Part 8

5.8K 212 6
                                    


"JUST who is that adorable thing?" tanong ni Gio na kaibigan ni Jeremy at Riki mula pa noong kolehiyo. Sinundan ang tanong na iyon ng matinis na tawanan mula sa dalawang bata at isang babae. Napatingin si Jeremy kay Gio na nakatingin sa dalampasigan. Tiningnan niya ang tinitingnan ng kaibigan niya.

Natigilan si Jeremy nang mapagtanto na kay Winnie nakatingin si Gio. Nasa dalampasigan si Winnie kasama ang mga batang sina Lance at Maja at tila gumagawa ng sand castle. Subalit hindi iyon ang mas nakapukaw sa pansin ni Jeremy. Dahil abala siya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya at sa pag-iwas na mapatingin kay Winnie hindi niya napansin na wala na pala ang sarong na suot ng dalaga. Two-piece swimsuit na ang suot nito. At dahil nakaluhod si Winnie sa buhanginan patalikod sa direksiyon nila Jeremy at tila walang pakielam na tumutuwad para magpatong ng buhangin sa sand castle ay kitang-kita ng lahat ang pang-upo ng dalaga.

Napaderetso sa pagkakaupo si Jeremy at nalukot ang mukha. Anong ginagawa ng babaeng iyon at nag-di-display ng ganoon? Alam ni Winnie na puro lalaki ang mga bisita doon pero katulad ng dati tila walang pakielam ang dalaga sa paligid nito. Muling tumawa si Winnie na sinundan ng dalawang bata na kalaro nito.

"I suddenly want to swim too," biglang sabi ni Gio na tumayo.

"You know what, ako rin," sabi naman ni Elmer.

"Yeah, that looks fun," sabi rin ni Marlon.

Marahas na napalingon si Jeremy sa mga lalaki. "Ano? Akala ko ba nagpapatunaw lang tayo ng kinain at maglalaro tayo sa tennis court sa likod ng mansiyon ni Raiven?" manghang tanong ni Jeremy. May isang bahagi kasi ng isla, sa likod na bahagi ng mansiyon, na tinayuan ni Raiven ng sports amenities gaya ng tennis court, basketball court at Olympic size swimming pool.

"Puwede natin gawin iyan bukas. Ngayon, mukhang masarap maglaro sa beach," sabi ni Gio na nagsimula nang hubarin ang t-shirt.

"Besides, kanina pa namin hinihintay na ipakilala niyo kami ni Riki sa babaeng iyon pero hindi niyo ginagawa. So we will take the initiative," sabi naman ni Elmer.

"What?" bulalas ni Jeremy na napatayo na. Hindi nga lang niya alam kung bakit parang gusto niyang pigilan ang mga kaibigan niya. Sabagay, hindi rin naman nagpapigil ang tatlo dahil saglit pa nakalayo na ang mga ito at nakalapit kina Winnie. Napasunod na lang ng tingin si Jeremy.

"Bakit nagagalit ka?" amused na tanong ni Riki na siyang naiwan na lang doon kasama siya.

Kunot noong bumaling si Jeremy sa kaibigan niya na ngising ngisi. "Hindi ako nagagalit."

Umangat ang mga kilay ni Riki. "You look angry to me. Dahil ba nagpapakita sila ng interes kay Winnie? Kung nag-aalala ka, why don't you join them?" Itinuro pa ni Riki ang direksiyong tinahak ng mga kaibigan nila.

"Hindi ako nag-aalala," mariing sagot ni Jeremy.

Tumayo na rin si Riki at nag-alis ng t-shirt. "If you say so. Lalangoy rin ako. Pero hahanapin ko muna si Ailyn sandali." Tinapik siya ni Riki sa balikat bago lumayo. Naiwang mag-isa doon si Jeremy. Nang hindi na naman siya makatiis sumulyap siya sa direksiyon nina Winnie. Nakatayo na ang babae at nakikipagtawanan kina Gio.

Sa totoo lang, napansin ni Jeremy na may naiba kay Winnie mula pa noong gabi ng welcome party. Para bang ang make-over nito ng gabing iyon ay hindi nawala kahit natapos na ang party na iyon at hindi na naka-make-up at nakaayos si Winnie. Ang ngiti ng dalaga na ikinaiilang ni Jeremy noon parang nag-iba rin. O mas tamang sabihing, nag-iba ang epekto niyon sa kaniya. Hindi na siya naiilang. Katunayan, kapag naiinis na siya sa kakulitan ni Winnie, kapag ngumiti na ang dalaga parang bulang nawawala ang inis niya. Paano nangyari iyon? Kailan may nabago kay Winnie?

Muling tumawa ng malakas si Winnie kaya bumalik sa kasalukuyan ang atensiyon ni Jeremy. Nakikipag-usap pa rin si Gio sa dalaga at mukhang aliw na aliw ang dalawa sa isa't isa. Tila pabiro pang hinampas ni Winnie ang braso ng kaibigan niya.

May nakapang pagrerebelde si Jeremy sa dibdib niya na ikinainis niya. Dahil bakit siya nakakaramdam ng gaanoon in the first place? Wala naman sa kaniya kahit sino pa ang magpakita ng interes kay Winnie. Mas maganda nga iyon hindi na siya guguluhin ng dalaga kapag napunta sa iba ang interes nito.

Noon lumampas ang tingin ni Winnie kay Gio at napunta sa direksiyon ni Jeremy. Natigilan siya dahil alam niyang nakita na siya ng dalaga. Kumislap ang mga mata ni Winnie at nakangiting kumaway sa kaniya.

"Jeremy! Let's go swimming!" masiglang aya ng dalaga. Lumingon din si Gio sa direksiyon ni Jeremy at tila binabasa ang reaksiyon niya. Katunayan may kakaiba sa tingin ni Gio. Na para bang may alam ito na hindi niya mawari.

May sinabi siguro si Winnie sa kaniya, frustrated na naisip niya.

"Jeremy!" patuloy na tawag ni Winnie.

Kung tatanggi si Jeremy, mapapahiya ang dalaga sa harap ng mga kaibigan niya. He will turn out as rude. Kaya sa huli, napabuga na lang siya ng hangin, hinubad ang suot na puting t-shirt at nagsimulang maglakad palapit sa dagat. Napipilitan lang si Jeremy. Subalit nang mapatingin siya sa mukha ni Winnie at mahuli niyang pinapasadahan ng tingin ng dalaga ang hubad niyang katawan para siyang sinuntok sa sikmura. Lalo na nang umangat muli sa mukha niya ang tingin ni Winnie at makita ni Jeremy ang kislap ng admirasyon sa mga mata ng dalaga. Uminit ang pakiramdam niya.

Shit, mariing mura ni Jeremy sa magkahalong pagkamangha at inis sa sarili. Mabilis na iniwas niya ang tingin kay Winnie at napabilis ng lakad patungo sa dagat. Halos talunin na niya ang tubig para lang malubog ang katawan niya roon. Dahil kung hindi iyon ginawa ni Jeremy baka may makita ang lahat sa katawan niya na hindi nila dapat makita. And the fact that his body's reaction is because of Winnie really surprised him.

Ano ba talaga ang ginagawa ng babaeng iyon sa kaniya? Damn.

CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon