin was sending shivers up her spine. Oh, God, she wanted him. Wanted him in a way she had never wanted anyone or anything before.

"Baba," sambit niya, bahagyang lumayo rito. Pawis na pawis siya. Ito na ang huling pagtitimping kaya niya. At kahit sa ganito ay para bang nagiging masokista siya. Why deny herself such promise of pleasure?

Bago pa niya matugon iyon ay nagmamadali siyang tumalikod at natagpuan ang sariling nasa garden niya. Ni hindi niya binalak na doon magtungo ngunit ang pintuan palabas mula sa komedor ang siyang tanging nakita niyang daan para malayo sa napakainit na komedor.

Kailangan din niyang magpalamig. Kailangan niyang mag-isip. Ngunit napakahirap. Inabot niya ang hose at nagdilig—ng hangin. Basta't pinisil niya ang sprinkler ng hose at tumayo sa gitna ng hardin, halos wala sa sarili. What the hell am I doing here?! I should be with him, damn it! I want to be with him.

She felt so confused for a while she wanted to cry.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Agad siyang napapihit at dahil dala niya ang hose ay nabasa si Baba. Agad niya iyong ibinaba. Kunot na kunot ang noo ng lalaki. Nang humakbang ito palapit sa kanya ay bigla niyang itinaas muli ang sprinkler upang basain ito, saka siya napatawa. Thank goodness for this distraction.

Napatili siya nang takbuhin siya nito at agad na maabutan. Kinabig siya nito at hindi na pinakawalan. Kinuha nito ang hose mula sa kanya saka siya binasa niyon. Nag-agawan sila sa hose, kung minsan ay tila pinagbibigyan siya nito.

"This is crazy," sambit niya nang matagpuang basa na sila kapwa.

"Baka mapasma ka nga pala. Ikaw talaga. Halika, maligo na tayo."

Ang isiping sabay silang maliligo ay may kiliting dulot sa imahinasyon niya na agad niyang pinalis. Nagtungo na siya sa silid niya at salamat na hindi sumunod si Baba, kundi nagtungo sa sarili nitong silid. She took a shower, scrubbing herself as hard as she could. Para bang mabubura ang init sa bawat kuskos niya. Who the hell was she kidding anyway?

She put on her silk robe afterwards. Lumabas na siya sa banyo upang mabigla nang makita sa kama niya si Baba. Nakahiga lang ito roon, bagong paligo base sa basang buhok nito, nakalagay sa likod ng ulo ang magkabila nitong kamay. Tila ba nais siyang tuksuhin ng triceps nito. Suot nito ay isang pantalong maong, marahil dahil wala siyang naempakeng pambahay sa pagmamadali niya nang dalhin ito sa ospital.

Apparently, gods take a stroll down earth every once in a while and find a place on a mortal's bed, like mine. Gods in old jeans. Old tight jeans that make the mind draw crazy images based on the protruding holy part between the thighs.

Pinamaywangan niya ito. "At ano ang ginagawa mo rito?"

"Malungkot sa kuwarto, eh. Dito na lang ako matutulog."

"Masuwerte ka!" Inirapan niya ito, saka nagtungo sa closet. Nagpa-palpitate na siya. Naupo siya sa tapat ng salamin, natutuksong tingnan mula roon ang lalaki. Nakatingin din lang ito sa kanya, may ngiti sa labi. Magkakasunod ang naging paglunok niya. Kunwa ay kaswal siyang nag-brush ng buhok. Kakaligo lang niya, naiinitan na naman siya! Buwisit na lalaki talaga!

Napasinghap siya nang tumayo ito. Marahan itong lumapit sa kanya, humawak sa mga balikat niya. "Gusto mo ng masahe?"

"Hmmm?" sambit niya, parang nais ipikit ang mga mata. Damn the man!

Marahil inisip nitong pag-oo iyon sa alok nito gayong nagtatalo pa ang kalooban niya. Nagsimula ang banayad nitong pagpisil sa balikat niya hanggang sa marahan nitong ibaba ang roba niya, sa gayon ay dumulas ang tela hanggang sa itaas ng kanyang dibdib. Dudulas pa iyon pababa kung hindi niya inagapan. Nag-init ang buong mukha niya ngunit tila hindi napansin ng lalaki. Nagpatuloy ito sa banayad nitong pagpisil at paghagod sa kanyang balat.

Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon