Chapter-47

42 0 0
                                    

[ Author's Note// Sorry po sa mga error na chapter.Intindihin nyo na lang,minsan kasi may nauunang part. Thankie ∩__∩ ]

(Rexy's POV)

Naknang tokwa -_____- Kapag talaga tungkol sa kalandian ang bilis bilis ni mama.

"Totoo ba ang sinasabi mo?"tanong ni mama kay Yanna.

Nagchichismisan po sila about sakin. HALER NANDITO AKO.

"Opo Tita.Naku nakita nga nya ang abs ni Ken kahapon."

"Talaga? 6 or 8 pack?"

"Naku hindi ko po alam dyan.Nanlambot nga po ang tuhod nyan."

"Talaga? Hahahaha Dalaga na ang anak ko,Hindi na ako mag aalangan kung lesbian ba sya o hindi."

"Mama-----"

"Tama tita at alam nyo ba napakagwapo ni ken,tiyak na magugustuhan nyo sya."

"Talaga,paminsan minsan nga bumisita kamo sya dito at para makilala ko sya."

Okay! Ayaw talaga nila akong pasingitin.

"Sige po sasabihin ko Hahahaha."

"Naku,buti na lang talaga at sinamahan mo sya dito kung hindi,hindi ko malalaman ang kalandian ng babaitang iyan."

"Diba sabi nyo wag magpapunta ng lalaki di----"reklamo ko kaso hindi natuloy kasi sumang ayon agad si mama.

"Naku okay lang na pumunta yung friend at soon to be boyfriend mo.Ang galing talaga nitong si Kim Hahahahaha."

-___________- edi kayo nalang ang mag ina. Saka  Ano daw ? soon to be boyfriend? In his dream.

"Ay teka gusto ko din sana yung unang lalaking nagpunta dito noon."

"Sino po?"

"Yung lalaking gwapo,matangkad saka mabait..sino nga ba yun anak?"

Sa wakas.....Isinali din nila ako.

"Si Tad -________-"

"Ay oo.Grabe gwapo din ang isang yun."sabi ni mama at bigla namang napatahimik si Yanna sa narinig.

"*Ahem* Mama may nasasaktan."sabi ko saka pinoint si Yanna.

"Oh my gulay! Kayo ba nun? Im sorry Kim hindi ko alam."depensa ni mama.

"Its okay tita,break na naman kami."malungkot na wika nya.

"Ah ganun ba? Sayang bagay pa naman kayo."

"Hay! Ang aga aga nyong magchismisan.Ma,akala ko ba sa manila kayo magtatrabaho."pag iiba ko ng usapan para mawala ang awkwardness sa paligid.

"Oo nga.Ay! late na ako.Bye bye na sa inyo.Kim balitaan mo ko lagi Hah? Babush!"paalam ni mama saka tuluyang umalis.

Hoooh! ibang klase talaga yun  ̄ω ̄ basta chismis,parang GLOBE,go lang ng go.

"Tara na Sissy.Pumasok na tayo."aya ko.

"Sige."sagot nito.

Naglakad na kami papuntang campus,Hays! kailan kaya ako yayaman? yung tipong hindi ko na kailangang maglakad araw araw. Tss -.- stop that fvckin dreams Rex,poor ka lang as in P-O-O-R.

Lumingon ako kay Yanna."Wag mong damdamin may likod ka pa."sabi ko kasi hanggang ngayon tahimik padin sya.

"Tsk.Hindi ko sya iniisip."tanggi nito.

"Sissy,magkaiba ang damdamin sa iniisip.Miss mo na sya noh!."biro ko.

"Im not."

"You are."

DEMON BESIDE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon