"AT last, we're home!" nag-iinat pa na bulalas ni Riki pagkababa nila sa eroplano. Sa totoo lang namamangha pa rin si Jeremy sa naging pagbabago ng kaibigan niya. Noon, kapag natatalo si Riki mainit na ang ulo nito at magpa-party magdamag kung saang club. Kanina, malungkot man si Riki ay mas kalmado na ang lalaki kahit natalo. Marahil, talagang malaki ang naging epekto ng pag-aasawa sa kaibigan niya.
The Finals was a good game. Dikit ang laban at kahit si Jeremy na nanonood lang ramdam ang tensiyon ng laro. It even made him want to play. Wala sa loob na napahawak si Jeremy sa kanang hita niya. Kung hindi na-injure ang kanang tuhod niya noong kolehiyo, siguradong sinubukan din niya ang professional tennis. Katunayan, gaya ni Riki, may mga sponsors na sinusundan ang Collegiate career ni Jeremy noon. Lalo na at ang bonding nila ni Riki noon ay magpunta sa mga international junior tennis games at lumahok sa mga iyon. Naipanalo pa nga ni Jeremy ang ilan sa mga iyon.
But the moment he got an injury that will never heal completely, his dreams shattered like broken glass. Walang kumpanya ang handang makipagsapalaran para sa isang tennis player na hindi one hundred percent game ready. Masyadong mahigpit ang kompetisyon sa world tennis para sa isang injured player na gaya niya.
"Jeremy," untag ni Riki. Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang tingin ng kaibigan niya. "Kapag natapos na lahat ng responsibilidad natin sa sponsors, let's play."
Umangat ang kilay ni Jeremy. "Tennis? Akala ko ba gusto mo muna mag break sandali?"
"But you want to play right?" Natigilan si Jeremy. Itinuro ni Riki ang ibabang bahagi ng katawan niya. "Kanina mo pa tinatapik ang hita mo. Ginagawa mo iyan sa tuwing gusto mo maglaro."
Agad na ikinuyom ni Jeremy ang kamay at humalukipkip. Ngumiti si Riki. "Kailangan ko rin ng kahit isang game-set match lang. Kung hindi ilang linggong hindi maalis sa utak ko ang laban kanina." Tumalikod na si Riki at nagpatiunang naglakad patungo sa direksiyon ng arrival area.
Sumunod si Jeremy. Kilalang kilala talaga siya ni Riki. Noong panahon na bago pa lang ang injury niya at gusto na niyang talikuran ang tennis, si Riki ang palaging nasa tabi ni Jeremy. Bago pa lamang sa pro-tennis si Riki noon at inimbitahan siyang maging manager nito.
"Are you okay?" Biglang sumagi sa isip ni Jeremy ang tanong na iyon ni Winnie nang tumawag siya kay Ailyn. Hindi agad siya nakahuma ng mga sandaling iyon dahil para siyang sinuntok sa sikmura ng tanong na iyon. Sa tagal ni Jeremy bilang manager ni Riki, wala pa kahit isa ang nagtanong sa kaniya kung okay lang siya pagkatapos matalo ni Riki. After all, hindi naman siya ang naglaro at natalo.
Subalit si Riki lang ang nakakaalam, na tuwing natatalo ito, mas matindi ang epekto niyon kay Jeremy na para bang siya mismo ang naglalaro sa court. The realization that there's another person out there who knows it makes Jeremy uncomfortable.
"Hindi mo puwedeng iwan ang tennis Jeremy. Hindi mo kaya. Dahil pareho lang tayo. Tennis is our life," iyon ang sinabi ni Riki nang alukin siya nitong maging manager.
Sa totoo lang tama si Riki. Hindi nagsisisi si Jeremy na naging manager siya ni Riki. Bukod sa involve pa rin siya sa sports na mahal na mahal niya, being a manager of a great player like Riki pays very well. Nakakapaglaro pa rin naman si Jeremy ng tennis. Hindi na nga lang sa competitive level.
Huminga ng malalim si Jeremy at hinamig ang sarili nang malapit na sila sa parte ng airport na maraming tao. Saglit pa naging alerto na siya dahil nakita na niya ang press people na nag-aabang sa pagdating ni Riki. Nang sandaling makita sila ng mga reporter nagsimulang magtakbuhan ang mga iyon sa kanila. Nag kislapan ang mga flash ng camera. Mabuti na lang naabisuhan na ni Jeremy sa amerika pa lamang ang mga guwardiya sa airport. Naprotektahan agad si Riki.
"We are going to hold a press conference tomorrow. Sa ngayon hindi muna siya makakasagot ng tanong dahil pagod siya. Please, understand," paulit-ulit na sinasabi ni Jeremy habang naglalakad sila ni Riki.
"Riki!" bulalas ng pamilyar na tinig ng isang babae. Sabay pang napaangat ang tingin ni Jeremy at Riki. Nakatayo sa hindi kalayuan si Ailyn kasama ang mga kapatid ni Riki. Subalit sa mga iyon napatutok kaagad ang tingin ni Jeremy sa isang babae na katabi ni Ailyn. Si Winnie. Paano hindi mapupunta kay Winnie ang tingin niya, ang suot ng babae ay neon pink na blouse. Kung sasabihin nito na glowing in the dark ang damit na iyon maniniwala si Jeremy.
"Ai!" masayang bulalas ni Riki at biglang tumakbo palapit sa asawa, tila nawalan ng pakielam sa lahat ng press na naroon. Napailing na lang si Jeremy. Malamang ang eksena ni Riki at Ailyn ang larawan sa mga pahayagan bukas. Naglakad na lang din siya palapit sa grupo. Nakipagbatian si Jeremy sa mga kapatid ni Riki na sina Raiven at Choi habang abala sa public display of affection sina Riki at Ailyn.
Nang mapasulyap si Jeremy kay Winnie titig na titig na naman ito sa kaniya. Halos hindi kumukurap. Gusto niya mapangiwi subalit pinanatili niyang walang ekspresyon ang mukha niya. Bakit ba kasi ganito makatitig si Winnie?
Mag-iiwas na sana ng tingin si Jeremy subalit sa hindi niya maipaliwang na dahilan natagpuan niya ang sariling nag-angat ng tingin sa mukha ni Winnie hanggang magtama ang kanilang mga paningin. Para bang may magnet ang mga mata ng babae na kahit gustuhin ni Jeremy hindi niya mgawang iwasan.
Pagkatapos ay matamis na ngumiti si Winnie at pilyang kumislap ang mga mata. "Hindi mo maalis ang tingin mo sa akin kanina pa. Na-miss mo rin ako 'no?" tudyo ng babae na humakbang palapit sa kaniya.
Napasimangot si Jeremy. "Of course not."
Naging ngisi ang ngiti ni Winnie at lalo pang lumapit sa kaniya. Pasimpleng umatras si Jeremy upang magkaroon ng espasyo sa pagitan nilang dalawa. "Kunwari ka pa diyan. Nakita kaya kita, ang layo niyo pa lang ni Riki nakatingin ka na sa akin. Huwag ka na mahiya. Na-miss din naman kita eh," patuloy ng babae.
Kumunot ang noo ni Jeremy. "Paano ako hindi mapapatingin sa iyo, tingnan mo nga iyang suot mo. Para kang neon lights." Turo niya sa neon pink blouse na suot ng babae.
Saglit lang na sinulyapan ni Winnie ang suot bago ngiting ngiti na tumingala uli kay Jeremy. "Gumana pala. Sinadya ko ito isuot para sa akin ka lang titingin pagdating na pagdating mo. Ayos ba?"
Napabuntong hininga si Jeremy. Kailan ba siya matututo na hinding hindi siya ang magkakaroon ng huling salita kapag kausap niya si Winnie? Palaging may nakahandang sagot ang babae sa lahat ng komento ni Jeremy. At madalas ang mga sinasabi ng dalaga ay iyong hindi mo aasahang sasabihin ng isang normal na tao. Dahil may normal na tao ba na walang bahid ni katiting na hiya at pag-aalinlangan sa katawan? Si Winnie lang ang taong kilala ni Jeremy na ganoon.
"Winnie, napapagod akong makipag-usap sa iyo," nasabi na lang ni Jeremy dahil iyon ang totoo. Sandali lang siya nakipag-usap sa babae parang naubos na ang enerhiya niya.
Natigilan si Winnie. "Oo nga pala. Pagod ka. Sorry. Sige last na talaga."
Napahawak si Jeremy sa sentido niya at muling napabuntong hininga. "Ano iyon?"
Sa pagkagulat niya biglang tumingkayad si Winnie at niyakap siya ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ni Jeremy at hindi nakahuma nang lumapat ang katawan ni Winnie sa katawan niya at humigpit pang lalo ang mga braso nito sa pagkakayakap sa kaniya. Humampas ang buhok ng dalaga sa gilid ng mukha ni Jeremy at nanuot sa ilong niya ang amoy ng shampoo na ginamit nito. Pati ang cologne na gamit ni Winnie nalanghap niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang amoy niyon dahil sa tingin niya hindi pa niya naamoy iyon kahit kailan. At sa tagal nilang pagkakakilala ngayon lang napagtanto ni Jeremy ang isang bagay.
Winnie smells like a flower field; fresh with a touch of something sweet.
"Welcome home," usal ni Winnie sa tainga ni Jeremy bago lumuwag ang mga braso na nakayakap sa kaniya. Tuluyan nang kumalas si Winnie at humakbang palayo kay Jeremy ay hindi pa rin siya nakakahuma. Matamis na nginitian siya ni Winnie. "What? Have you fallen in love with me?"
Noon natauhan si Jeremy. Napaderetso siya ng tayo at nag-iwas ng tingin. "Stop dreaming." Lumampas ang tingin niya kay Winnie at natigilan nang mapagtantong nakatingin sa kanilang dalawa sina Riki, Ailyn, Raiven at Choi.
Tumikhim si Jeremy. "Let's go. May event pa tayong pupuntahan, Riki." Biglang nag ngisian ang apat, patunay na kanina pa nasa kanila ni Winnie ang atensiyon ng grupo. May kumalat na init sa mukha ni Jeremy at tumalikod. Nagpatiuna na siyang maglakad palabas ng airport, palayo kay Winnie. Mahirap na, baka kung ano na naman ang maisipang gawin ng babae.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off)
RomanceNoon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng...