Chapter 11

4.3K 164 8
                                    


Chapter 11

"Kung wala kang makuhang lead, umuwi ka na, Dulce. I'll find someone else to look for them."

Isang bahagi ng isip ni Dulce ang sumasang-ayon sa suhestiyon ni Joaquin, ngunit isang bahagi ang nais manatili sa Santa Fe, tapusin ang trabaho. "Joaquin, ito lang ang magagawa ko para sa pamilya mo, sa Papa mo. Malaki ang utang-na-loob ko sa kanya. I'm this close to finding them. But I really do need a little help. Mas maganda siguro kung makakakuha ka ng image nila. Kahit ni Dominga lang. Tisha can draw well. I can send her over. She'd be better than any cartographer. And maybe she can digitally enhance the image."

"Maybe that can work."

"O kaya baka mayroong hindi nasabi sa 'yo ang Papa mo. Baka may nabanggit si Dominga na pangalan ng kamag-anak niya rito. Kung matagal nang nakatira ang kamag-anak niyang pinuntahan dito, malamang na may record 'yon."

"I will ask him further. Thank you for doing this, Dulce. Thank you very much. You are a gem."

Napangiti siya. "Anything for you and your family."

Muli itong nagpasalamat at nagpaalam na rin. Nagbilin siya kay Tisha tungkol doon, maging sa mga trabaho niyang nakabinbin. Ipinaalala ng babae ang bagong mga disenyong kailangan niyang ipadala rito para i-forward sa factory nila. Sa ngayon, kailangan muna niyang itigil ang paghahanap kay Dominga dahil sadyang naubos na ang clue niya. Wala nang katandaang nakakaalala rito dahil lilima na lang ang mga iyon at dalawa pa ay ulyanin na.

Kinuha niya ang sketchbook niya at pumuwesto sa sala. Naroon si Baba, nakaupo sa grandfather's chair nito, nakataas ang paa sa katerno niyong ottoman, nakalagay ang mga kamay sa likod ng ulo. Nanonood ito ng telebisyon kahit napakahina ng volume na hindi niya alam kung naririnig pa nito iyon. He looked so cute watching a cooking show. Mukhang tutok na tutok ito doon at pamanaka-naka ay tumatango.

Napapangiti siya. Nagsimula siyang lagyan ng detalye ang mga sketch niya—mula sa sukat hanggang sa fabric selection, kulay, at finish ng mga iyon. Gayunman, maya't maya ay napapatingin siya kay Baba na sa huli ay nagbukas siya ng bagong pahina sa sketchbook at nagsimulang iguhit ang lalaki. Mabibili sna sketch ang ginawa niya at bago matapos ang pinapanood nito ay nakabuo na siya ng lima.

Nilingon siya nito at agad siyang nagpatay-malisya. Tumayo ito. "Mamaya may darating na kukuha ng baka. Baka magalit ka na naman kapag hindi mo ako abot-kamay. Ipapastol ko na muna ang mga 'yon."

"Iba naman siyempre kung nandito ka lang sa farm. Pero sasama ako."

"Akala ko ba may trabaho ka?"

"Naiinip din ako dito."

Hindi iyon totoo. Kapag hawak niya ang sketchpad niya at ganoong may deadline siya, kaya niyang magtrabaho nang tuluy-tuloy at madalas pa niyang malimutan ang kumain man lang. Ngunit nais niyang makita ang kabuuan ng farm. Hindi pa siya naipapasyal ng lalaki doon. Basta't ang sabi nito, sa ngayon ay hindi muna ito nagpatanim. Katatapos lang ng anihan. Mayroon itong alagang mga baka. Free range ang mga iyon, hindi kailangang alagaang maigi, bagaman araw-araw ay saglit na pinupuntahan nito.

Niyaya na siya ng lalaki. Sa halip na magmotor ay kumuha ito ng kabayo mula sa stable. Dalawa lang ang lamang kabayo roon.

"Hindi ako marunong mangabayo," aniya.

Nilagyan nito ng siya ang isang kabayo, saka siya inalalayang sumakay doon. Akala niya ay sasakay din ito ngunit sa halip ay hinila nito ang renda. Lumabas na sila sa stable. Itinuro niya rito ang kamalig. "Walang laman 'yan ngayon?" tanong niya.

"Mayroon, panggamit lang dito."

"Kailan ka magpapatanim ulit?"

"Kailan ka ba aalis?"

Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon