HABANG lumilipas ang oras ay pasama ng pasama ang mood ni Winnie. Hindi kasi humihiwalay si Megan kay Jeremy. Hindi siya makahanap ng tiyempo na makalapit sa binata. Lalo na at nang matapos mananghalian ay nag-aya na naman ang babae na mag tennis. Lahat tuloy ng mga kaibigan nina Riki at Jeremy nagtungo sa tennis court kasama sina Raiven at Choi. Hindi maka-relate si Winnie pero nagtungo pa rin siya sa tennis court at pinanood ang mga naglalaro kasama sina Ailyn, Lorie at Lauradia.
"Nasa isla pero himbis na i-enjoy ang dagat nandito sila sa court," mahinang maktol ni Winnie.
"Winnie, mahahalata na ng lahat ang talim ng tingin mo kay Megan," bulong ni Lorie.
Napakurap si Winnie mula sa pagtingin kay Jeremy at Megan na kasalukuyang nag-uusap sa malayo habang hinihintay matapos ang game nina Riki at Gio. "Binakuran na kasi niya si Jeremy kahit hindi naman dapat. Nakakainis," maktol pa rin ni Winnie.
"Tita Winnie!" matinis na tili ng dalawang bata mula sa labas ng tennis court. Napalingon si Winnie. Nakita niya sina Lance at Maja kasama ang mga yaya ng dalawa. Naka swimming outfit ang dalawang bata. "Let's place sa beach, tita Winnie," sabi pa ni Maja.
Sandaling sumulyap si Winnie sa direksiyon ni Jeremy at Megan. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang kasama na ng dalawa si Choi. Ang kaso, alam ni Winnie na talagang hindi siya makakalapit kay Jeremy habang nasa tennis court ang binata. Napahinga siya ng malalim at tumayo. Bumaling siya sa mga bata at ngumiti. "Sige. We will play."
"Aalis ka na?" manghang tanong ni Ailyn. "Akala ko ba babantayan mo si Jeremy?"
"Ayokong nasa isang tabi lang habang nasa tabi niya ang babaeng iyon. Pupunta ako sa beach. Kapag hinanap niya ako mamaya o kahit hindi, sabihin niyo sa kaniya kung nasaan ako, okay?" sabi ni Winnie.
Noon bumakas ang reyalisasyon sa mukha ng tatlong babae. "Ah. Sige," nakakaunawang sabi ni Ailyn.
"Alam mo kung nasaan ang mga pagkain at kung anu-ano pa ha? May inilagay din akong walkie-talkie doon para kung may mangyaring hindi kasama sa plano mo ma-contact mo kami," sabi naman ni Lauradia.
Si Lorie naman ay ngumiti. "Good luck, Winnie."
Gumanti siya ng ngiti at tumango. Pagkatapos ay lumabas na si Winnie ng tennis court upang lumapit kina Lance at Maja. Masayang hinatak siya ng dalawang bata sa magkabilang kamay palayo roon. Lumingon sa huling pagkakataon si Winnie sa direksiyon nina Jeremy. Sumikdo ang puso niya nang makitang nakatingin sa kaniya ang binata. Subalit bago pa magkaroon ng pagkakataong magtama ang mga mata nila may kung anong sinabi si Megan sa tabi ni Jeremy kaya naalis na ang tingin nito sa kaniya. Mariing itinikom ni Winnie ang mga labi at binawi ang tingin.
KUNOT ang noong nagpalinga-linga si Jeremy. Nasa loob na sila ng mansiyon. Inabot sila ng hapon sa tennis court at tumigil lang silang maglaro nang kumulimlim at magsimulang humangin ng malakas. Ano mang oras ay siguradong bubuhos ang malakas na ulan. Subalit hindi makita ni Jeremy si Winnie kahit pa nasa living room na rin ang dalawang batang kasama ng dalaga na umalis kanina. Ayaw na lang niyang bigyan ng mas malalim na kahulugan kung bakit naramdaman niya nang sandaling umalis ng tennis court si Winnie.
"Anong problema Jeremy? Kanina ka pa palinga-linga. May hinahanap ka ba?" takang tanong ni Megan na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kaniya. Nakapagpalit na rin ng damit ang babae.
Tumikhim si Jeremy. "Not really," sabi na lamang niya.
"Nasaan si Winnie?" biglang tanong ni Gio na nakapagpalit na rin ng damit at katulad ni Jeremy ay nagpapalinga-linga sa paligid. May nabuhay na pagrerebelde sa loob niya. Katulad kaninang umaga nang bulungan siya ni Gio na mauna na raw siya para masolo nito si Winnie sa tennis court.
"Nagpaiwan ho siya sa dalampasigan. Gusto raw niya mamangka," sabi ng yaya ni Lance.
"What? Uulan ano mang oras at lalaki ang mga alon. Delikado mamangka. What was that woman thinking?" manghang bulalas ni Jeremy bago pa niya napigilan ang sarili. Saka lamang niya napagtanto na napalakas ang boses niya nang mapansin niyang nakatingin na sa kaniya ang lahat. Naramdaman ni Jeremy ang pagkalat ng init sa mukha niya. Shit. Why am I even panicking?
"Actually plano talaga ni Winnie mamangka ngayong araw. Hindi lang niya inaasahan na uulan. Babalik naman siguro siya rito kapag nakita niyang masama ang panahon," nag-aalalang sabi ni Lorie na sa kung anong dahilan ay pasulyap-sulyap kina Lauradia at Ailyn.
"You don't know her," sabay pang sabi ni Jeremy at Ailyn. Nagkatinginan sila ng babae. Halata ang pag-aalala sa mukha ni Ailyn. "Kapag may naisip gawin si Winnie, gagawin niya iyon kahit pa bumagyo o lumindol o kung ano pa man," sabi pa ng babae.
"Yes, she is very stubborn like that," sang-ayon ni Jeremy.
"Pupuntahan ko siya," sabi ni Gio.
"No. Ako na," mabilis na pigil ni Jeremy sa kaibigan. Bago pa makapagprotesta si Gio mabilis na siyang lumabas ng mansiyon. Kahit nang tawagin siya ni Megan hindi lumingon si Jeremy.
Mas malakas na ang hangin nang naglalakad na si Jeremy sa buhanginan. Pagdating niya sa dalampasigan nakita niya na mas malaki na ang mga alon kaysa kahapon na maganda ang panahon. Parang may sumuntok sa sikmura ni Jeremy nang matanaw niya sa bandang kanan, malayo sa kinatatayuan niya ang isang bangka na may isang sakay. Kahit malayo alam niya na si Winnie iyon. Tila ba binubuhay ng dalaga ang motor ng bangka at hindi alintana ang masamang panahon.
"Shit. Baliw talaga ang babaeng iyon," marahas na nausal ni Jeremy sabay takbo patungo sa dalaga. "Winnie!" sigaw niya.
Tumingala si Winnie at agad na napatingin sa direksiyon niya. Ang magaling na babae bigla pang ngumisi kasabay ng pagkabuhay ng motor ng bangkang sinasakyan nito. "Jeremy. Gusto mo sumama mamangka?"
Nanlaki ang mga mata ni Jeremy at lumusong na sa tubig. "Are you crazy?! Hindi mo ba napapansin na lumalaki ang mga alon? Uulan. Bumaba ka diyan Winnie," utos niya sa dalaga.
Hindi natinag si Winnie. "Gusto kong mamangka ngayon. Kung ayaw mo sumama okay lang." Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan ng dalaga ang sagwan at ginamit iyon upang iharap ang bangka sa direksiyong gusto nito.
Napabuga ng hangin si Jeremy kahit may pakiramdam siya umpisa pa lang na hindi niya basta mapapasunod si Winnie. "Winnie, you can do that tomorrow," frustrated na argumento niya.
Lumabi si Winnie at sandaling may nakita si Jeremy na kakaibang kislap sa mga mata ng dalaga. Was that desperation or sadness? O pareho? "Tomorrow might be too late," tila bulong lamang sa hangin na usal ni Winnie. Hindi agad nakahuma si Jeremy dahil may kung ano sa tono ng dalaga na parang sumuntok sa dibdib niya. Subalit si Winnie bumalik sa normal ang ekspresyon sa mukha. "Oo nga pala, Jeremy. Hindi ako marunong lumangoy," sabi pa nito at tumalikod na sa kaniya.
Napamura si Jeremy. Pagkatapos ay mabilis siyang lumapit sa bangka at kumapit doon bago pa iyon tuluyang makalayo. Napaigtad si Winnie nang walang kahirap-hirap na sumampa si Jeremy sa bangka. Saglit na gumewang ang bangka at kumapit silang dalawa sa magkabilang gilid upang ibalanse iyon. Nang tingnan ni Jeremy ang mukha ni Winnie ngiting ngiti na ang dalaga habang nakatingin sa kaniya.
"Five minutes lang. At hindi tayo lalayo sa isla. Pagkatapos babalik na tayo, maliwanag ba?" sumusukong sermon ni Jeremy sa dalaga.
"Salamat!" bulalas ni Winnie. Naging matamis ang ngiti ng dalaga at panandaliang nawala ang frustration ni Jeremy. Katunayan napatitig lang siya sa mukha nito at muli pakiramdam niya may nagbago na naman kay Winnie. She looks... beautiful.
Hindi yata talaga tao si Winnie. How can she evolve like that every time I see her?
Namamangha pa rin si Jeremy habang nakatitig sa nakangiting si Winnie kaya hindi niya namalayan kung saan nang bahagi ng dagat napunta ang bangkang sinasakyan nila. Natauhan lang siya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sabay silang napatingala ni Winnie sa madilim na kalangitan.
At doon nagsimula ang kanilang kamalasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/189839724-288-k640989.jpg)
BINABASA MO ANG
CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off)
Storie d'amoreNoon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng...