Part 3

6.8K 212 11
                                    


"YES!" masayang bulalas ni Winnie at napatalon pa sa tuwa nang matapos ang tennis match. "Uuwi na sila. Yes!" muli ay sabi niya.

"Winnie. Masyado kang masaya. Natalo si Riki, no?" saway ni Ailyn sa kaniya.

Natigilan si Winnie at napangiwi. "Ah. Oo nga pala." Nilingon niya ang kaibigan niya na tila maiiyak na. Umupo siya sa tabi ni Ailyn at niyakap. "It was a good game," alo niya.

Nasa loob sila ng condo ni Riki. Doon sila nanood dahil gusto ni Ailyn na may kasama. "Kung puwede ko lang iwan ngayon ang security agency sumama sana ako sa kaniya. Sa susunod talaga sasama na ako para suportahan siya. He must be devastated now," sabi ni Ailyn.

Napabuntong hininga na sumulyap si Winnie sa tv screen. Pinapakita pa rin si Riki. Lumapit na si Jeremy sa lalaki at paakbay na tinapik si Riki na nakayuko. Parehong mukhang walang emosyon ang mukha ng dalawa subalit may pakiramdam si Winnie na maraming emosyon ang naglalaro sa loob nina Jeremy at Riki. Lalo na si Jeremy. Dahil kahit noon at least si Riki nagpapakita ng emosyon kapag galit at inis. Lalo na ngayong nag-asawa na ang lalaki. Pero si Jeremy, palaging seryoso. Gustong gustong alisin ni Winnie ang maskara na iyon ni Jeremy.

Gagawin kong misyon kapag nasa pilipinas na sila, desididong naisip ni Winnie.

Nag-ring ang telepono at sabay silang napaigtad ni Ailyn. "Siguradong isa sa pamilya ni Riki ang tumatawag," usal ni Ailyn na tumayo. Sinundan na lang ni Winnie nang tingin ang kaibigan niya hanggang sagutin nito ang tawag.

"Jeremy." Napaderetso ng upo si Winnie pagkabanggit ni Ailyn sa pangalan na iyon. "Uuwi na kayo agad? Okay. Kamusta si Riki?" tanong ng kaibigan niya. Sandaling nakinig si Ailyn bago tila nakahinga ng maluwag at bahagya nang napangiti. "I'm glad he's fine. Sabihin mo sa kaniya na hihintayin ko siya sa airport. Alam ko maraming tao ang mag-aabang doon pero gusto ko pa rin siya sunduin."

Tumayo na si Winnie at lumapit kay Ailyn. Gusto rin niya makausap si Jeremy kahit sandali lang. Gusto niya marinig ang boses ng binata. Sumenyas si Winnie kay Ailyn at tumingin naman agad sa kaniya ang kaibigan niya. Pagkatapos ngumiti ito at walang pagdadalawang isip na inabot kay Winnie ang telepono.

Kumabog ang dibdib niya at medyo nanginig pa ang kamay ni Winnie nang abutin niya ang awditibo. Huminga muna siya ng malalim bago inilapit sa tainga niya ang telepono.

"We'll take the latest flight we can later. Babalik na kami ni Riki sa hotel pagkatapos ng award ceremony," sabi ni Jeremy.

Muntik na mapapikit si Winnie nang sa wakas marinig niya ang boses ni Jeremy. Dahil galing sa telepono parang ang lapit lapit ng tinig ng binata sa tainga ni Winnie. Sa totoo lang hindi pa niya nagagawang maging ganoon kalapit kay Jeremy sa puntong naririnig niya sa tainga niya ang tinig ng binata. Palagi kasing parang sinisilihan si Jeremy at umaalis kapag akala ni Winnie magkakasolo na sila.

"Jeremy," usal ni Winnie.

Biglang napahinto sa pagsasalita ang binata sa kabilang linya. Sumulyap si Winnie kay Ailyn na nakangiti na habang nakamasid sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas nang sa wakas muling magsalita si Jeremy.

"Hey."

Lumunok si Winnie at ngumiti kahit hindi siya nakikita ng binata. "Hi. Are you okay?"

"Oo naman. Why?" tila gulat pa na tanong ni Jeremy.

"Talaga? Hindi ka mukhang okay sa TV," sabi ni Winnie.

Natahimik si Jeremy sa kabilang linya. Nang muling magsalita ang binata tila nagmamadali na ito. "Well, I'm okay. Uh... I have to go."

Nadismaya si Winnie pero wala rin naman siyang magagawa. Abala ang mga sandaling iyon para kina Riki at Jeremy. "Sige. See you soon," nakangiti nang paalam niya.

"Uh... yeah. Sure. Can I talk to Ailyn?"

Bantulot na inabot ni Winnie sa kaibigan niya ang telepono. Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa para sa arrangements ng pagsundo kina Riki at Jeremy sa airport. Si Winnie bumalik na sa sofa at sumalampak ng upo doon. Gustong gusto na niyang makita si Jeremy.

Muli lang lumingon si Winnie nang magpaalam na si Ailyn kay Jeremy at ibaba ang telepono. Bahagyang ngumiti si Ailyn nang magtama ang mga mata nila. "So, susundo ako bukas. Pagkatapos 'non deretso sa hotel, magbibihis sandali para sa welcome home party na organized ng sponsors ni Riki," imporma ng kaibigan niya.

"Puwede akong sumama?" tanong ni Winnie.

"Siyempre. Besides, makikipagkita tayo kina Lorie at Lauradia para sa private welcome home party natin kina Riki no?" Ang tinutukoy ni Ailyn ay ang mga asawa ng mga kapatid ni Riki. "Ah, pero bago iyon magpapaganda muna tayo. Para kapag nakita ka ni Jeremy ma-in love siya sa iyo," kindat ni Ailyn. Mukhang naka-recover na sa lungkot ng pagkatalo ni Riki ang kaibigan niya. Tila mas namayani ang pagkasabik ni Ailyn na makita ang asawa matapos ang ilang buwan. Alam niya kung ano ang pakiramdam na iyon dahil sabik na sabik na rin siyang makita si Jeremy.

Napangiti na si Winnie. "Salamat, Ai."

"No problem," ngising sagot ng kaibigan niya.

CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon